A/N: Guys, wala akong masyadong time para mag update ng tuloy tuloy summer kasi. HAHA! Pasensya na po kayo. :) Thankyou sa pagsubaybay sa kalokohan ko. Tuloy tuloy sana, pakasolid tayo. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dream.
"You're inlove with me."
"Indenial ka lang..."
Hayyyyts! Nakakainis na nakakabbwisit naman oh oh. Paulit ulit nagflaflashback sa utak yung sinabi ni Miguell sa akin sa labas ng gym.
Bakit niya yun sinabi? Tsk. Ako inlove sa kanya?! HAHAHA. Joke ba yun?! Hindi ka ako natawa eh. -_-
Nakakaloka talaga. Sinabayan pa to ng puso kong bumibilis ang pagtibok sa tuwing binabanggit at naririnig yung pesteng pangalan niya.
Ano bang nangyayare sa akin?! Hindi naman ako dating ganito eh. Tatawanan ko lang yung mga taong nagsasabi sa akin na inlove ako sa kanila o di kaya naman maiinis ako.
Pero bakit pag dating sa kanya iba yung nararamdaman ko?! Ayy nakoo naman talaga.
"AHHHHHH! Bakit ka ba paulit ulit pumapasok sa isip ko?!" sabi ko habang kinakatok katok ang noo ko. Feeling ko maloloka na ako dito sa kwarto ko.
Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. My gosh. Ayaw kong magkaroon ng eyebags noh. May practice pa kami ng sayaw bukas. :3
Kinuha ko naman ang cellphone ko katabi.ng lampshade ko para tignan kung anong oras na.
Agad ko namang napalo ang noo at mata ko nung nakita ko ang oras.
"O to the M and to the G! It's 2:33am." Paulit ulit kong pinikit ang mata ko pero yung sinabi pa rin kanina ni Miguell yung naiisip ko. Bakit ba ganito? Ano to insomia?
Tsk. Ngayon lang ako nainsomia?! Arrgggh. Humanda talaga yung seatmate kong yun sa akin. Akala niya porket medyo mabait na ako sa kanya, pwede niya na akong sabihan ng mga ganung bagay?!
Pilit ko paring pinikit ang mata ko at nagtalukbong ng kumot. Pero wala paring nangyari.
Tinignan ko ulit ang cellphone ko, Ah alam ko na mag sasoundtrip nalang ako. Agad ko namang kinuha ang phone ko at earphone ko.
Sinalpak ko na ang headset sa tenga ko at naghanap ng song na pwedeng patugtugin.
Clinick ko naman ang song na 'Bakit kung sino pa'. Well, alam ko medyo old song na to at medyo badoy pero malambing kasi yung melody ng kanta. Baka sakaling makatulog na ako.
Unti unti naman na akong nakakakuha ng tulog dahil panay love song ang mga nasa playlist ko.
Natapos ang kantang 'Time Machine' medyo inaantok na ako. Pero nagulat nalang ako ng biglang sumunod ang kantang 'Heartbreak Girl ng 5Sos'
Oo nga pala, nasa playlist ko to. Pero hindi ko yun pinatay, pinakinggan ko lang yun.
Naalala ko tuloy yung scene kanina. Yung mga ngiti ni Miguell habang kinakanta niya yun. Naaalala ko yung mukha niyang maamo pero may pagkaangas.
Siya lang yung nasa isip ko ng mga oras na yun. At hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...
~~Dreaming:
"Miggy! Aalis kana?" sabi ko ng umiiyak habang tinitignan siyang nakayuko.
Tumango naman siya na walang binibitawang kahit ano mang salita.
"Bakit Miggy? Iiwan mo nalang ako ng ganun na lang? Sasabihin mong mahal mo ako tapos sasabihin mong aalis kana?! Linoko mo lang ba ako?!!" sabi ko habang patuloy sa paghikbi at pag iyak. Feeling ko ang sakit sakit. Sobrang sakit.
Gusto kong sampalin siya ng paulit ulit pero ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Ayaw ko siyang mawala. Ayaw ko siyang lumayo. Ayaw kong iwan niya ako ng walang sinasabing dahilan.
"Kailangan kong umalis Bianca. Ayaw kitang mas masaktan. Oo mahal kita pero kailangan kong lumayo sayo para maging maayos ang lahat." sabi niya habang paunti unting tumutulo ang mata niya mula sa mata niya. Nakatingin na siya sa akin.
Sumimangot naman ako at mas lalong umiyak.
"Pero bakit? Anong ibig mong sabihin?! Sabihin mo! Gusto ko ng paliwanag. Gusto ko ng dahilan Miggy. Huhuhu. Wag mo akong iwan mahal na mahal kita." Iyak parin ako ng iyak. Habang sinasabi yun.
Bakit ba kasi niya kailangang umalis? Bakit ganun? Hindi ko maintindihan. T.T
"Bianca, sorry..." sabay talikod niya sa akin habang papasok siya sa itim na audi na kotse.
"Please no Miggy! No! Wag hindi ko kaya! Huhuhu!" sigaw ako ng sigaw habang umiiyak. Hindi ako pinakinggan ni Miggy at paunti unting umandar ang kotse.
Pero bago pa yun makaalis, biglang nagbukas ang windshield ng kotse. Nakadungaw naman dun ang isang maputi at magandang babae na binibigyan ako ng magandang ngiti.
"Byeeeee! " sabi niya sa akin ng mapang asar. Tinitigan ko lang siya habang paunti unting sumarado ang windshield at patuloy na umandar ang kotse.
Bigla namang nanghina ang tuhod ko. Kaya napaupo ako sa lapag at umiyak ng umiyak.
Napansin ko namang may nag abot sa akin ng panyo. Tinignan ko naman siya... ng hindi kinukuha ang panyong inaalok niya at patuloy na umiyak habang binabanggit ang pangalang Miggy.
~~~~
Bigla naman akong napabalikwas sa pagkakatulog. Napansin ko namang may tumutulong luha sa mga mata ko.
Bakit ako nanaginip ng ganun? Bakit ko napanaginipan si Miggy? Bakit sinasabi kong wag niya akong iwan? Bakit ako umiiyak?
Ang raming tanong sa utak ko. Bakit bigla nalang siyang pumasok sa panaginip ko? Sino yung babae? Sino yung lalaking nag abot sa akin ng panyo? Sinooo silaaaa?!
Patuloy tuloy kong iniisip yun. Hindi na muli ako nakatulog mula nun. Isang oras lang ang naging tulog ko.
Bakit ganun? Bakit?? Anong ibig sabihin ng panaginip ko?? T.T
*Extra*
Minsan may mga bagay na hindi mo alam kung bakit bigla mo nalang itong mapapanaginipan? Kahit na hindi sila yung taong iniisip mo bago ka makatulog. Yung tipong magulo ang lahat at hindi mo maintindihan... pero alam mong may matinding kahulugan...
Whyyyyy??????
A/N: Hello Guys! Eto nanaman ang walang kwenta pero may kwentang author's note. Haha! Ano daw?! Pero kailangan ko tong sabihin sa inyo eh. Hindi ata ako makakaupdate kaagad pero sisikapin kong makaupdate bukas. Sisikapin ko palang, may outing kasi kami am-pm so hindi ko sure. Pero keep on waiting parin po ha? Maraming salamat sa sumusubaybay at sa isang commentor ko. Thanyou kasi naaappreciate mo yung kalokohan ko. I love you Guys! ;)
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...