15

115 4 0
                                    

Chapter 15: Struggle








"Engineer Takeo! Good morning, Sir!" bati ng aking mga kasama sa lalaking walang kurap na nakatitig sa akin.



Fuck. This is what I'm saying earlier. I shouldn't have accepted this offer. Malaking kamalian ito. Bakit ba kasi sa rami ng kumpanya sa buong Maynila, rito pa ako bumagsak?




Hindi matigil sa pagsikdo ang tibok ng aking puso na tila kapag kumalma ito ay aatakihin ako nang tuluyan. Hindi ko rin maialis ang tingin ko sa kanya. Para akong nalulunod sa malalim na karagatan at hinahatak sa kinailaliman ng mga tingin niya ngunit ayaw kong umahon. Ayaw kong lumangoy pabalik.




"Engineer, may kailangan po ba kayo?" tanong ni Ruby dahilan para matauhan ako.



"No. I'm here to talk to Ms. Zelestaire." matigas na aniya.



He throw me a dangerous stare. "Follow me," he demanded.




Pag-alis niya, napasinghap si Ruby at Giselle.



"Hala? Bakit niya kaya kakausapin si Ms. Zelestaire? Ang unfair naman. No'ng unang araw ko rito, kahit isang sulyap hindi ako binigyan ni Engineer..."




"Baka importante lang?"




"Stop it, guys. Come on, back to work." Marietta declared before turning to me.




"Sundan mo na si Engineer, Ms. Zelestaire. Mabilis pa naman siya maubusan ng pasensya. Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay," she smiled weakly.




Tumango ako at lumabas ng opisina para hanapin si Riyuu. I saw him walking towards the lift as I approached him.




Napansin kong sinulyapan niya ako nang tumabi ako sa kanya ngunit nanatili siyang walang imik at nakapamulsa... but here I am, shrinking at his presence and I don't know why. Ano pang bago?




Ganito naman lagi ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ako sa kanya. Since we were elementary, nakikita ko siya bilang isang hari na makapangyarihan at mahirap abutin. He's smart, brilliant, clever and outstanding. Walang siyang katangian na maiisip kong patapon.




Nang bumukas ang elevator sa aming harap, mas lalo akong kinabahan dahil walang tao sa loob. Kaagad naman kaming pumasok doon. We stood up side by side, hindi nagsasalita at tanging paghinga lang ang pinapayagang mangibabaw.





May pinindot siya sa gilid ng elevator at bumalik sa aking gilid. I heard him took a deep breath when the door closes... and holy hell, I feel so suffocated.




"It's been seven years since the last time I saw you..." he said.




And fourteen years since we've met, and gave you my bracelet.



Tumungo ako para tingnan ang papulsuhan niya kung suot pa ba niya iyong bracelet pero wala na. Bukod sa hindi ko makita dahil sa kanyang suot na coat, wala rin akong makitang umbok ng bracelet.





Siguro, tinapon na niya 'yon. Bakit ba ako umaasang nasa kanya pa 'yon? Years have passed and years changed him too. He was no longer the boy I've known before. He's now a totally matured grown man——an Engineer to be exact... hindi si Riyuu na gustong gusto ko noong bata pa kami.




"You accused me of insulting you," nahimigan ko sa boses niya ang sarkasmo. "Dahil do'n, muli kang lumihis sa akin."





Umawang ang bibig ko sa kanyang dinugtong. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya bakit ko sinabing ininsulto niya ako no'ng gabing nasa Japan kami subalit ano naman ang ipapaliwanag ko? I just did that because I was desperate to get away from him, especially that I realized I still love him.





Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon