13

114 4 0
                                    

Chapter 13: Self-love










Nang makauwi galing sa meeting namin ni Yuahn, agad kong kinausap si Mommy tungkol sa pagbili niya ng condo para sa akin. She already predicted it that I'll be mad at her if she'll bought things for me. Because I would! Ayaw kong magwaldas siya ng pera gayong pwede naman akong mag apartment dahil mas cheaper 'yon kaysa bumili ng condominium unit sa Maynila.






But knowing Mommy, she asserted na hindi raw pera namin ang ginamit niya sa pagbili ng condo. Of course, I doubt her. She's a bad liar.




"Kung hindi po pera natin, edi kanino?" I asked as I sat on the dining chair and faced her.




Mommy sips on her cup of tea and giggled.




"You guess,"





"Mom!" angal ko't malakas na binagsak ang mga palad sa lamesa ngunit hindi man lang siya natinag.





Patuloy ito sa pagsimsim sa kanyang tasa na animo 'y nasa isang tea party siya. Hindi ko mabasa sa mata ni Mommy ang pagsisinungaling pero ayaw ko pa rin siyang paniwalaan.





If it's not money from our resort, then where the hell did she get the money for my condo? Huwag niyang sabihin...





"Mommy, may sugar daddy po kayo?" I paused, gauging for her reaction.





Her eyes widened but kalaunan ay humalakhak ito. Lumalim ang gitla ko sa noo dahil sa weirdo kong ina.





"He's not a sugar daddy, Dinnese, but he can be your sugar husband..."





"What are you saying, My? Binubugaw mo ba ako sa mga anak ng business partners mo?"




"No, siya mismo ang may gusto sa 'yo," she smiled.





"So, tama ako na anak ng business partner mo ang may gusto sa akin at bumili ng condo para sa akin?" I confirmed.




"Definitely."




"Mommy! I told you na ayaw ko ng mga arrangements na 'yan, 'di ba? Ayaw kong magpakasal kung hindi naman kami nagmamahalan!"




"Good God. You are already in 21st century, Dinnese Aisel. Pera ang kailangan natin, hindi pagmamahal. Hiwalayan mo na 'yang Austin mo! Wala kang mapapala sa kanya,"





I rolled my eyes. Ayaw kong sumabog at baka mapagsalitaan ko pa ng masama si Mommy kaya't nagpadesisyunan kong tumayo at mag-walkout. I heard her screaming like an insane woman before I even locked myself in my room.





Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya. Palagi namang wala akong gana. Aside from my very dull life, may Mommy din akong kontrabida sa lahat ng aking kilos. Tila nilulunod ako sa walang katapusang pagdudusang ito. Nasasakal sa hindi malamang rason. At tahimik na napapatid ang pasensyang kasing nipis na ng sinulid.





Kailan pa ako makakahanap ng pahinga? Kailan pa ako makakakita ng sariling kapayapaan? Kailan pa ako magtitiis?



Hanggang sa maubos ang walang katapusang pagdudusa ko? Hanggang sa malaman ko ang rason bakit ako nasasakal? O hanggang sa maputol ang pasensya kong gahibla na ang natira?





Nag-uunahang pumatak ang aking mga luha habang binabaon ang sarili sa kutson ng aking kama. Hinayaan kong lamunin ako ng antok at magising kinabukasan.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon