37

120 3 0
                                    

Chaptee 37: Done









The loud noise of my silence break through. I gasped as my heart pang in betrayal. My tears shed while staring at my phone screen. Pumasok ako sa loob ng bahay at nanlumo sa couch.




Apat na oras akong tulala at hinayaanng lumipad ang aking imahinasyon kung saan. He's with another girl. Having fun in Japan. Hindi ko na muling tinawagan ang numero niya sa takot na marinig ko ulit ang boses ng babaeng sumagot kanina. Gusto kong masuka, hindi dahil sa babaeng pumatol sa kanya, kundi dahil sa kabalastugan na ginawa ng asawa ko.




Hindi sana nakakahiya kung ako lang 'yong nakaalam, pero narinig ni Mommy, e. Nakakadiri. Nakakapanghinayang. Matapos ang lahat ng pinagsamahan namin, nagkaroon na ng dalawang anak at may maligayang pamilya... bakit hindi pa rin iyon sapat sa kanya? Paanong nauwi sa ganito?





Pinunasan ko ang luha ko nang makita si Mommy na lumabas sa isang silid. Pinatulog na niya ang mga bata dahil gabi na rin. I composed myself and licked my lips. Binitawan ko ang cellphone ko at suminghot.





She sat next to me and sighed. A dissapointed and deep loud sigh. Walang imik niya akong niyakap nang mahigpit ngunit akmang yayakap na ako pabalik nang bigla niyang hinampas nang paulit-ulit ang balikat ko. Napahiyaw ako at lumayo sa kanya habang sapo ang aking balikat na pinaghahampas niya.




"My! What-"




Hindi ko naituloy ang reklamo ko bagamat pinandilatan niya ako ng mata.




"Bakit nagdadrama ka rito? Bakit hindi mo gayahin ang asawa mo? Maghanap ka rin ng lalaki! Ang asawa mo lang ba ang may karapatan para maghanap ng ibang kalampungan?! Dios mio, Dinnese Aisel! Wala akong anak na tonta!" panghihimutok ni Mommy.





Hahampasin na sana niya ang balikat ko ngunit napahikbi ako. Naibaba ni Mommy ang kamay niya at umiling. Sinubukan kong pigilan ang luha ko sa pagbagsak subalit mas lumala lamang ito. Kinagat ko ang aking dila. I hate it! Even my tears were betraying me!





"Men loves to create a game and to work smarter, you need to know what are the mechanics to start the play." salaysay ni Mommy. "In your situation, you were unaware of the rules. Ngayon, nagsisisi ka. Umiiyak. Nasasaktan. Hindi alam kung anong susunod na hakbang."





Napatunghay ako kay Mommy. Singhap ako nang singhap upang habulin ang paghinga ko. Para akong nalulunod, hindi na makahinga sa luhang bumubuhos na tila pinipisa ang patay na pusong pinipilit na patibukin.




"But getting into revenge, you'll have to site a weapon to find his weakness... to spot a checkmate. Gayahin mo ang ginawa niya, Dinnese. Ipadama mo ang pinadama niya sa 'yo. Ibalik mo ang sakit na binigay niya sa 'yo. That's how a wise woman play to trick a trickster game." Mommy tucked a few strands of my hair behind my right ear. Hinimas niya ang pisngi ko gamit ng hinalalaki niya at nginitian ako.





"Kung hindi mo kayang pumunta sa club ngayon, then we can take the shot tomorrow night. Pag-uwi niya, suprise him. Ako na bahala sa mga bata,"




"M-Mommy... he cheated on m-me," bulong ko. "I don't want to cheat, too..."





Mommy snapped her fingers irritatingly. "Dinnese! Hindi tayo magiging alila sa pag-ibig! Babae tayo na kayang tumindig sa sariling mga paa! May utak, may katawan! Kalimutan mo na ang puso mo. H'wag mong ipakita sa kanya na tonta ka! Hindi kita pinayagang maikasal sa kanya para maging alipin niya!" halos mangugat ang leeg ni Mommy sa asik niyang iyon.





Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon