Chapter 33: Home
"Dinnese, kanina ka pa balisa. Is there something wrong?" Avrielle asked after she paid for our dinner.
Tumayo kami nang sabay. Kinagat ko ang aking dalawang labi hanggang sa makaramdam ako ng hapdi. Hindi ko maiwasang huwag kabahan. Sinasaksak ako ng matinding takot. May sumusunod sa akin at naiiyak ako sa maaaring mangyari kung may balak siyang hindi maganda para sa amin ng anak ko.
Inalalayan ako ni Avrielle papasok sa Audi niya. Hindi na nasundan ang tanong niyang iyon nang hindi ako sumagot. Walang salita niya akong hinatid sa bahay. Mag-aalas otso na. I didn't received any phone call or text from Riyuu and I'm assuming that he's still on his serious meeting. I don't want to disturb him as much as I can. I hate being a burden. Especially he's on his work.
"I'll stay here, Dinnese. Mamaya na ako uuwi pagdating ng asawa mo," Avrielle declared when I shoo her away.
Pumasok siya sa kusina ng bahay namin at sumungaw sa laman ng fridge. Umupo ako sa itim na couch, pagod at maraming tumatakbo sa isip. Tumitig ako sa kisame ng salas.
Magdadalawang buwan na akong nakatira rito pero hindi ko ramdam ang sigla sa bahay na ito. I will only call this a home if I saw Riyuu's presence in here. It feels empty and gloomy without him. Kapag hindi ko naaamoy ang pabango niya, naririnig ang baritono niyang boses, hindi nakikita ang kanyang mga ngisi na mapanlinlang, ang mata niyang nakakaakit... kung wala siya, hindi ko ito matatawag na "tahanan".
A home is supposed to be a place where you can feel at rest, safe and assured. A central quarter, a comfort area where you can run and hide from those people who wants to hurt and harm you. But for me, a home is not 'where', it is a 'who'. A person who can warmth you, embrace and accept the whole you, regards you. No questions needed.
Riyuu's my home. Ang tahanan ko, ang uuwian ko, ang takbuhan ko lagi. He taught me not just to love but to care and understand each other. Kung mawawala man siya sa akin, mawawala rin ang isang bahagi ng pagkatao ko habangbuhay. Dahil kinukumpleto niya ako. Binubuo at binibigyan ng lakas.
Humagulhol ako sa puso ko na sa bawat pintig ay kumikirot. Naghihingalo kong natuptop ang aking bibig upang pigilan ang hikbi na nililikha ng lalamunan ko. Parang sasabog na ang sistema ko. Bumuhos ang aking luha na tila sirang gripo na hindi mahanap ang seradura.
"Shit! Dinnese!" bulalas ni Avrielle at dali-daling nilapag ang baso ng gatas sa lamesa para aluin ako.
In frenzy, she handed me a box of tissues. Animo'y sinilihan ang puwet niya sa kakatayo at kakaupo sa aking tabi, hindi malaman kung anong gagawin para tumahan ako. I continued to wail like my dad died yesterday. I couldn't stop my tears!
"Dinnese naman! Tatawagan ko na ba ang asawa mo? Are you craving ba? Holy hell!" sa nanginginig na kamay, may tinawagan siya sa sariling telepono.
"Hello, Riyuu? Where are you? In the middle of your meeting?" she paused, listening to her phone. "Si Dinnese! Iyak nang iyak! Andito kami sa inyo! Please, please, bilisan mo!"
I'm confused if I'm crying because of my pregnancy mood swing or maybe I missed him so much that even my lies are neglecting my pride. Humigop ako nang hangin para habulin ang aking mga luhang umaagos nang walang tigil.
"Dinnese, naman... 'wag mo 'kong pahirapan nang ganito. Please, stop crying na. Your husband is coming." pagmamakaawa ni Avrielle ngunit nabibiyak na rin ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...