35

138 2 0
                                    

Chapter 35: Responsibility







I'm running as fast as I could that I can't feel my feet on the ground. Madilim at malamig ang masikot na daan na aking tinatakbuhan. The pitch concrete dark alley was suffocating. Mumunting patak ng ulan ang tumatama sa aking mukha at habang lumalayo ako, sumisikip ang tinatahak kong landas.





Hindi ako makahanap ng malilikuan o matataguan. Sumasakit na ang gilid ng aking tiyan sa walang tigil na takbo na aking ginagawa. May humahabol sa akin at ayaw kong magpahuli sa kanya.





Nabingi ako sa malakas na pintig ng aking puso. Ang tanging naririnig ko lang ay ang bigat ng aking hininga at nakakatulirong bagsak ng maninipis na tubig na dulot ng mahinang bugso ng ulan. I drew my breathe sharply and stopped to have some air. Hinawakan ko ang aking dibdib at lumingon sa aking likod.




But someone appeared before my eyes and pull out a kitchen knife into my stomach. Napasinghap ako sa hapding bumalot sa aking sistema. Kusang nanghina ang aking nga binti sa walang habas na pag-agos ng dugo mula sa kutsilyong hawak ng lalaki. Bumukal ang luha sa aking mata at unti-unting tumingin sa sumaksak sa akin.




Bago ako nahulog sa sementong lupa, lumakas ang ihip ng hangin at ulan. Nang binitawan niya ang kutsilyo, napaatras siya. Nabigo akong maaninag ang kanyang pagkakilanlan dahil may suot itong itim na sombrero sa ulo. My eyes darted at his tattooed arms and that's the moment I recognized who he was.




Austin.




Napahiga ako sa basang lupa at humalo ang aking dugo sa tubig ulan. Napalunok ako sa lamig ng aking kapaligiran at sa bawat paghugot ko ng hininga, nawawala ako sa ulirat. The blood on my slit wound was spurting on my sides as I opened my mouth to taste the shower of rain. Napatitig ako sa walang buhay na kalangitan.





I don't want to die without a proper good bye... but if this is my last straw to live, I would still whisper the three words with his name on it.




Pagbukas ko ng aking mata, bumati sa akin ang nakakasinag na araw mula sa bintana ng puting silid. Umaalingawngaw ang tunog ng heart rate monitor kaya mabilis kong nalaman na nasa loob ako ng ospital.




Gumalaw ako ng kaunti upang mawala ang pangangalay sa aking katawan subalit napangiwi ako sa bumanat na sakit sa aking puson. Kinapa ko ang aking tiyan at isang taghoy ang kumawala sa aking bibig. Bakit nawala ang umbok ng aking tiyan? Nasaan ang anak ko?





"Wife, are you awake?" bumaling ako kay Riyuu na dinaluhan ako at hinawakan ang aking maputlang kamay. He was sleeping in a corner when he heard my moan.




"W-Where's our b-baby?" naghihingalo kog tanong. Nagpumilit akong bumangon pero pinigilan ako ni Riyuu na pilit akong pinapatahan.




"Don't worry. He's safe..."




Umawang ang aking labi. What does he mean?




"Anong h-he's safe? He's just eight months old! Hindi pa siya pwedeng lumabas!" asik ko at nadugtungan nang hagulhol.




"Wife, calm down. It was an emergency. They had to to take him out of your womb or else it will worsen the situation for the both of you," he explained.




"Where is h-he?"




I want to see my baby. I want to apologize to my first born for not giving him a normal delivery. Sana hindi na lang ako nahimatay. Sana nakontrol ko ang aking sarili. Sana hindi siya agad lumabas sa aking sinapupunan upang mabuo ko siya nang maayos at walang pagkukulang.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon