Chapter 26: Marry
I felt a sudden dizziness when I got home alone. Hindi ako nagbihis at pinalubog ang sarili ko sa ibabaw ng aming kama. My whole body was thumping in tiredness. Kung kanina'y gutom ako, ngayon para akong binugbog ng ilang beses sa pagod.
Isa't kalahating oras akong nagmuni bago hinila ng antok. Pagkagising ko, hindi pa nakakauwi si Riyuu. Naligo na lang muna ako at ginamit ang shampoo niya sa banyo. Nasusuka kasi ako sa amoy ng shampoo na ginagamit ko noon.
Habang gumagawa ako ng sandwich sa kusina, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan palabas. Lilingon na sana ako nang may yumakap sa akin mula sa aking likod.
"I'm home..." Riyuu growled.
He kissed my nape as he snuggled his chin on my shoulder. Naramdaman kong suminghot siya at inamoy ako. Since I'm wrapped in my spaghetti strap dress, hair raised bump on my skin when his hands snaked around my waist.
"Hmm... you smell like me. Did you used my shampoo?" he asked.
Tumango ako. "Hindi ba pwede?"
Kumagat ako sa sandwich ko at marahas siyang hinarap habang ngumunguya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at sinamaan siya ng tingin.
"So you're not inlove with me?" I asked.
A confuse emotion stroke his face.
"What?"
Umirap ako. "Wala." at umalis sa harap niya.
Umakyat ako sa second floor ng bahay tangay ang aking sandwich. Pumasok ako sa silid namin pero sinundan pa rin niya ako na may pagtataka sa mata. Nasa beywang nito ang mga kamay at pinagmasdan akong nakaupo sa paanan ng kama. Bumagsak ang aking balikat nang maubos ko ang kinakain ko.
Kalaunan, masuyong lumapit sa akin si Riyuu. Tinanggal niya ang kanyang necktie at tumabi sa akin. His eyes held so much worry and affection. Dumulas ang mata ko pababa sa labi niya. His adam's apple moved as he placed his palms on my hand.
"Is there any problem? Tell me..." mababa niyang sinabi.
Lahat ng galit ko na tumigas kanina ay natunaw sa haplos ng mainit niyang kamay sa aking balat. Nanghina ako nang pinalupot niya ang makikisig niyang braso sa akin at hinayaan akong sumandal sa balikat nito.
Napapikit ako nang naglaho ang sakit ko sa ulo. Para akong hinihilom sa katahimikan at alam kong siya lang ang makakagawa sa 'kin ng ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam na matagal ko nang hinahangad magmula noong iniwan kami ni Daddy.
"Kung may problema tayo, sabihin mo lang sa akin. I will do everything to help you as your husband."
"G-Gusto kong magpahinga... kasama ka," mahina kong sagot.
"My wife wants to rest with me? Why?" tanong niya, naglalambing.
"Wala lang. I just want to be with you. Let's cuddle,"
"I'll cuddle with you but can I change my clothes first?" aniya.
Minulat ko ang aking mata at napangiti sa mapagbirong tono niya. Binitawan niya ako upang magbihis ng komportableng damit bago tumabi sa akin nang higa sa kama. He gathered my side bangs behind my ears as I dozed on his arm. Hinalikan niya ang noo ko at tahimik akong nilapit sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...