12

122 4 0
                                    

Chapter 12: Boyfriend













Tinotoo ni Mommy ang pag-book ng ticket namin paalis ng Japan. Walang imik ako sa buong flight, gano'n din siya. Hindi ko alam kung galit ba si Mommy o may ideya siyang nagsisinungalang lang ako sa harap ng mga magulang ni Riyuu. Hindi ko na rin muling binuksan ang tungkol sa pangyayaring iyon hanggang sa makarating kami sa Pilipinas.





Pagkatapos nang araw na 'yon, pinagsisihan ko bakit hindi ko nagawang libutin ang buong Japan dahil iyon na rin ang huling bakasyon namin after until I graduate my five-year-course college.





Malabo ang bawat araw na nagdaan sa aking buhay. I have not achieved any achievements in academics or in my life goals. I felt like a useless person and just waiting for my breathing to stop.





I feel so dumb founded. Tila wala nang patutunguhan ang nilalakaran ko patungo sa aking kinabukasan. Sumasabay na lang ako sa ihip ng hangin at naghihintay kung saan ako tatangayin.




Napakapagtapos ako sa kolehiyo without earning the master's degree in architecture or bachelor's of arts degree. Sa halip kasi na kumuha ng gano'ng exam, I immediately applied for a job here in Bohol as a Chartered Building surveyor in an Architect firm. Natanggap naman ako dahil na rin kilala ni Mommy ang Chief Architect ng kumpanya.





Siguro 'yon din ang dahilan bakit madalas akong binibigyan ng proyekto ng EA namin. I'm not sure because I highly doubt myself in this profession. I don’t know if I’m improving or failing in my career right now. Hindi ko talaga maramdaman na naaabot ko na ang aking mga pangarap. Sa katunayan, parang wala nga akong pangarap, e.






"Good morning, Miss Zelestaire," bati ng mga construction worker habang papasok ako sa gusaling pinagtatrabahuan nila.






Ngumiti ako sa kanila at sinuot ang hard hat na binigay sa akin ng aking assistant.





"Mang Tunying, dumating na po ba 'yong semento at ilang materials?" tanong ko.





Lumingon sa akin ang lalaking may kayumangging balat, payat at medyo may katandaan na. Magiliw niya akong binati.





"Opo, Ma'am. Kaninang umago ho," tango ni Mang Tunying.





I nodded as I write some details on printed documents na nakaklip sa hawak kong clipboard.





Mang Tunying was assigned to guide the other laborers. Tatlong dekada na siyang nagtatrabahong bilang karpintero kung kaya't malaki na ang tiwala ng EA namin sa kanya. Siya rin ang nagre-recruit ng mga bagong construction worker para makatulong sa pagtatayo ng gusali.





"Natapos na ho pala namin iyong pinapagawa ni Architect kahapon, Ma'am,"




"Really? Can you show to me?" wika ko't sinundan si Mang Tunying paakyat sa second floor.





I'm responsible for assessing the aspect of buildings, from houses to public and commercial properties. Also, I examine the condition of buildings and advise on ways to refine them. Reason why I'm here at nagsu-survey sa mga project ng Architect ko upang aking masigurado ang kalidad ng mga materyales na gagamitin sa ganitong estruktura.





Mag-dadalawang taon na ako sa larangang ito at aaminin kong marami pang bagay na kailangan kong pag-aralan. Binubuhos ko ang lahat ng aking makakaya ngunit pakiramdam ko 'y hindi pa sapat. May kulang pero hirap akong tukuyin ito. May mali subalit hindi ko makita kung ano ang hindi tama.





Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon