Chapter 11: Who's that girl?

737 33 0
                                    

A/N: Hello, salamat sa patuloy paring sumusubaybay sa kalokohan ko. Hahaha. Gumagawa talaga ako ng paraan para lang makaupdate kahit sobrang hectic ng sched ko. Pasensya na pala sa mga typo at hindi po sa sunod sunod na update. Nakakareceived din ako ng votes. Thankyou po. I love you Guys!

~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~

"Isa, nako sinasabi ko sayo layuan mo na si Miguell!" Sabi sa akin ni Eunice. Kanina pa niya ako pinipilit at pinagsasabihan ng ganyan. As in kanina pa! Kanina pa talaga at iritang irita na ako.

"Ano bang layuan pinagsasabi mo Eunice?! Kanina pa ako naririndi sayo ha?!" Napasimangot naman siya sinabi ko. Wala si Bernadette, hindi namin alam. Minsan kasi yung babaeng yun masyadong misteryosa hindi namin alam kung saan nag pupunta. Well, Wala rin naman akong pakialam.

"Hindi mo ba alam na linalason niya na ang utak mo?! Tapos ikaw naman... tsk. Nagpapalason!!" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya magets.

"Ha?" sabi ko nalang.

"Ginagamit ka lang ni Miguell! Hindi ka naman dating ganyan ah. Nasaan na yung Isa na kilala ko? Yung kilala ng lahat?! Gumising ka nga girl!!" sabi niya ng pasigaw sa akin. Ah, alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Ang alam niya siguro dalawa na kami ni Miguell.

"Pshhh. Wag ka ngang umarte na concerned Eunice! Hindi kami ni Miguell at hindi ako maiinlove sa kanya."

"Sa wakas! Nakuha mo rin ang gusto kong sabihin!"

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga sa harapan ko! Naiirita ako sayo!" sabi ko ng naiinis. Feeling corcern kasi kahit hindi naman talaga. Ang plastic talaga.

"Isa, binabalaan lang kita. I'm your friend at alam ko kung ano ang mas nararapat mong gawin. Lumayo kana sa kanya bago ka pa tuluyang mahulog sa kanya." matapos niyang masabi yun, umalis na kaagad siya at iniwan akong nag iisa.

Friend? Saan naman niya nakuha yung salitang friend? Kaibigan ko siya? Hahaha. She's kidding right?! Duhh. Wala akong kaibigan. Wala! Tyaka anong pinagsasabi niya na bago pa ako tuluyang mahulog kay Miguell? So anong ibig niyang sabihin, na may gusto ako sa ugok na yun?!

Arrrrgggghhhh! Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niya sa akin nung nakaraang araw. Yung kiss!

Ninakawan niya ako ng halik! Hindi ba niya alam na hindi ako nakatulog ng 2 araw dahil dun?! Tskkk! Nahahighblood ako pero kahit naiinis ako may time parin na naiisip ko yun!

Yung tanong rin ni Eunice sa akin. Gusto ko ring itanong sa sarili ko eh? Lately, naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin eh. Gulong gulo na nga ako sa nararamdaman ko tapos sinabayan pa yun ng halik na ninakaw ni Miguell mula sa akin.

Sana talaga hindi nalang ako naging concerned sa kanya that time. Sana hindi ko nalang siya pinuntahan. Sana hindi nalang ako nacurious. Arrgghhh nakakainis talaga!!!

Sasabog na talaga yung ulo ko kakaisip ng mga sagot sa sarili kong tanong.

Nandito pala ako ngayon sa corridor at iniwan ako ng lintek na plastic kong kaibigan.

Napansin ko namang may lumapit sa aking lalaki pero hindi ko siya pinansin at nagkunwaring nagtetext.

Arrgghh. Eto nanaman ako. Ano naman ngayon kung may lalapit sa akin diba? Ano naman ngayon kung lalaki siya diba? Ano ngayon?! Tsk.

Itinago ko na ang phone ko sa bag at tinignan ang lalaking tumabi sa akin at agad napakunot ang noo ko.

Alam niyo ba kung sino? Alam niyo ba ha? Alam niyo?! Tsk.syempre di niyo alam. D'joke. Walang iba kundi yung nerd na naghahabol sa akin noon. Ilang months tong nawala sa paningin ko tapos bigla nalang susulpot?!

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon