Chapter 14: What happened?

561 28 2
                                    

Naghihintay ako ng announcement kung sino ang mananalo sa sayawan. Katatapos lang kasi ng sayaw namin kanina. Lahat kinakabahan kung sino, lalong lalo na ang school namin kasi malaking dissapointment kapag natalo kami eh school namin to. Pero may tiwala naman ako sa President namin at adviser namin sa Dance club.

Nainip na ako kakahintay. Siguro mamaya pa yun kaya nagpasya akong pumunta muna kay Bianca.

Gusto ko lang siyang makita. Pero nang papunta na ako sa pwesto niya kanina, napansin kong wala siya dun.

Saan kaya nagpunta yun?

"Uy Kuya!" Kalabit sa akin ni Barbie mula sa likuran ko.

"Oh Barbie. Nandito kana pala?" Sabi ko sa kanya. Sabi niya kasi mamaya pa siya pupunta eh.

"Kanina pa kaya Kuya. Nakita ko nga si Ate Bianca eh.(Lumingon sa paligid) Teka? Diba dapat magkasama kayo?" sabi niya sa akin ng nakataas ang isang kilay.

"Ha? Hinahanap ko nga siya eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Ayeee si Kuya. Teka, Diba kuya may Fiance kana?" Kinilig siya pero parang dissappointed at the same time.

"Oo. Pero ano eh..." sabi ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot sa tanong niya. Ldr kami ngayon ng fiance ko pero parang may iba na akong nararamdaman sa kanya.

"Hayy nako. Wag muna ngang sagutin. Alam ko naman na eh, na ginagamit mo si Ate Bianca para maligtas yung-----"

"Enough Barbie. I'll go and find her. Diyan ka muna." Sabi ko nalang. Tama, ginagawa ko to para kay Dad at wala ng ibang dahilan.

"Sama na ako Kuya." Sabi niya naman.

"Hindi na. Maglibot kana lang diyan." sabi ko sa kanya.

"Ako alam ko kung saan siya pwedeng pumunta." sabi niya ng nakangiti kaya humarap ako sa kanya.

"Ha? Paano mo nalaman? Saan?"

"May nagbigay kasi sa akin ng letter na lalaki tapos binasa ko bago ko binigay kay Ate Bianca kasi nga galing sayo." Bigla ko naman siyang hinawakan sa dalawa niyang braso.

"Saan siya nagpunta Barbie?! Ano nasaan siya?" sabi ko sa kanya na nag aalala. Pero tinanggal niya yung kamay ko sa dalawang braso niya.

"Kuya naman, di ka naman worried niyan noh?" sabi niya ng nagpapaligoy ligoy.

"Just tell me now Barbie." sabi ko sabay sabunot sa buhok ko.

"Okay okay relax. I'll tell you na." nainis naman ako kasi ang rami niya pang paligiy ligoy. Tsaka yung letter? Hindi ko yun binigay.. parang may idea na ako kung kanino galing yun ah.

"Saan nga?!" Tanong ko.

"Sa locker room ng girls." sabi niya ng mahinahon. Nang marinig ko yun. Agad na akong tumakbo pero humabol ng sigaw si Barbie.

"Kuya! Sama ako!(nakalayo na ako) Psh. Wag na nga lang." pagbawi niya rin. Agad ko namang pinuntahan ang locker room.

Malamang sa malamang si Luigi ang may pakana nito at hindi ako pwedeng magkamali.

Sinabi niya kanina.
*FLASHBACK*

"Tol, malapit na mag end yung 3 weeks na palugit ko sayo." Luigi.

Sumimangot naman ako sa kanya at tumingin sa gawi ni Bianca na nakasimangot.

"Tol, inip na inip na talaga ako. Kung hindi kita mahihintay ako na mismo ang babaliktad sayo." Luigi. Seryoso niyang sabi sabay ngiti.

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon