Chapter 18: Tacsiyapo

486 22 1
                                    

Tacsiyapo.

Bianca POV:

Sa mga oras na to nandito ako sa Library nagbabasa ng libro. Bakit feeling ko mailap sakin ang tadhana? Wala man lang nag hi at hello sa akin. Wala ngang ngumingiti sa akin kapag dumadaan ako eh.

Well, hindi ko naman kasalanan na matalo yung school ah? Tyaka bakit ba ganun? Bakit parang nasa sa akin lahat ng sisi.

Badtrip talaga. :3

Sinabayan pa yun ng l*sh*ng Bea na yun?! Kung sino man yun. Tsssk.

Patuloy parin ako ng pagbasa ng may nakita akong isang word na hindi pamilyar sa akin.

*Tacsiyapo-ang tawag sa lugar kung saan pwedeng magbasag ng mga chinawares at maglabas ng sama ng loob. Karaniwan itong matatagpuan sa mga carnaval at mga peryahan.*

Hmm. Tacsiyapo? Ngayon ko lang ito nakita at nabasa ah. Meron palang ganitong lugar?

Tinignan ko naman ang librong kasalukuyang binabasa ko.

*MGA UGNAY SA PERYA* WTH?! Hindi ko man lang napansin yung title ng libro. Basta basta nalang kasi akong kumuha ng kung ano anong libro na hindi ko naman alam kung anong pamagat.

Gusto ko lang kasing matanggal yung badtrip ko eh. Isa to sa nagtatanggal ng mga depresyon ko. Ang pagbabasa. Mahilig kasi akong magbasa, diba nga matalino ako?

At ngayon nakakita nanaman ako ng new word. 'TACSIYAPO' saktong sakto to ah. Kailangan ko pa namang maglabas ng mga sama ng loob.

(Guys, nabasa ko lang yung Tacsiyapo na yan sa isang wattpad story. Inaddopt ko lang. ✌)

Agad na akong tumayo at binalik sa shelves yung mga librong kinuha ko.

Papunta na ako sa pinto ng library pero napansin kong ang raming estudyanteng nakatingin sa akin.

Oo sikat ako pero parang ibang mga tingin yung binibigay nila sa akin ngayon. Para nalang tuloy akong normal na estudyante. Ano bang problema ng mga tao dito. L*sh* naman.

"Anong tinitingin tingin niyo?!!" pagtataray ko sa kanila.

"Quietttt." Bigla namang sabi nung nagbabantay sa Library. Ayssh.

Inirapan ko nalang sila samantalang nakasmirk sila sa akin.

Lumabas na ako ng Library at nagdiretso sa kotse ko. Mr. and Ms.Foundation pala ngayon pero ayaw kong manood. Wala akong gana.

Tyaka wala rin naman akong kasama eh. Hindi na pumasok si Berna at Eunice kasi boring naman daw.

Hindi na rin sana ako papasok kaso wala rin namang gagawin sa condo ko tyaka makakakita lang ako dun ng damuhong tao. :3

Alam kong hindi rin siya pumasok ngayon kasi paulit ulit niya akong tinatawagan kagabi.

Nung sinagot ko yung tawag niya, para siyang lasing. Ugh.

Pinaandar ko naman kaagad ang audi ko at naghanap ng carnaval at peryahan pero wala akong makita.

Napadpad na ako sa mga ilang lugar na hindi masyadong pamilyar sa akin dahil tanong ako ng tanong.

"Ah, excuse me. Can I ask something?" Sinabi ko dun sa babaeng naglalakad.

"Ah ano yun Ineng?" LIKE WHAT THE HELL? Ineng? Mukha ba akong pulubi. -_-

Binaliwala ko nalang yung tinawag sa akin nung babae.

"Tsk. Naghahanap kasi ako ng carnaval or perya kung saan may Tacsiyapo?"

"Ah Tacsiyapo ba Ineng?" nanaman. :3

"Yup. Where I can find that place?"

"Malapit nalang dito yun. Dire, Dumiretso kalang diyan sa kantong yan tapos kumaliwa ka tapos kumanan ka. Mayroong carnaval diyan na may Tacsiyapo."

"Ah K. Thanks!" Sinarado ko na ang windshield ko at pinaandar na ang kotse ko.

Sinunod ko yung sinabi ng babae at natagpuan ko nga ito.

Maliit lang yung carnaval na to pero parang ang raming tao. Hindi lang marami, sobrang rami.

Tsk. Wala na bang iba?! Ang rami kong nakikitang nagsisigarilyo.. Nagsusugal.. Naglalandian. Wth? CARNAVAL BA TALAGA TO OR ISANG BAR? (Bar na may sugalan? HAHAHA)

Binasa ko naman ang karatula bago ako pumasok.

*BENTE PO PER HEAD BAYAD SA ENTRANCE FEE*

Tinignan ko naman yung entrance kung saan may lalaking nakatopless na may dalang karton na maliit.

Seriously?! Ganyan ba magdamit yung guard dito eh para siyang drug lord eh. Ano bang ginagawa ko dito sa lugar na to? Tsk.

Gusto kong bumalik sa school or sa condo ko pero parang may nagtutulak sa akin na pumasok sa loob eh.

Yung tipong nararamdaman mo nalang na kailangan mo talafang pumasok basta ganun yung nararamdaman ko.

Pumila na ako kung saan may pila sa entrance.

"Yucks. Ano ba?! Wag ka ngang dumikit." Reklamo ko kaagad ng may dumikit sa aking babaeng mataba na pawis na pawis.

"Ang arte mo ah. Pumunta ka pa dito? Hoy miss bawal ang maarte sa lugar na to!"

"Tsk." Inirapan ko nalang siya at kumuha ng alcohol sa bag ko. Kaasar naman.

"Bayad mo Miss." sabi nung lalaki. Linabas ko naman yung wallet ko at naghanap ng bente pero wala akong makita kundi panay isang libo.

"Oh eto." Inabot ko yung 1k sa lalaking nagsisilbing guard dito.

"Wala akong panukli diyan. Nak ng p*ch* naman oh. Magpabarya ka muna."

"Iyong iyo na yan! Basta papasukin mo lang ako para makita ko na yung hinahanap ko. Tsk!"

"Sure ka miss? Sige pasok na!" Binigyan naman niya ako ng daan. Mga mahihirap talaga mukhang pera tsk.

Pagpasok ko palang sa loob nakakita na ako ng nga naghahalikan, nag iinuman na grupo ng mga lalaki, nagvivideoke, nagsusugal, mga nagsisigawan at kung ano ano pa. Halo halo ang amoy.

Tsk. Mali ata tong napuntahan ko ah. Pero naglakad parin ako nakakita ako ng isang karatula.

*TACSIYAPO-sampo isang pinggan.* Basa ko sa karatula..sa wakas nahanap ko rin yung hinahanap ko.

Nakita ko namang may nagwawala na isang babae sa loob ng pamilyar pero hindi ko masyadong mamukhaan.

Para siyang baliw na nagbabasag dun ng pinggan. Sigaw ng sigaw na parang baliw.

"Linoko mo ako! Linoko mo ako! Akala ko ba nasa plano lang yun! Akala ko! Sinungaling ka! Hindi pwedeng mahalin mo siya! DAPAT AKO LANG!! DAPAT AKO LAAAAANNNNNGGGGG!!!!" Sigaw nung babae. Parang wala siyang pakialam kung maraming nakakakita sa kanyang mga tao.

Linalabas niya lahat ng hinanakit niya. Nafifeel ko yung nararamdaman niya pero parang hindi ko yata kayang magwala dito ah.

Nakakahiya. Nakakawapoise.

Pinunasan na nung babae yung luha niya at magbabayad nanaman ata dun sa bantay ng tacsiyapo kasi kumuha ulit siya ng dalawang pinggan.

Papasok na ulit sana siya dun sa kwartong bukas ng bigla siyang napatingin sa akin naa gulat...

Hindi lang siya yung nagulat pati akoo.

"ISA?!!!/IKAAAWW?!!!" Sabay naming sigaw.

~~~

A/N: Mamaya onti yung next update may clan war kami eh. Haha. Ty sa pagbasa Guys!! =)))

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon