A/N: Opps. Alam kong nagsasawa na kayo sa authors note pero kailangan ko tong sabihin. Pasensya na Chapter 6, medyo boring kasi. Pinasilip ko lang sa inyo kung ano talaga yung takbo ng story at bakit ganun ang title. Marami pang mangyayari kaya subaybay lang. Thankyou sa mga readers! Tutok lang sa kalokohan ko. Haha. Joke. ✌
~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~
Selfie.
Gulong gulo ang isip ko ng mga oras na to. Hindi ko alam pero patuloy pa rin ang agos ng luha sa mga mata ko.
Hindi pa rin ako kumakain dahil wala akong gana. Maaga akong umuwi mula sa school dahil masama ang pakiramdam ko.
Pagdating ko naman dito sa condo. Biglang tumawag si Daddy.
*Now Playing: Because I'm stupid* ( tunog ng phone ko kapag may tumatawag)
Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang pangalan sa screen.
Nabasa ko namang si Daddy yun kaya sinagot ko kaagad.
" Hello Dad? " sagot ko na medyo nahihilo.
" Nak, okay ka lang ba diyan? Hindi ka pa dumadalaw dito sa bahay ah. " Sabi niya sa akin sa tono ng pag aalala.
" Okay lang po Dad. Medyo masakit lang ang ulo ko. " Sabi ko sa kanya habang umiinom ng tubig. Nahihilo na ako sa gutom. Hindi rin kasi ako makapagluto dahil masama ang pakiramdam ko.
" Gusto mo bang papuntahin ko ang mommy mo diyan para alagaan ka? " sabi niya na nag aalala pa rin.
" No Dad. I'm fine, wag mo ng papuntahin siya dito. " sabi ko na medyo naiinis. Nagkaroon kasi kami ng tampuhan ni mommy nung last na dumalaw ako sa bahay.
" Okay sige. May pupuntahan pa akong meeting. Take care of yourself huh? I love you nak. " pagkatapos niyang masabi yun pinatay niya na ang tawag. Bigla naman akong nahilo. Gutom na talaga ako. Wala akong stock ng pagkain ngayon kasi nakisleep over yung mga alipores ko nung nakaraan.
Nako naman. Hilo na talaga ako. Pumunta naman ako sa kwarto ko habang hinihilot ang noo ko. Kumuha ako ng pera sa couch ko at nagpasyang bumili nalang ng pagkain sa baba.
Hindi na rin ako nag ayos kasi maganda na ako kahit walang make up tyaka diyan lang naman sa baba eh.
Binuksan ko na ang pinto ng condo ko at sinarado ito. Tapos dirediretsyo akong naglakad. Feeling ko umiikot na yung paningin ko. Sabay kulo naman ng tiyan ko. Gutom na talaga ako. T.T
Nahagip naman ng mata ko si Miguell na papasok na ng condo niya. Hindi man lang niya ako pinansin nung lumabas ako? Bakit dahil sa wala akong make up? Tsskk. Nakakainis siya ah.
Bahagya akong napasimangot pero binilisan ko ang lakad ko dahil nakita kong papasarado na siya ng pinto.
Napigilan ko naman to.
" Miguell? " mahinahon kong tinuran. Nagulat naman siya sa bigla kong paglitaw sa harapan niya.
Magpapabili nalang sana ako ng pagkain sa kanya kasi parang hindi ko na kayang maglakad sa sobrang sakit at hilo ko.
Pero ng makikita kong magsasalita na siya. Tuluyan na akong nahilo at nawalan ng malay.
~~ FF:
Bahagyang nanlalabo pa ang mata ko ng dumilat ako pero unti unti ring nagliwanag ang paningin ko.
" Miguell??" bigla kong tinuran. Hinaplos ko naman ang ulo ko. Medyo nahihilo parin ako.
BINABASA MO ANG
The Art Of Revenge
FanfictionIm Gellie Parado but call me "Gelay" for short. This is my first story at dinededecate ko to sa mga kapwa kong Team Biguel na nagmamahal kay Miguell Tanfelix at Bianca Umali. Ito ay isang kwento ng isang babae na masungit, bratinela, spoiled brat, h...