Chapter 15: Complicated Plan

503 29 1
                                    

A/N: Sorry sa matagal na pag update. Busy po talaga tapos lagi pa po kaming may Clan war sa Coc. Hahah. :)))) ✌✌✌

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BLACKMAiL.

Luigi POV:

ARssh. Ang tagal gumawa ng move ni Miguell. Napakakupad. Dapat pala hindi nalang siya yung inutusan kong gawin to. Pero wala akong choice kasi siya lang yung pwede kong iblackmail sa mga panahon na yun.

Hawak ko siya sa leeg kaya hindi pwedeng biguin niya ako. Pero nakakaiinip lang talaga. Binigyan ko siya ng palugit na 3 weeks at malapit ng matapos yun.

"Kuya, kawawa naman si Miguell. Iba nalang kasi yung gamitin mo. Wag na siyaaaa." pagrereklamo ng kapatid ko na si Sandra. May gusto kasi to kay Miguell eh.

Ganito kasi yun...

Nung mga bata pa kami ni Sandra naging kapitbahay namin si Miguell. Bali yung bahay nila katapat lang ng sa amin.

Laging nasa galaan si Sandra noon at laging nasa labas upang maglaro.

One time, nakita niya daw si Miguell na naglalaro sa bakuran nila. Sabi sa akin ni Sandra noon, super cute daw ni Miguell kaya sobrang naging crush niya.

Siya daw yung unang umaaproach kay Miguell para makipaglaro pumapayag naman daw si Miguell.

At yun naging friends sila.. Naging close.frienda kumbaga. Pero hindi daw sigurado ni Sandra kung ganun din yung tingin sa kanya ni Miguell yung close friends ba?

Naging magkaibigan din kami ni Miguell kasi magkaedad lang kaming dalawa pero isang araw lumipat nalang ng bahay sila Miguell.

Sobrang lungkot ng kapatid ko nun, halos magkulong siya sa kwarto kasi daw sobrang miss niya na si Miguell.

Tapos nabalitaan nalang namin na nabulag daw siya. Natalsikan daw ng bubog yung dalawa niyang mata at nasagasaan siya ng isang van.

Kaya ayun dinala siya kaagad sa America ng Mom at Dad niya para dun na maoperahan.

Pagkatapos naming mabalitaan yun, wala na kaming narinig tungkol sa kanila. Nawalan na kami ng balita.

Nagulat na nga lang ako ng may transferee na lumipat sa school namin na kapangalan ni Miguell.

Kaya nagpaprivate investigate ako sa pagkatao niya at nakumpirma ko na siya yung Miguell na nakalaro namin noon, naging kaibigan kumbaga.

Nung unang nakausap ko sa school si Miguell nung araw ding pinahiya ako ni Isa. Pinagtanggol niya ako sa mga bullied kong classmate. Bumaba tuloy lalo yung naging tingin ko sa sarili ko.

Pero di kalaunan sinabi ko sa kanya yung mga nakaraan pero nagulat ako ng hindi niya matandaan yun.

Kaya may naisip akong plano, gagamitin ko siya kay Bianca. Kasi sigurado akong makakaya niyang paibigin kaagad si Bianca. Blinackmail ko din siya kaya napapayag ko naman.

Nung mga time na yun, gusto ko talagang maghiganti kay Bianca. Gustong gusto ko at ang naisip kong paraan ay ito.

Hindi ko sigurado kung pwede bang umayon ang tadhana sa plano ko pero lately nagiging kampante ako kasi alam kong hindi ako bibiguin ni Miguell.

"Nakaayos na yung plano ko San kaya tumigil kana diyan."

"Kuya naman eh, sa tingin mo ba makukuha mo yung love of your life mo dahil diyan?! Hay. Magisip ka nga kuya. Syempre pag pinainlove ni Miguell yang chilababes mo sa kanya, may posibility na magkainlovan na talaga sila. Tapos ikaw at ako etchapwera nalang. Duhh." pagpapaliwanag ng kapatid ko. Oo naisip ko na to noon pa pero alam kong susunod si Miguell sa akin. Alam kong impprtante ang feelings ng daddy niya kaysa kay Isa.

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon