A/N: Hello Guys, Miss niyo ako? Haha, Joke lang syempre. Muli akong nagbabalik. Sorry po kasi hindi ako nakakapag update. Marami kasi akong ginagawa eh, nag iinquire ako kasi magtratransfer ako ng school. Hope you'll understand Guys! Labyuuuu all.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hoy Miguell! Ano na? Ano ng nangyari? Bakit hindi pa rin siya lumalapit sa akin?" sabi sakin ni Luigi na parang hindi na makapaghintay. Nandito kami ngayon sa canteen.
"Eh, masyado kasi siyang in denial eh. Ayaw niyang aminin na gusto niya ako." Napasampal naman siya sa noo niya na parang dissapointed. Kasalanan ko ba yun? Masyadong matigas yung gusto niyang babae.
Ang hirap pakisamahan nung babaeng yun. Nakakainis na, kung hindi lang ako blinackmail ng lalaking kasama ko ngayon. Hindi ko to gagawin eh. Medyo naaawa na rin ako kay Bianca.
Wala man lang siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Alam kong nagkakagusto na siya sa akin pero ayaw niya lang aminin. Napapansin ko yun sa mga kilos niya.
Sa hindi niya pagtitig sa akin ng diretso. Sa pamumula ng pisngi niya kapag kinakausap ko siya. Yung pagbabawas niya ng kasungitan sa akin na hindi na tulad noon na halos umusok yung ilong niya sa sobrang inis sa akin.
Nakokonsensya na tuloy ako. Gusto kong gawing tama ang lahat pero wala akong magawa. Ayaw kong masaktan si Bianca, at lalong ayaw kong mapasarado ang kompanyang pinaghirapan ng tatay ko. Pinaghirapan niya ng almost 40 years. Ayaw kong masayang lahat ng yun.
"Eh, kailan? Kailan pa Miguell? Bibigyan kita ng palugit.. dapat after 3 weeks lumalapit na siya sa akin. Kung hindi handa kong sabihin kay Dad at Mom na ibaon yang kompanya ng tatay mo! Haha. Tignan nalang natin." sabi sa akin ni Luigi in sarcastic. Pagkatapos niyang masabi yun, tumayo na siya. Pero bago pa siya tuluyang umalis sinagot ko siya.
"Sige susubukan ko." sabi ko sa kanya na nag aalangan.
"This is the art of revenge Miguell. Kumagat ka kaya ubusin mo." sabi niya sa akin at tuluyan na siyang umalis. Napasuntok naman ako sa mesa at pinagtinginan ng tao sa canteen tyaka tumayo at umalis na rin.
Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga babae kasabay ng malakas na pagbubulungan nila. Pero hindi ko alam kung bulungan yun eh naririnig ko naman.
Hindi ko na rin sila pinansin. Wala din naman akong pakialam eh. Iniisip ko lang kasi ngayon si Bianca, si Dad at ang kumpanya. Ano bang gagawin ko?
Habang naglalakad ako, nasalubong ko si Bernadette at Eunice, mga kaibigan ni Bianca pero nakasimangot sila sa akin pero trying hard akong ngumiti pero nakasimangot parin sila at nagsalita si Eunice.
"Tsk Miguell! Ang saya mo ah?!" sabi sa akin ni Eunice na todo taas ng isa niyang kilay. Ano bang nangyayari? Narinig ba nila yung usapan namin sa canteen ni Luigi?
Sinubukan ko paring ngumiti kahit medyo magulo ang isip ko.
"Syempre nakakita ako ng mga magagandang binibini eh." ngumiti ako sa kanila. Medyo namula ang pisngi ni Bernadette sa sinabi ko pero tinarayan ulit ako ni Eunice.
"Sa tingin mo, mabobola mo ako?! Kung si Bianca na leader naming dalawa at itong shushunga shunga na kasama ko mabobola mo ako hindi. " Sabi niya sa akin. Parang inis na inis siya akin. Ewan ko, linalandi lang ako nito noon tapos ngayon bakit ganito to sakin. Napansin ko namang kumunot ang noo nung Bernadette pero tumahimik nalang siya.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" sabi ko ng mahinahon.
Sasagot na sana siya sa akin ng biglang dumating si Bianca.
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...