5

131 4 0
                                    

Chapter 5: Smile









Para akong kinapos ng hininga. Halos tumiklop ako nang hinaplos ni Riyuu ang aking buhok. Bahagya akong lumayo. I feel like my face is going to explode. Hindi ko magawang i-relax ang mga balikat ko.





Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Binaba ni Riyuu ang kamay niya 'tsaka sinilip ang mukha ko dahilan nang tuluyan kong pagtalikod mula sa kanya.





"Pfftt... cute," narinig kong bulong niya. "I need to go. Thank you for making me smile today, Dinnese." dugtong niya.





The next thing I knew, wala na siya sa aking likod. Bumuntonghininga ako. Moments later, wala sa sarili akong napangiti. Hinaplos ko rin ang aking buhok kagaya ng ginawa ni Riyuu kanina.




He called my name. That's the first.



I smiled.





As the pages of my life flipped through, the Christmas breeze passed quickly. After the long break of Yuletide, binati kami ng ulan sa unang araw ng bagong taon.




Nakaupo ako sa sariling kama at kinukulayan ang princess theme coloring book na bigay sa akin ni Daddy noong New Year's Eve. Malapit ko nang matapos kulayan ang whole book. I really love coloring. I love how crayons can make a paper be colorful and more vibrant.





"What?! Jiho! Are you crazy?!"




Inangat ko ang aking ulo nang marinig ang nababahag na asik ni Mommy sa labas. Kusang huminto ang kamay ko sa pagpapahid ng crayons sa papel. Nagtaka ako kaya't tumayo ako at sumilip sa pinto ng kuwarto ko. I know it's bad to eavesdrop but curiosity kills the cat. Minsan ko lang kasi marinig kung mag-away ang magulang ko. Hindi rin sila lumalabas ng kanilang room everytime na may pinagtatalunan sila. Iniiwasan nilang marinig ko sila ngunit ngayon, tila hindi na kayang kumalma ni Mommy based on her frustrated voice.




Sa maliit na siwang sa pinto, I saw my mother yelling at Daddy in the living room. Magkaharap silang dalawa habang patuloy na hinihiyawan ni Mommy si Daddy.




"You purchased a fake company sa halagang 200,000 dollars and it turns out na valuation fraud pala 'yon?! My gosh, Jiho! Sampung million ang sinayang mo! Nag-iisip ka ba? Alam mo namang unti-unti nang tumatalikod ang limang investors sa ating kumpanya!"





"Don't shout at me! I was deceived, Divina! I recieved a fax from a business broker offering to find a buyer interested in purchasing their company. They even send someone out to give me a proposal; convincing me to take a large down payment for the valuation! Kinuha ko na dahil alanganin na ang sitwasyon ng kumpanya natin! And it was also recommended by that one friend of mine!"





"Sino? Who's that fucking friend of yours?  Naniwala ka naman sa kanya? Ooh, Stupido! Dalawang dekada ka nang namamahala riyan sa negosyo mo, then you're magpapaloko lang sa gan'yan? Nasaan ang katalinuhan mo? Bakit hinayaan mong mauwi sa wala ang ilang taong paghihirap mo?!"





Natahimik si Daddy. Hindi ko man maintindihan ang pinag-aawayan nila pero may ideya ako kung bakit nangangalaiti sa galit si Mommy. It means, naloko si Daddy sa isang Scammer. Our family business is in bankruptcy because of what my father did.





"God, Jiho! Nangutang ka pa sa banko para bilhin ang punyetang pekeng kumpanya na 'yan! Now that your money has been stolen, anong sunod na katangahan ang aaksyunan mo?! Magpapakamatay?! Hala, sige! Bahala ka sa buhay mo! Lalayas ako rito, iiwan ka namin ng anak mo! Harapan mo mag-isa 'yang utang mo sa banko!" Mommy spat.





Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon