Chapter 1: Bad and Hate
Elementary phase. The memorable stage in my life. Walang problema at kumpleto ang aking pamilya. My young heart was so happy and peaceful. Aral at kaibigan lang ang aking inaatupag kapag nasa labas ng bahay. Of course, my teachers and classmates adore me for I am responsible, outstanding and friendly student in my batch.
Kilala ako bilang President of Supreme Pupil Government or SPG in our private campus. Hindi man ako masyadong abala ngunit minsa'y tinatawag ako kapag may orientation o activities na ginagawa sa loob ng eskuwelahan. Kasama ko lagi ang iba pang SPG officers para tulungan ako sa aming organisasyon.
Nasa huling baitang na ako ngayon sa elementarya. Ilang buwan na lang ang paaabutin, papasok na ako sa buhay ng sekondaryang mag-aaral. Though, I'm not even excited. Hindi pa ako handang lumipat ng school. Mag-aadjust na naman ako sa paligid. Back to zero. Magsisimula na naman ako bilang normal na estudyanteng walang ambag sa kaayusan ng aking paaralan.
Anyway, Daddy said, starting again is part of life. Hindi mo ito maiiwasan dahil hindi lahat ng improvements sa sarili ay dapat nasa itaas. Mararanasan mo rin na tila nagbalik ka sa unang sinimulan mo. But I can't understand what's the point of that feeling? Bakit hahayaan ng tadhana na maramdaman ko muli ang paghihirap ko sa simula? For me, hindi ko iyon matatawag na improvement. Pagdudusa ang tamang salita para ro'n
"Dinnese, pinapatawag ka ni Mrs. Lugait." One of my classmates informed me.
I nodded and stood up. Lumabas ako ng classroom to attend Mrs. Lugait---the adviser of Girl Scouts in our school. Isa ako sa napili ni Ma'am last year na maging leader para pangunahan ang ibang girl scouts. I accepted it since I love leading students behind my back and I have leadership in my essence.
Mabilis akong nakarating sa teacher lodge at hinanap si Mrs. Lugait. Dahil kilala na ako ng mga elementary teachers na nandito, hinayaan nila akong pumasok. Binati ko sila ng magandang araw.
"Good morning, Mrs. Lugait. Pinapatawag niyo raw po ako?" I politely greeted the moment I saw her.
"Good morning din, Dinnese. The girl scouts camping in our school is nearing. I want you to collect the fees sa mga girl scouts na sasali."
Tumango ako sa kanya. Nanatili siyang nakaupo sa upuan nito habang kinakausap ako.
"Masusunod po, Ma'am. Kasali rin po ba this year camping ang mga boy scouts?" Tanong ko.
"Yes. Balita ko nagsisimula na silang mangolekta ng registration fees sa mga sasali. Don't worry. Tutulungan kita sa pag-aasikaso," Mrs. Lugait smiled, assuring me.
Every year, naghe-held ang school namin ng GS and BS camping sa loob ng paaralan. Gaganapin ito between October in the second quarter. Hindi kasali ang ibang school, for your information. Kaming mag-aaral lang sa Georgian Private Academy na membro ng girl scouts and boy scouts ang pwede. It will be two days and one night camp for all of us.
"Dinnese, here's my reg for the camping. Ilista mo 'ko una riyan." Inabot ni Honey Jean ang two hundred fifty pesos para sa bayad.
Tinanggap ko 'yon at nagpasalamat.
"Kaya mo ba? Gusto mo samahan kita?" alok ni Honey habang sinusulat ang pangalan niya sa aking note pad.
"Oo. Kaya ko na 'to. Babalik ako mamaya. Snack time naman kaya maglilibot muna ako sa mga classroom,"
Iniwan ko siya sa loob ng silid aralan namin. Hindi kalawakan ang campus subalit hindi rin gano'n katipid. Sakto lang. May pitong gusali rito. Sa harap ng mga gusali ay may garden for their respective grade level project gardening. Ito ay pinatupad ng principal namin two years ago upang mas maging makulay at masigla ang alma mater. Ang ganda nga, e. Nagugustuhan ko ang green plants in front of the buildings. I find it clean and fresh.
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...