21

129 3 0
                                    

Chapter 21: Drunk











I am trembling in so much frustration as I attached the school month's schedule on the bulletin board near the entrance gate. Mangiyak-ngiyak akong tumingkayad para maayos ang pagkakadikit sa papel ngunit nadadagdagan lamang ang aking gigil sa tuwing natatanggal ang push pin.



I am pressured with my homeworks right now which I didn't finish last night. Nag-away na naman kasi si Mommy at Daddy. They're pointing fingers and yelling on each other. I was distracted. At ngayon, mukhang babagsak ako sa tatlong subjects kapag hindi ako nagpasa ng takdang aralin. Pero paano ko iyon matatapos kung ginagamit ko ngayon ang vacant time sa pagdidikit nitong papel sa bulletin board?





Consistent akong with high honors since I was kindergarten. Hindi ako nag-cu-cut class at lalong nagpapasa ako ng lahat ng requirments o assignments sa bawat subjects ko. But this day... it's different. I feel so heavy. Nag-aalala ako sa annulment ng magulang ko. Paano na ako kapag naghiwalay sila?




And my grades. What about my grades? Sinong aakyat sa stage kasama ako habang binibigay sa akin ang medals and ribbons ko? Si Mommy? Si Daddy? But I want both of them!





Malabo na ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha at hindi ko na halos makita ang ginagawa kong pagtulak sa push pin. Bakit ang tigas ng bulletin?! Ayaw lumubog ng tack kahit anong lakas nang diin ko.




"Is it required to tear up while pressing it?" someone asked behind me.




Nilingon ko ang matangkad na lalaki. Bumungad sa akin si Riyuu na nagtataka sa panginginig ng aking kamay.



"Let me," he said.




Inagaw niya sa akin ang push pin and pressed it down on the bulletin like nothing. Samantalang ako, halos mawalan ng lakas.




"T-Thank you..." bulong ko.





"Is everything alright?" tanong niya.





Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil kapang sumagot ako, babagsak ang luha ko.





"O-Oh." I nodded.





"Gusto mo ba ng juice?"




"Wala a-akong oras. May gagawin ako," mabilis kong sagot at tumakbo pabalik sa aking silid-aralan.





Hinihingal akong bumalik sa aking silya pero natigilan ako nang mapansin ang nakapatong sa armchair ko.






'Yong juice na laging binibigay sa akin ni Riyuu. May nakadikit na note roon. Inangat ko ang 90 ml na juice box at binasa ang nakasulat sa note.





'Wag na malungkot. I hope this cheer you up. :)


-R.J.T





Sa hindi maintindihang sanhi, gumaan ang pakiramdam ko habang nakatitig sa smile na ginuhit niya.






"Miss Zelestaire, sumama ka kay Jiro sa stockroom. Pakikuha 'yong compilation na tinutukoy ko." utos sa amin ni Marietta sa kalagitnaan nang team meeting.






May bago kaming project na pagtutuanan ngayong hapon na kakabigay lamang ng Head Architect ng kumpanya. At dahil urgent 'to, tinigil ko muna ang paghahanap ng singsing sa ilalim ng aking lamesa para bumuntot kay Jiro patungong stockroom.






Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon