Chapter 13: Plan of Luigi

529 30 1
                                    

A/N: Matapos lang lahat ng exams ko tuloy tuloy na talaga yung update ko dito Guys. PROMISE! :-* Until April 23 naman yun eh. So, wait wait lang tayo ah. Pakasolid tayo. I love you all.

~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~

"Omg! Nagkamali ata ako dun sa isang step kanina. Sana hindi napansin. Kinakabahan ako. Sorry Ate Isa." sabi sa akin nung Genevie, sophomore siya section Diamond. Eto yung pinakapaborito ko sa lahat ng member ko sa dance club. Alaga ko kasi to eh, simula nung freshmen siya. Ninang ko kasi yung mama niya kaya kapag may gumalaw dito at may kumalaban ako yung makakaharap nila. Haha! *insert sarcasm*

Halata naman sa mukha niya na sobrang worried pero pinisil ko lang yung pisngi niyang mataba.

"Okay lang yun Gen (Pronounced by Jen). Ano ka ba? Hindi yun nahalata." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko namang may bumulong sa likod namin ni Gen at alam ko kung sino yung mga yun.

"Masyadong sipsip yan kay Isa eh, kahit na magkamali siya hindi siya pinapagalitan at sinusungitan. Psh." May

"Oo nga eh. Alam mo kung anong tawag diyan? May favoritsm si Isa at unfair siya. Tsk. Nakakainis." Regine

Napatingin naman ako sa likod ko na kinokontrol yung inis at galit ko sa kanila. Gusto ko silang sigawan pero pinilit kong ngumiti habang nakatingin sa kanila.

*INSERT THE SWEETEST SMILE*

"Ah, wow! Kailan pa kayo naging magbestfriend Regine?" Nagulat naman silang dalawa nung tinanong ko yun sa kanila.

Hinawakan naman ni Genevie yung braso ko.

"Ate, wag mo ng patulan. Please." sabi sakin ni Genevie na nagmamakaawa. Ngumiti naman ako kay Genevie.

"Relax Baby." sabay ngiti ko sa kanya ulit tapos yuko nalang ang naging tugon niya sa akin.

Nakasimangot naman si Regine at May sa akin.

"Oh? Bakit kayo nakasimangot? Ngumiti naman kayo." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ang plastic mo talaga Isa. Kaasar ka! Alam mo yun! Ang sarap mong sabunutan, sapakin at patayin ng paulit ulit." Tuloy tuloy na sabi ni Regine. Siya yung babaeng nagquit sa dance club na pinalitan ni Miguell.

Gulat naman si May sa sinabi ni Regine sa akin pati na rin Genevie pero binaliwala ko lang yung sinabi niya sa akin. Tinignan ko naman ngayon si May. Si Regine parang sasabog sa inis sa akin. Nakakatuwa lang. ^_^

"May gusto ka rin bang gawin May sa akin?" Nakangiti parin ako.

"Ayssh. Wala. Hmp!(Tingin sa akin) Halika na Regine. (Tingin kay Regine)" Hinila hila ni May si Regine pero hindi siya nagpahila at bigla nalang niyang tinangkang sampalin ako pero hindi natuloy kasi may humawak ng kamay niya.

"Don't ever hurt my Girl." sabi ni ano.. ni Miguell. Tsk. Eto nanaman siya eh, nagpapaka super hero nanaman siya. Hindi nga lang kay Regine at May kundi sa akin na. Bakit parang bumaliktad?

"Hmp! Halika na kasi Regine!" sabi ni May at hinila na si Regine na naiinis kasi hindi niya ako nasampal.

Kasali parin si May sa dance club. Si Regine lang yung natanggal.

"Ate, dun muna ako ha?" Hindi pa ako nakakasagot, umalis na si Genevie sa harap naming dalawa ni Miguell. Tumingin naman ako kay Miguell.

"Tsk. Bakit mo ako pinagtanggol?! Kaya ko naman yun eh. Tska anong girl ka diyan? Hindi mo ako babae noh." Feeling ko pulang pula na yung mukha ko nung sinabi ko yun eh.

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon