Chapter 22: Tripleng Sakit

509 28 1
                                    

"Bea?/Miguell?" sabay nilang sabi.

Mapapansin sa mukha ni Miguell na kinakabahan siya at mukhang worried. Si Bea naman ngumiti din.

Tinignan ko lang silang dalawa.

"Halika na Bianca. Ipapasa pa natin to." Tapos biglang hinawakan ni Miguell yung kamay ko na kinagulat ko.

"Ha? Akala ko ba ikaw na?" pagtataka ko.

"Huwag ka ng maraming reklamo. Halika na!" at hinila ulit ako ni Miguell pero hindi ako nagpahila. Naguguluhan ako. Ano bang meron at bakit parang iniiwasan niya si Bea? Diba nga base sa konklusyon ko magkakilala silang dalawa.

"Bakit ba kasi? Ano ba Miguell?!" binabawi ko yung kamay ko pero pilit niya paring hinihila.

"Miguell? Natatakot ka ba na malaman niya?" Biglang sabi ni Bea kay Miguell.

"Ang alin?" Ako

"Bea!! Ano ba?" sabi ni Miguell sabay bitaw ng kamay ko. Parang nainis ako sa pagbitaw niya. Parang ang sakit sa puso.

"Miguell? Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?" sabi ulit ni Bea kay Miguell.

"Bea, ano ba yun?" pagsali ko na rin. Nacucurious na nga kasi ako. Oo, kinakabahan ako sa pwede kong malaman pero kailangan kong tibayan yung loob ko sa pwedeng lumabas na pahayag ni Bea sakin.

"Alam mo bang linoloko ka lang ni Miguell..." pagsisimula niya, tahimik lang naman ako. "He's my fiance Bianca. My Fiance." Tulala akong nakikinig sa kanya habang pinipigilan kong pumatak yung luha ko.

"Diba nalaman mo na yung deal nila ni Luigi? Bakit dumidikit ka parin sa kanya? Ano ka nagpapakamartir?" Para akong sinasaksak sa puso habang binabanggit niya yung mga salitang yun.

"Diba? Sinabi sayo ni Miguell na mahal ka niya? Palabas lang lahat ng yun.." Tapos ngumiti siya. Nagpipigil ako ng galit, inis at luha ko.

"Stop it Bea." sabi ng mahinahon ni Miguell. Hindi ako kumikibo. Pinipigilan ko ang lahat.

"Bakit Miguell, ayaw mo bang malaman ni Isa na ako talaga ang mahal mo at hindi siya? ..."

"BEA, STOP PLEASE!"

"No Miguell. I won't stop. Dapat malaman niya na malapit na tayong maikasal. Malapit na at ayaw kong may lumalapit sa magiging fu------"

"Bianca, Let's go!" Hinila ulit ako ni Miguell at ako naman tong shunga nagpahila naman.

Wala akong magawa. Feeling ko para akong tuod doon.

Hinabol pa kami ni Bea pero bigla akong sinakay ni Miguell sa kotse niya at pinaandar niya to.

Tyaka ko lang narealized at natanong sa sarili ko kung bakit ako sumama sa kanya.

"Bianca, I'm sorry." tipid niyang sabi ng makalayo na kami sa school. Cutting classes ulit.

"Sorry?" Sabi ko na umiiyak na. Galit na galit at inis na inis ako kay Miguell at sa sarili ko. "Sorry? Yan lang yung sasabihin mo sakin Miguell? PAGKATAPOS NG LAHAT.NG PAGPAPANGGAP MO?! PAGKATAPPS NG LAHAT NG SAKIT NA BINIGAY MO SAKIN? ISANG SORRY LANG? SERYOSO KA? HAHAHA! BW*S*T KA! ANO MASAYA KANA?! MASAYA NA KAYO NI LUIGI? NASAKTAN NIYO NA AKO? ANO MASAYA NA KAYO! DAMN IT MIGUELL! I REALLY HATE MYSELF FOR BEING SUCH AN IDIOT! I HATE YOU IHATE YOU!!!" SIGAW KO SA KANYA. Kanina ko pa gustong gustong sabihin sa kanya yan. Galit na galit ako sa kanya. Ang sakit sobrang sakit!! Mas triple pa to sa naramdaman ko na pag alis ni Miggy nun eh. Mas masakit to.

Karma? Hindi ko alam na ngayon pala to dadapo sakin?! Bakit ngayon pa? Ngayong nagmahal ako ng totoo? Ang sakit. Sobrang sobrang sakit. T.T

"Bianca, I'm really really sorry. Hindi ko naman na alam na aabot sa ganito eh. Sorry sorry." Hinawakan niya yung dalawang kamay ko habang hinahalikan ito. Napansin kong lumuluha na rin siya.

Paulit ulit naman akong humihindi. Gusto ko siyang sampalin, tadyakan kung pwede lang patayin pa. Pero I just can't.

"Alisin mo yung lock ng pinto. Bababa ako." sabi ko ng mahinahon pero may konting inis sabay ng patuloy na pagpatak ng luha.

"No Bianca. I don't want. Makinig ka sakin. Hindi ko na mahal si Bea, ikaw na yung mahal ko. Ikaw na Bianca. Please No." Umiiyak na siya.

"Miguell? Paano mo nasasabi yan? Hindi yan pagmamahal. Hindi ganyan ang definition ng love. Ano yun? Kusa mo nalang iiwan si Bea ng ganun ganun lang. Miguell, babae din ako. Alam kong masakit yun para sa kanya."

"Pero Bianca, ikaw na ang mahal ko. Ayaw kitang saktan. Diba mahal mo din ako? Alam ko Bianca mahal mo din ako!?? TELL ME BIANCA TELL ME!!!" Pasigaw niya ng sabi sakin habang lumuluha.

"Miguell, hindi pwede. Hindi tayo pwede. Sasabihin mong ayaw mo akong saktan? Miguell, sinaktan mo na ako. Lagi mo na akong sinasaktan. Sinasaktan mo ako ng paulit ulit. Pagod na ako. Pagod na ako. Please Miguell. Let me go." Umiiyak ako habang binabawi ko yung kamay ko.

Ako na mismo tumanggal ng lock ng kotse niya at binuksan yung pinto.

Umiiyak akong lumabas ng kotse. Naglakad ako palayo pero hinabol niya ako.

"Please Bianca! I love you. I really love you."

"Miguell no. Sinabi mo kanina at sasabihin ko din sayo don't let your emotions, make your decisions." Pagpatak ulit ng luha ko. Kailan ba to titigil? T.T

"Please Bianca! I'll do anything. T.T " Matapos niyang masabi yun lumuhod siya sa harapan ko na lalong kinasakit ng puso ko.

Hindi pwedeng basta basta ko nalang siyang patawarin. Hindi pwede. Masyadong masakit yung ginawa niya. Masyadong masakit.

Nakakuha ako ng tiyempo na pumara ng taxi. Huminto yung taxi at agad akong pumasok.

Narinig ko pang tinawag ulit ako ni Miguell pero hindi ko na siya pinansin. Naiwan siya dung umiiyak na nakaluhod at kasabay yun ng pag iyak ko sa loob ng taxi.

Habang umiiyak ako tingin ng tingin yung driver sa akin na naaawa.

"Right person in the wrong time. Pag ibig nga naman." sabi nung taxi driver kaya napatingin ako sa kanya na lumuluha.

"Malalagpasan mo rin yan Miss. Tiwala ka lang kay God." sabay ngiti niya. Napawi onti ang lungkot ko sa sinabi ni Manong Driver.

Tama! Walang imposible kay God.:)

A/N: Sa phone po kasi ako nag uupdate kaya medyo natatagalan eh. Sorry po. :)

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon