29

127 3 0
                                    

Chapter 29: Prove









Pinakilala ni Mama Christina si Mihara kay Mommy at sa akin. Hindi na ako nasupresa nang makita siya rito. I knew it. She's as cunning as fox. Alam ko ang galaw ng babaeng may gusto sa lalaki. It's obvious that she likes Riyuu.




Sa resto bar kami tumuloy at doon kumain ng pananghalian. Pinahanda nila kami ng maraming masasarap na putahe. Too bad, I can't eat seafood that much. I'm allergic to these kind of salt food.




"You don't want to eat this?" tanong sa akin ni Riyuu nang ilingan ko ang lahat ng ulam na tinuro niya.




"Hijo! May allergy ang anak ko sa seafood. Nangangati pag kumakain." sabi ni Mommy sa kabisera ng lamesa habang nilalagyan ang plato ko ng barbeque.




"She didn't tell me, Mom." sagot ni Riyuu.




My ears stirred. Mom? The last time I checked, it was still 'Tita'. What happened to it? Pinaningkitan ko ng mata si Riyuu pero nagpatay malisya lang siya at tinapik ang hita ko.




Sumulyap ako kay Mihara na pinagmamasdan kami ni Riyuu. She's talking with Riyuu's Mom but every now and then, she'd always find a way to snatch a glimpse of my husband. Kapag nagkakasalubong naman ang paningin namin, pairap siyang umiiwas ng tingin kaya napapaismid ako sa huli.





Tipid akong ngumiti nang dagdagan ni Riyuu ng kanin ang plato ko. Napabaling tuloy ang atensyon ko sa kanya.




"Stop looking at her. I'm jealous." bulong ni Riyuu.




Lumawak ang ngiti ko at mahina siyang sinagi. "Loko," bulong ko rin.




"What? You keep looking at her. Do you like her?"



"Hindi. Baka ikaw?"



"No way." aniya.




Mahina akong natawa sa tono ng kanyang boses na animo 'y napipikon.




"Hey, son, aren't you going back to Japan?" tanong ng ama ni Riyuu.



"I decided not to, Dad. I'm too busy with my things." sagot niya at nilagay ang braso sa sandalan ng aking upuan.




Inangat ko ang tingin sa kanya. Bakit hindi niya binanggit ang bagay na 'to sa 'kin? And why he's going back to Japan? Hindi ba siya masaya rito? Don't tell me...




"You're not coming home with us?" nanghihinayang na tanong ni Mihara.




"No." matigas na sagot ni Riyuu.




"How about your family's business?"




"I have my own business here that I need to take care of,"




"But-"



"That's right, Riyuu. You should stay here with your wife." ani Mama Christina na sinang-ayunan ni Mommy.




"Nakakaintindi ba siya ng Tagalog?" tanong ni Mommy kay Mama Christina na ang tinutukoy ay si Mihara.




"No, kumare. She doesn't speak Tagalog but I assumed that she's learning,"




"I can understand a little, Ma'am. Riyuu taught me when we were kids," sagot ni Mihara at ngumiti kay Riyuu.




My forehead wrinkled when I saw Riyuu's lips curved, suppressing his mocking smirk at me.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon