A/N: Guys,sorry kasi sabi ko mag uupdate ako nung Saturday kaso hindi ako nakapag update. May outing kasi kami nung sat. at sun. eh. =)
~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~"Isa?! Bakit late ka?" Pabungad sakin kaagad ni Bernadette.
"Anong late? Hindi pa nga nagbebell eh. Tsk." Umupo na ako sa upuan ko. Tapos na pala ang foudation day at susunod na yung mga clubs nextweek.
Magbobotohan nanaman ng mga president, vice president at representatives ng mga club.
Pwedeng manatili yung dating mga president ng mga club kung majority parin yung votes nila at sure ako na majority parin ang makukuha kong votes.
Siguro naman nakamove on na sila sa nangyari diba? Tsk.
"I mean, noon kasi wala pang dumadating na students nandito kana pero bakit---"
"Tinatanong mo pa ako? Eh yang Eunice na yan eh.." Ayts. Speaking of the devil meron na si Eunice. :3
Papalapit siya sa amin ni Berna na nakangiti.
"Hi!" Pero napansin niyang nakasimangot lang ako habang tinitignan siya kaya nagbago din yung mood ng mukha niya.
"Bakit ba lagi kana lang nakasimangot?" pagtutukoy niya sa mukha at naupo sa tabi ko.
Inirapan ko lang siya.
"Tyaka ang laki ng eyebags mo Girl.. ewww." Dagdag niya ng may pandidiri.
"Ikaw kaya may kagagawan nito!!"
"Anong ako?!"
"Sino ba sa atin ang nakichat tapos may sasabihing hindi rin naman itutuloy?!"
Nung tinanong ko yun bigla siyang napangiti na parang nang aasar.
"Ah, I know na! Gusto ko kasing sabihin na si----"
"Excuse me Eunice." biglang salita ni Miguell.
Napatingin kaming tatlo sa kanya.
"Miguell? Ahmm. Sige.." sabi kaagad ni Eunice. Umalis kaagad sila ni Berna sa tabi ko at pumunta sa sarili nilang upuan.
Napapangisi naman ako. I feel awkward. Hindi kasi kami nag iimikan simula ng umupo siya sa tabi ko. Diba nga seatmate kami?
Ugh. Bakit ba kasi hindi pwedeng palitan yung seating arrangement? Badtrip naman. :3
*Silence Silence Silence*
Sana dumating na yung teacher namin kainis. Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko.
"Bian-- I mean Isa, are you okay?" binasag niya ang katahimikan na namumuo sa aming dalawa.
Nainis ako nung nag salita siya. Hindi dahil kinakausap niya ako kundi dahil narinig kong tinawag niya akong Isa hindi Bianca.
Kaasar lang, alam niyo naman diba yung reason? Siya yung pangalawang lalaking iniyakan ko. Siya yung pangalawang lalaking minahal ko.
Bakit ba kasi ang unfair ng mundo? T.T
"Pake mo ba?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita.
Gusto ko siyang tignan pero hindi ko magawa. Hayyts. Kung sino pa yung kailangan mong iwasan siya pa yung palaging nakikita mo. Tsk. Life is really sucks! -_-
"Ahm, Guys! May announcement ako!" sabi nung president sa ibang section sa harap.
Nakuha naman niya lahat ng attention namin.
"Wala si Ma'am Clarete ngayon kaya free time niyo. Pinapasabi sa kin." sabi niya.
Umingay naman ang mga classmates ko kasama na sila Eunice at Bernadette. Syempre sino ba naman ang hindi mag iingay sa announcement na yun diba?
Masaya din ako pero hindi ko pinapahalata kasi kung sisigaw ako para na rin akong katulad nila. Yay!
Tahimik parin kami ni Miguell.
"Pero Guys!" Sabi.nung president. Lahat ng classmates ko na nagsasaya kanina biglang natahimik kasi may pero.
"Kailangan niyong gawin to, pg.75-89 A and B. By partner daw... yung mga seatmate niyo ang kapartner niyo. Yun lang! Sigee Bye!!" Pagkatapos niyang masabi yun sobrang raming reklamo ang narinig ko.
Ayyysshhh. Gusto ko ring magreklamo kasi yung partner mo eh yung katabi mo. Asssaaaaaar naman! Akala ko ba free day??!
"Shall we go to Library Seatmate?" Napatingin ako sa kanya ng nakasimangot.
"Hindi ka pwedeng tumanggi kasi partner daw ang seatmate? =)" sabi niya ng nakangiti. Kaasar naman eh. :3
Tumayo nalang ako at sinundan niya naman ako. Kaasar naman talaga oh.
Pwedeng makiexchange? Badttttrrriiiipppp!!!
"Kalimutan nalang natin yung nangyari nung nakaraan Isa. Alam kong masyadong naging mabilis. Nagpadala lang tayo sa feelings natin." at linagpasan niya ako habang ako napako sa kinatatayuan ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
What? Masyadong mabilis? So ang ibig niyang sabihin? Naging biro lang ng tadhana ang lahat. Na wala lang tong feelings ko? Na nagpadala lang siya sa emosyon niya kaya nasabi niyang mahal niya ako ? ANONG IBIG NIYANG SABIHIN?! Shunga ba siya? Diba niya alam na ang SAKIT NUN!!! T.T
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...