32

108 3 0
                                    

Chapter 32: Shivers







Lumingkis si Yuahn sa aking braso nang makalayo kami kay Giselle.




"Sino ba 'yon?" tanong niya, at lumingon saglit sa direksyon ni Giselle.




"One of my department colleague. Hindi mo ba siya nakita no'ng sinundo mo ako sa office?"




"Hindi and she looks super duper maamo but I smell something from her..."




Huminto kami sa paghakbang sa tapat ng elevator. "Ano?"




"A bitch stench." he emphasized the word 'stench' like a venom slowly poisoning the tip of his tounge.




Sinagi ko siya. "That's nonsense. Hindi gano'n si Giselle."




"Ay naku, basta! Ang bitch niya para talsikan ng mainit na tubig ang worth two thousand cardigan ko. May paawa effect pa," naiiritang anito.




Humilig ako sa balikat niya. I'm switching this topic before it gets off the trail. "Samahan 'ko mamaya sa OB-GYN appointment ko, ha?"





"Ako ang pinapasama mo? Baka pagkamalan pa nila akong anak ng fetus mo." nandidiri niya akong hinawi. Napabusangot ako sa maasim niyang mukha.




"Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin kay Mr. Takeo? Bukas na ang birthday niya, advance gift mo na lang 'yan para masamahan ka niya sa doctor's appointment mo!"




"Pwede ba 'yon?"




"Oo!"




"Paano pag nalaman niyang buntis ako at tumaba... iiwan kaya niya ako?"




He offensively tsked. "Babe, I hate that thought. You ain't supposed to say that. You should tell yourself 'I have his first child, he needs to obey me until death'." he giggled.




Natawa na lang din ako sa kagagahang tinuran niya.




"At isa pa, Dinnese, hindi gano'n kababaw ang pagmamahal sa 'yo ni Mr. Takeo para iwan ka dahil sa pity reason. Remember, anong purpose ng sexy body, kung mukha lang ang kailangan sa I.D?" hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. "See? Ganda ng bestie ko! Ito 'yong ganda na hinahabol-habol ng isang poging Engineer sa loob ng labing-apat na taon. Pak! Walang katulad! In instant, pinakasalan para walang kawala!"





Gumaan ang puso ko sa simpleng mga salita niya na nagpapahilom sa aking damdamin. He never puts me out when it comes to reassuring my feelings. Naging takbuhan at sumbungan ko na si Yuahn. He's the one who stuffs my leaked confidence. Sa bawat pagyuko ng aking ulo, narito siya para iangat ako sa kabila ng mga paa kong nakatapak sa lupa.





I'm forever thankful that the King of Kings send me a companion like him. Hindi ko siguro makakayanan ang bigat ng pagsubok na ihaharap sa akin kapag wala akong nakilalang kaibigang maaasahan, kagaya ni Yuahn.




"Thank you, Yuahn. The best ka talaga."




"I know," he proudly made a face.




Pag-akyat ko sa office, naabutan ko si Marietta at Ruby na nag-uusap. Pumirmi ako sa table ko para i-text si Riyuu. Magpapa-checkup ako mamaya kasama si Avrielle. I want to know if my child is in good condition.




To Riyuu:


Do you have plans later?




Binaba ko ang aking cellphone matapos pindutin ang sent button. Binaliktad ko ang keyboard sa monitor upang linisin ang alikabok sa ilalim pero isang puting sobre ang umumit ng atensyon ko. Kumalabog ang pintig ng aking puso. My phone beeped.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon