Chapter 17: Bianca is not totally back.

560 27 0
                                    

Bianca Pov:

*Kring kring kring* tunog ng landline ng telepono ko. Still hindi ko parin to sinasagot. Wala akong gana. Wala akong kagana gana ngayon.

*Because I'm stupid* ringtone naman ng cellphone ko na kanina parin may tumatawag.

*DingdongDingdong* tunog ng doorbell sa labas.

*Ma'am kanina pa po may nagrerequest dito ng susi ng condo niyo. Ibibigay ko po ba?* Paulit ulit na sinasabi sa Intercom ng kwarto ko.

*Bianca, buksan mo na yung pinto* kanina pa reklamo ng doormessage ko.

Great. JUST GREAT. Hindi ba ako titigilan ng mga to? Rinding rindi na ako ah. Nakakainis na. Kanina pa sila sabay saby na tumutunog. Arrrggghh.

Lalo tuloy sumasakit yung ulo ko.

Alam niyo kung sino yung may kagagawan niyan? Walang iba kundi si Miguell. Hindi ba siya nakokonsensya sa pinag gagawa niya sakin? Linoko na nga nila ako tapos di parin niya ako titigilan?

Ang sakit kaya ng ginawa niya sakin. Nagkasundo pa sila ni Luigi.na saktan ako ha? Wow lang.

Buong magdamag akong nagkulong sa condominium ko. As in, sobrang pagkukulong. Tinawagan nga ako.nila Eunice at Berna na plastic pero sinabi ko sa kanila na hindi na ako papasok.

Free day naman ngayon eh. Tatlong araw ang foundation namin dito. Yung unang araw para sa sayaw, kanta at iba pa. Hindi nakuha si Miguell dun sa pinagauditionan niya kasi mali daw yung napili niyang kanta.

Arggh. Miguell nanaman.

Yung pangalawa naman, para sa mga booth. Yung pangatlo, yung Mr. and Ms. Foundation which is sinasabi nila sa akin na sumali ako pero ayaw ko.

Tumayo naman ako at tinignan ang repleksiyon ko sa salamin.

Walang makeup
Walang ayos
Buhaghag na buhok
Umiiyak
May malaking eyebags
Super Haggard to the highest cloud

Grabe, Hindi ko na makilala ang sarili ko? Ako ba to? Ako ba talaga to? Ang pangit pangit ko na. Ganito ba ang nadudulot kapag broken hearted ka?

Bakit nung unang nabroken hearted ako hindi naman ganito yung itsura ko ah. Bakit naging ganito ako? Hindi ko alam. Anong nangyari?

Kinuha ko yung picture ni Miggy sa tabi ng picture ko. Eto yung hinawakan ni Miguell noon. Aytts. *Not again -_-*

Pinagmasdan ko yun at natanong ko nalang sa sarili kong wala na ba akong gusto sa kanya?

Inaaamin ko nagkagusto ako kay Miggy noon at sigurado akong bago ko pa makilala si Miguell gusto ko parin siya.

Pero pwede palang magbago ang lahat noh? Pwede palang magbago ang ugali ko? Pwede palang makalimutan mo nalang yung nararamdaman mo sa isang tao sa isang iglap. Pwede palang makalimutan mo nalang siya agad. Pwede palang magmahal ulit?

Pero yung pagmamahal na nararamdaman ko ngayon sobra pa sa triple ang sakit.

Linoko ako ng unang taong sineryoso ko? Haha. Nakakatawa ako. Para akong kawawa.

Gusto ko ng magising. Nananaginip lang ba ako? T.T

Linapag ko na ang picture frame at nakita ko yung picture ko noon na maganda. Yung dating Bianca. Yung spoiled brat at maarteng Bianca. Yung Bianca na walang sinasanto. Yung Bianca na kilala ng lahat. Yung Bianca'ng hindi nagpapadala sa isang tukso. Yung Biancang ibang iba kumpara ngayon.

Isa lang ang sumagi sa isip ko sa mga oras na to.

Tama, ako parin si Bianca. Hindi ako pwedeng maging ganito ng dahil lang sa isang walang kwentang tao pero mahal ko.

Ibabalik ko ang dating Bianca. Humanda silang lahat sa akin. Kung nadapa man ako noon pwes panahon na para bumangon ngayon.

Dumiretso na akong Cr para maligo at linisin ang sarili. Matapos kong maligo, nag ayos na ako ng sarili ko at tsadeng isang iglap. Ako na ulit si Maria Isadora Bianca Soler Umali ang nag iisang Fairy God Of Perfection.

Kinakabahan akong pihitin ang pinto ng condo kasi baka nasa labas si Miguell.

Pero Tsk. Bumalik na yung dating ako. Wala na akong pakialam sa kanya. *DUGDUGDUG*

ARRRGGHH. BAKIT KINAKABAHAN PARIN AKO?

Pero nagpatuloy ako sa pagbukas ng pinto. Napansin kong nakaupo at nakayuko si Miguell sa tabi nito.

Hindi ko alam pero parang nakonsensya ako pero hindi pwedeng lumambot ang puso ko. :3

Dahan dahan akong naglakad kasi parang tulog naman siya.

*Tip toe Tip toe Tip toe* Arrgh. I can't imagine myself doing something stupid.

"Bianca kausapin mo ako."

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita at tumayo . Akala ko ligtas na ako. Pinilit kong maging matapang.

"Let me go. I don't want to talk to you damn stranger."

sabi ko sabay walk out pero naglakad siya papunta sakin pero binilisan kong maglakad para makapunta sa elevator. Para akong timang na half walk at half run yung ginagawa.

Gusto ko siyang iwasan. Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko.

Nakarating na ako sa Elevator at huli na dahil hindi niya na ako nahabol sumarado na kasi eh.

Pagkatapos ng eksenang yun pumunta na ako sa school. Tinext ko naman si Eunice at Berna.

//Where are you? I'm here at school.\\ Sms sent -

Pero walang nagreply sa kanilang dalawa kaya napagpasyahan kong lumibot muna sa mga booth.

Napatigil naman ako sa Marriage booth which is may fake na kinakasal. Ang badoyy naman. Napapasmirk nalang ako.

Maya maya may sumangga naman sakin.

"Ouuuuuuuccccchhhhhhh! Ano ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Ang t*ng* mo naman!" sinigawan ko yung babaeng nakabangga sa akin.

"Isadora, sorry. Nagmamadali kasi ako eh." Sabi niya pero hindi tumitingin sa akin kundi sa likod niya.

"Ganyan ba ang magsorry?!! NAKATALIKOD?!! Tsk." Sabi ko ulit. Nakaagaw na kami ng eksena. Wow. May bago kaagad akong biktima. Ang saya naman. Natigil ang kunwaring kasalan at lahat nakatingin saming dalawa.

"Wait sorry talaga. Kailangan ko ng umalis!" Sabi niya habang tingin ng tingin sa likod niya na parang may humahabol sa kanya. Bigla na rin siyang tumakvo kaagad at ako'y naiwan na gulat na gulat.

May narinig pa akong nagbubulung bulungan.

"Galing talaga ni Bea. Haha. Hindi niya inintindi yung sinabi ni Isa."

"Buti naman nakahanap na ng katapat yan."

"Ay binaliwala niya lang si Isa?"

"Loser Bianca."

Ilan sa mga bulong na narinig ko. Wth? Pinagtitinginan ako ng mga estudyante na parang ako yung napahiya?!!

At sinabihan pa ako ng loser? Duhhh..

"Aaaaahhhhhhhh. I hate you all! Pagsisisihan niyo to! " Bigla kong sigaw sa lahat ng mga estudyante at nagwalk out.

*Para akong sinampal ng ilang libong estudyante. Anong nangyayari? Sino na yung Bea na yun!! ARRRRGGGGHHH.*

A/N: Next update ulit bukas. I already told you guys that I'm using limited wifi. Hahaha. Sorry na po. I love you guys. Tutok lang.

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon