Chapter 21: Awkward

464 26 2
                                    

Bianca Pov:

Alam mo ba yung feeling na kaharap mo yung taong mahal mo and at the same time yung taong gustong gusto mong iwasan?

Umiyak ako kanina dahil sa sinabi niya pero pinunasan ko rin kaagad. Narealized ko kasing siguro tama siya. Nagpadala lang talaga siguro kami sa emosyon namin sa isa't isa.

Pero bakit parang hindi parin akong komportableng kasama siya. Arghhh. Gusto kong malaman yung nasa utak niya.

"Huwag mo akong masyadong titigan, baka matunaw " Asar naman eh. Nakita niya pang nakatitig ako sa kanya.

"Tsk." Ayan nalang yung nasabi ko. Nahiya naman daw ako diba? Pft.

"Wag mo nalang isipin yung mga nangyari kasi hindi ka makakapagconcentrate dito." sabi niya habang kumokopya ng kung ano sa libro.

Magkaharap kami sa table. Nandito kami ngayon sa Library. Nakita ko naman sila Eunice na pumunta sa Internet room. Siguro mag sesearch sila.

"Ano bang ibig mong sabihin?" sabi ko naiinis. Totoo, nakakainis kasi pinapaala niya pa. >.<

"Hayaan mo na nga." pagsuko niya. Mahina yung mga boses namin kasi bawal ang maingay sa library.

Inirapan ko nalang ulit siya. Wala na akong masabi. Ang awkward naman oh.

"Eto pakihanap nalang yung meaning niyan tapos isulat mo nalang yung names natin sa taas. Ako na bahala dito sa B." sabi niya habang patuloy na binubuklat yung libro.

Hindi ko masyadong naimtindihan yung sinabi niya. Masyado kasing mabilis o masyadong mabagal kasi parang nag slowmo yung pagsasalita niya? Ugh. Eto nanaman ako.

Shinake ko yung ulo ko para magising ako. Tinignan naman niya ako.

"Bakit?"

"Tsk. Wala. Gawin mo na yan!" sabi ko ng nagsusungit at binuksan yung libro na binigay niya sa akin.

Ginawa ko na rin naman at sabay na din kaming natapos. Papalabas na kami ng Library ng nagsalita ulit siya.

"Sino magpapasa seatmate?" Tinignan ko lang siya ng blangko at walang emosyon.

"Ako na nga lang. Sige, una na akong lumabas."

"K." at yun lumabas na siya at iniwan ako dun na naiinis. Hays.

Naghintay ako ng 5 minutes bago lumabas.

Pagkalabas ko sakto namang papasok si Bea. Yung Bea kahapon, yung Bea na bumangga sakin.

"Oh? Lalabas kana ba?" Sabi niya kaagad.

Inirapan ko nalang siya. Ayaw ko ng away. Tsk.

"Oh? Bakit hindi ka makasagot diyan?" Inirapan ko ulit siya.

"Ano ba magsalita ka nga?! Duwag ka ba?" Tinaasan ko na siya ng isang kilay ko at hinila siya palabas ng Library. Baka kaai magkaroon pa kami ng agreement eh kung sa Library kami mag aaway.

"Ouchh." sabi nung Bea.

"Akala ko ba graduate kana dito? Tapos na ang foundation ah?!" sabi ko.

"May bibigay ako sa Librarian. Alam mo bang close kami?"

"Wala akong paki."

"Haha! Wala kang paki? Darating yung panahon na magkakaroon ka ng paki sakin Isa."

"Anong ibig----" ako

"Bea?/Miguell?" Sabay silang nagsalita.

Magkakilala sila? Bigla tuloy nag flashback yung chinat sakin ni Eunice. Alam ko na? Parang napagcoconnect ko na..

*mamaya*

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon