Chapter One: Damn Seatmate

1.1K 47 2
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas nung simulang pinahiya ko si Luigi at sa wakas natauhan na din siya. Wala nang Luigi ang sunod ng sunod sa akin pwera nalang sa iba kong manliligaw.

Well, siya lang naman ang pinaka nakakainis na manliligaw ko eh. Inis na inis ako sa kanya. Ewan ko kung bakit.

May itsura naman siya pero yung level kasi niya para sa akin eh, isang lalaking sobrang baba.

Urgh. Okay, back to reality...

Kasalukuyan akong nagfefacebook gamit ang phone ko, when someone disturbs me.

"Isa! " kalabit ng isang alipores ko. Isa ang tawag sa akin ng lahat. Hindi nila ako tinatawag na Bianca dahil alam nila na isa lang ang pwedeng tumawag sa akin nun.

Walang iba kundi ang "Future Boyfriend" ko. Yes! Future Boyfriend kasi wala pa akong nagiging boyfriend. NBSB for short.

Wala pa kasi akong natatagpuang lalaking sakto sa Ideal Man ko eh. Tsssk.

" Isa! Uuuuyyyy! " Kalabit ulit sa akin ng alipores ko. Siya si Bernadette. Siya ang pinakamabait na alipores ko. Mahinhin kasi siya at sunod lang ng sunod sa akin. Siya pa nga yung mismong nakokonsensya kapag may ginagawa akong kamalditahan eh.

" What?! You're disturbing me. Kita mong may ginagawa ako diba?! Tsk. " sabi ko sa kanya na naiinis. Yes, hindi ako mabait kahit mabait sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit sumasama pa to sakin eh.

" Ahh, sorry. Ano kasi? There's a cute transferee at ang alam ko dito siya sa section natin. " sabi niya ng mahinahon at sinasabayan niya ng lunok bawat pagbigkas ng salita.

" So what?! I don't care. Bumalik kana nga sa upuan mo. Tsuuuu!! " sinabi ko sa kanya sabay ng pagwagayway ng kamay ko. Sign para umalis na siya.

Halata na nainis naman siya sa akin kaya umalis na din ng hindi ako kinikibo. Tsk. Ano ngayon kung cute?! As if I care?! :3

Maya maya nagsipasok na rin ang mga classmates ko sa classroom at kasabay ng pagpasok ng teacher namin.

Hindi ko yun pinansin at patuloy parin ako sa pagfefacebook.

Habang nagfefacebook nakarinig ako ng isang boses ng matanda.

" Ms.Umali, keep your cellphone now! Or else I'll confiscate that. " Sinasabi niya yan habang nakataas ang kilay niya. Tahimik naman ang mga classmate ko. Isa talaga siyang matandang kulubot na kepangit pangit. Oops! Sorry for the description but it really suits to her. *Insert sarcasm*

" Tsk. Whatever ugly old! " pabulong kong sabi at tinago ang cellphone.

Hindi niya narinig yung bulong ko kaya hindi niya na rin ako pinansin. Maya maya may biglang pumasok na lalaki na nakangiti.

" Goodmorning Ma'am! Late na ba ako? " sabi nung lalaki. Hindi ko alam kung bakit nakuha kaagad niya ang atensyon ng mga kaklase ko. Hmmp! Hindi pwede to, dapat sakin lang atensyon nila.

Habang nagmumuni muni ako, rinig na rinig ko ang mga bulungan nila.

" Shit! Ang gwapo naman niya. "

" Crush ko na siya. "

" Siya yung transferee diba? "

At marami pang bulung bulungan. I get it! Siya nga yung sinasabi ni Bernadette. Inusisa ko ang buong katawan at pagmumukha niya. Hindi ko alam pero humanga ako sa kakisigan niya. Hindi lang siya cute, gwapo pa.

No way! Hindi pwede to. Maraming lalaking gwapo ang nanliligaw sakin pero sa kanya lang ako humanga.

Mula sa taas: Maitim at clean cut na buhok, maayos na kilay, long eyelashes, kulay brown na malalalim na mata, perfect straight nose, high cheek bones, pinkish lips and perfect jawline. Then, properly grown biceps at triceps! Kahit hindi ko pa siya nakikitang nakajersey. Hindi malayong mayroon siyang perfect 6 abs.

Idagdag mo pa ang pawis na tumutulo mula sa noo niya na parang tumakbo papunta dito. OMG! He is so damn hot!!!

Habang inuusisa ang perfect face and perfect body niya biglang nagtama ang mga mata naming dalawa.

Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Inirapan ko naman siya at agad ibinaling ang tingin ko sa matandang pangit.

I don't know why I'm feeling nervous. Feeling ko kasi nakatingin parin siya sakin eh. Damn! Bakit ako nagkakaganito?!

Nagsimula na ngang magpakilala ang lalaki pero hindi ko maintindihan yung pinagsasabi niya dahil paulit ulit na sumasagi ang mukha niya sa utak ko. Feeling ko kasi nakita ko na siya pero ewan ko kung saan, kailan at paano.

" Okay, Thankyou Mr.Tanfelix. You can sit beside Ms.Umali. " Pagkarinig ko nun, para akong naghyperventilate sa inis.

" Ma'am! Please No! (Tingin ko kay Ma'am) Don't you dare to sit here beside me! Or else I'll kill you!!! (Tingin ko naman sa lalaki.) " Nagulat yung lalaki pero si Ma'am tinaasan lang ako ng kilay at biglang nagsalita. Yung tipong galit. Wow ha? Siya pa talaga may ganang mgalit. Tsssk!

" Ms.Umali! Hindi lahat ng gusto mo nasusunod. Hindi porket maraming natulong ang Daddy mo dito hindi kana pwedeng magpaupo sa tabi mo. (sabi niya sa akin.) Sige, Mr.Tanfelix you can now take your sit. "

Sobrang sama naman ng tingin ko sa lalaki. Kunot na kunot ang noo ko at salubong ang kilay ko.

" Miss? Can I sit now? " sinabayan niya yun ng ngiti dahilan para lumabas ang dalawa niyang dinples.

Huminga naman ako ng malalim para makontrol ko ang inis ko.

" K. Whatever! " sabi ko sa kanya na sobrang naiinis. Nagsimula namang magbulong bulungan ulit ang mga classmates ko kasama ang mga alipores ko.

Isa isa ko naman silang tiningnan dahilan para patahimikin ang mga classmate ko na di parin makapaniwala sa pag-ayon ko.

Alam kasi nila na ayaw ko ng may katabi eh. As in, gusto ko ako lang sa dalawang chair. Kahit na mga alipores ko ayaw kong pinapaupo sa tabi ko. Kaya ganun nalang ang pagkagulat nila ng hindi na ako kumontra sa sinabi ng matandang kulubot.

Dati rati kasi sobrang ipaglalaban ko yung kagustuhan ko. Pero ngayon? Ewan ko, siguro ayaw ko narin munang makipag-away pero naiinis parin ako. URRRRGGGHHHH!!!!!!!!

" Miss, Huwag mo akong kakainin ha? " Sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya na kunot na kunot nanaman ang noo at may kasabay na pagsasalubong ng kilay.

" Anong sabi mo?!!! " sabi ko na naiinis.

" Sabi ko, wag mo akong kakainin. Mukha ka kasing kumakain ng tao eh. Hehe. "

" What did you say?!!! "

Hindi niya na ako sinagot. Tumawa nalang siya at kumindat sa akin. Hindi ko na siya tiningnan at imbes na magsalita, nanahimik nalang ako at palihim na pinapatay siya sa utak ko.

Frickin' seatmate...

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon