Chapter Four: Dalaw

799 42 4
                                    

(A/N:) Guys, Authors note muna. Name po ni Bianca at Miguell yung ginamit ko pero iibahan ko po yung nga name ng parents nila at mga friends nila. Kung may ibang pagkakaiba man sa mga physical features at  ugali nila sa pagkakadescribe ko, just imagine nalang po na ganun sila. Thankyou. I need your comments. Bad or Good comments man. :)

~~~~

DALAW.

" Ano ba Justine at May?!! Bakit nandiyan nanaman kayo?!! " Sigaw ko sa mga member ko sa dance club. Naiinis kasi ako eh. Kung saan pumupunta, naiiba tuloy yung formation na tinuro ko. Psh.

" Sorry Isa. Medyo nalilito kasi ako eh. " sumbat naman sakin ni Justine. Sinabayan niya pa ito  ng peace sign ✌ at kamot sa ulo. Inirapan ko nalang siya.

" Psh. Okay balik na sa pwesto! Daliiii! Wag kayong babagal bagal. " Pumapalakpak ako habang sinasabi yun at agad naman silang bumalik sa pwesto nila. Pero bago pa kami makapagpatuloy ulit may narinig akong bumulong.

" Hindi ka naman kasi magaling magturo eh. " sabi ng bumulong at alam ko kung sino yun, si May. Agad namang nagkabuhol buhol ang ugat ko sa ulo. Sa sobrang galit ko linapitan ko siya at hinila ang braso niya. Nagulat naman ang mga members ko.

" Psh. Anong sabi mo?! Pakiulit nga? " Sabi ko na mas lalo pang diniinan ang paghawak ko sa braso niya.

" Aray Isa, Nasasaktan ako! " Dumiin kasi yung kuko ko sa braso niya at alam kong masakit talaga yun.

" Nasasaktan ka?! Dapat lang yan sa'yo. Dapat lang na masaktan ka. Ang lakas mo ding sabihin na hindi ako magaling magturo noh. Kung ikaw nalang kaya maging president. Sige tutal mas magaling ka naman eh. Tsssk! " sabi ko na galit na galit. Ewan ko kung bakit ginawa kong big deal yun pero ewan ko lang talaga. Parang sobrang init ng ulo ko.

" Wala yun. Hindi ko naman sinasadya eh. " sabi niya sa akin na paluha na. Paunti unti lang nung una yung tulo ng luha niya pero napansin kong humagulhol na siya sa iyak.

Pinipigilan at inaawat awat narin ako ng mga kasama namin pero hindi ako nagpatinag. Binitawan ko ang braso niya at sinampal siya. Hinawakan naman ni May yung pisngi niyang sinampal ko.

" Hindi sinasadya? Wow ah. Just wow! Psh. Siguro naman kilala mo na kung sino ang kinakalaban mo?! Kung nahihirapan kang sumayaw, bakit ka pa sumali dito? Don't tell me katulad ka rin ni Regine?! " sabi ko na nakataas ang isang kilay.

Wala namang umiimik sa kanila. Tanging iyak lang ni May ang naririnig. Sasampalin ko na sana siya ulit pero napigilan ko yun dahil may biglang nagsalita.

" Seatmate, tumigil kana. " Sabi niya ng seryoso. Agad ko namang hinarap si Miguell. Nagbulong bulungan naman yung iba, samantalang yung iba linalayo at kinocomfort si May ng mga plastik. Akala mo kung sino silang mabait. Tsk. Mga pathetic!

" Oh well? Nandito nanaman ang knight in shining armor ng mga biktima ko. Hahaha (sarcasm)  Ano pipigilan mo nanaman ako?! " sabi ko sa kanya l. Nakataas parin ang isang kilay ko.

" Bianca, ang kagandahang pisikal ng babae ay dapat siya ring kagandahan ng kaloobang asal  nito. " sabi naman ni Miguell na kinakunot naman ng noo ko.

" Psh. Ang lalim ah. Sinearch mo yan?!  o nabasa mo lang?! Hindi ko kasi alam eh. " Sarcastic ko ulit na sabi.

" Edi kung ganun, hindi ka babae? So bakla ka? " sabi niya na kinatawa naman ng lahat. Sumabog naman yung ulo ko sa galit at inis.

" Bulag ka ba?! May ganito bang bakla?! Urrrggh. Nakakainis ka!!!! " sabi ko na sumisigaw.

" Joke lang yun seatmate. Ikaw naman. " Sabi niya naman na tumatawa. Bigla namang napawi onti yung galit ko ng nakita ko siyang tumawa ng konti.

Ang gwapo niya kasi. Psh. Urrggh. Ano ba tong nararamdaman ko. Nakakainis!!

" Bukas na nga lang tayo magpractice! Hindi na ako ginanahang magpractice. Sira na ang araw ko!! " Sigaw ko sa kanila na nanggagalaiti. Agad naman silang nag Yes at yung iba lumabas na ng gym. Parang ang saya nila na galit ako ah? Nakakainis talaga.

Kinuha ko na din ang bagpack ko at pinunasan ang pawis ko tapos lumabas na.

Napansin ko namang may sumusunod sa akin. Lumingon naman ako sa likod at agad napasimangot.

" Tsk. Bakit mo ako sinusundan? " sabi ko sa kanya na naiinis. Naiinis ako kasi pinahiya niya ako kanina. Wala pang lalaking gumanun sa akin. Tsk. Hindi niya ba alam na transferee lang siya?!

" Bakit wala ng practice? Hindi pa ako nakakapractice eh. " sabi niya sabay kamot sa ulo.

" Tsk. Kasalanan ko ba na late kang dadating? Tapos tatanungin mo ako? Kapal din ng mukha mong ipahiya ako noh.?! " sabi ko naman.

"Hindi na kasi tama yung ginagawa mo.Bianca. " Kumunot ulit yung noo ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi tinawag niya akong Bianca.

" Bakit mo ba ako tinatawag na Bianca. Hindi mo ba alam na ang pwede lang tumawag sakin nun ay ang Future bf ko? " sabi ko na medyo pasigaw. Naagaw ko ulit yung atensyon ng ibang estudyante.

" Ay ganun pala yun. Kaya pala maraming nagulat nung tinawag kitang Bianca. Pero okay lang yun, ako naman ang future bf mo. " Sinabayan niya ito ng wink.

" Anong sabi mo?! Psh. In your dreams! "  sumbat ko naman sa kanya na pabalang.

" Bakit ba ang hb mo palagi? Lalo na ngayon, may dalaw ka ba? " sabi niya na parang nagtataka.

" Tsk. Wala!! Diyan kana nga! Sira na talaga ang araw ko! " sabi ko at nagwalk out.

Pumunta na ako sa canteen para kumain. Pinauna ako sa pila nung mga lalaki, inis na inis naman yung mga babae saki.. Oh well, sorry. Haha *sarcasm*

Habang kumakain napansin ko namang wala akong nakuhang straw sa softdrinks ko kaya tumayo ako. Hindi pa ako masyadong nakakalakad ng biglang may yumakap sakin sa likuran. Tinignan ko siya.

" Ikaw nanaman?! Anong ginagawa mo?! Huwag mo nga akong yakapin!! "utos ko sa kanya pero nasa likuran ko parin siya.

" Pag sinabi kong 123 magkunwari kang nahimatay... " pagbabalewala niya sa utos ko at pag uutos niya rin sa akin.

" Ano?! Bakit ko naman gagawin yun?! Wag mo nga akong yakapin. Pinagtitinginan na tayo! Psh. Bwisit ka talaga. " Sabi ko ulit na naiinis. Nakakaagaw na kami ng atensyon eh. Hindi naman ako nahihiya pero siya kasi yung first hug ko. -_-

" Wag ka ng nagreklamo. Sumunod kana lang. " Utos niya ulit.

" Bakit ba kasi?! " sabi ko.

" May tagos ka. " Seryoso naman niyang sabi na kinataranta ko.

" Omg. Whaaat?! " sabi ko agad.

" Oo nga. Kaya magbibilang na ako. One... " inumpisahan niya ng magbilang " twooo... " kinakabahan ako. " Threeeeee...! " Hindi ko alam kung bakit nag kunwari akong nahimatay at sinunod yung sinabi niya.

Nagulat naman yung mga tao sa canteen. Sinalo naman ako ni Miguell. Rinig ko naman yung ingay sa canteen.

" Si Isa, nahimatay. "

" Hala, anong nangyari sa kanya? "

" Bakit siya nahimatay? "

Sabi nila. Narinig ko namang nagsalita si Miguell. " Ako na po bahala sa kanya. Dadalhin ko nalang siya sa clinic. " Nagsimula na siyang maglakad habang buhat ako.

" Magaling ka rin palang umarte Bianca." Dumilat naman ako at nakitang nakangiti siya sa kawalan.

Nagpasalamat naman ako sa kanya sa utak ko habang tinitigan siya. Ang gwapo niya pag nakangiti. Bahagya namang nawala ang inis ko sa kanya.

My knight  in shining armor...

The Art Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon