Chapter 40: Querencia
Nagsalubong ang mata namin ni Giselle ngunit agad siyang tumalikod at naglakad paalis ng resort. Tumayo ako at tinignan si Riyuu. He turned to me when he noticed my uneasiness.
"What's wrong?" he gently asked, all attention to me.
"Saglit lang ako..." paalam ko at sinundan si Giselle, hindi na pinakinggan ang isasagot ni Riyuu.
Sinuyod ng mata ko ang bukana ng resto bar bago humakbang palabas ng resort. Tumigil ako sa gilid ng kalsada at namataan ko ang mahabang buhok ni Giselle sa parking lot ng resort. Nakatayo siya sa harap ng puting SUV at nakayuko.
Kinakabahan man sa pwedeng mangyari sa oras na lapitan ko siya, tinuloy ko pa rin. Hindi ako makalunok nang maigi dahil sa kabang 'di makapagpigil. Habang inoobserbahan ko ang kanyang anyo, napansin ko ang mahahabang peklat sa kanyang kamay at braso. She's wearing a white spaghetti dress and it really creeps me out.
I stopped when I was five feet apart from her. Doon na niya ako nilingon. Humugot ako nang malalim na hininga sa maputla niyang mukha. She looks normal to me. Still the Giselle I knew.
"G-Giselle..." I can't concentrate to call her name. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"You..." aniya sa magaslaw na tono. "I came here to find my sister. Nasaan siya?"
Umiling ako. "U-Umalis na siya. Why-"
"Aalis na rin ako." iikot na sana siya sa kabilang bahagi ng SUV pero tinawag ko siya ulit. She paused but I was facing her back.
"I want to hear your side, Giselle. I want to know why..." sabi ko.
Gusto kong marinig mula sa kanya ang sinabi sa amin ng kapatid niya kagabi. Ayaw kong isipin na masama siyang tao dahil hindi gano'n ang pagkakilala ko sa kanya. Gusto kong isipin na nagsisinungaling lamang si Honey Jean at sinisiraan lang siya.
I'll let her explain but if she doesn't deny those accusations from her sister, then...
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin at sa kalagitnaan ng katahimikan, narinig ko ang pares ng paang nanatili sa aking likod. Hindi ko nilingon si Riyuu na halatang alerto sa kung anong gagawin ni Giselle.
"Kung ano mang sinabi sa 'yo ni Ate. Paniwalaan mo lahat ng 'yon." tugon niya.
Tumakbo siya sa labas ng parking lot. Umamba akong susundan siya but Riyuu grabbed my elbow. Napalingon ako sa kanya at sumasalamin sa mata niya ang takot at pangamba sa kung anong mangyayari kapag sinundan ko pa si Giselle.
Bumuntonghininga ako at muling sinulyapan ang direksyon kung saan naglaho si Giselle.
That day in the afternoon, the rain suddenly poured. Riyuu, I and our sons, stayed inside our cozy room while Mom was busy managing her costumers in the resto bar.
Marahang tinatapik ni Riyuu ang hita ni Damian na nakatulog sa gitna ng higaan habang si Dean ay naglalaro ng iPad niya. Tinutupi ko naman ang mga damit namin sa loob ng suitcase dahil uuwi na kami bukas ng Maynila. Riyuu discussed it with my mom earlier. Pumayag si Mommy but magpapaiwan daw siya rito.
And if Riyuu breaks my heart into two again, Mommy will take us forever away from him. Iyon ang kasunduan nila sa harap ko at sa mga bata. Ewan ko kay Mommy kung seryoso ba siya pero alam kong may isang salita siya. Above all, she's my one the woman mom.
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...