Chapter 20: Leader
Pagkatapos naming kumain ni Riyuu, sinabay niya ako sa kanyang kotse. Tahimik ako habang tinitext si Yuahn.
From: Yuahn
Beh, late ka na. Akala ko ba papasok ka?
Nagtipa ako at suminghot. I softly touched my runny nose. Nagsisisi ako bakit ako umiyak. Sinipon tuloy ako.
Ninakawan ko ng tingin si Riyuu na seryosong nagmamaneho. I sighed and pull some tissues in my bag, drying the end of my nose using those.
Nevertheless, it doesn't matter . I was just touched by his words. 'Yon lang naman ang gusto kong marinig sa mga taong nakapalibot sa akin. But I didn't predicted that it would be Riyuu. Sa lahat ng pwedeng magpaluwag sa tinatago kong inggit sa katawan, si Riyuu pa ang humakot ng lahat ng iyon para gumaan ang aking pakiramdam, gamit lamang ng kanyang mga salita.
To: Yuahn
Going na. Bakit ka ba nagmamadali? Hindi naman tayo workmates.
From: Yuahn
Pilosopa! Akala ko hindi ka papasok. Baka kasi napagod ka last night.
To: Yuahn
Bakit naman ako mapapagod last night, aber?
From: Yuahn
Malay ko kung anong ginawa niyo ng asawa mo last night. *smirking emoji*
Napasinghap ako sa reply niya. Ang dumi ng utak ng baklang 'to! Kukurutin ko talaga siya sa tagiliran kapag nagkita kami.
"Texting your friend?" tanong ni Riyuu.
I glanced at him and nodded. Binalik ko ang aking tingin sa phone ko. I don't want to interact with him as much as possible. Nakakanipis ng mukha ang inarte ko kanina habang kumakain kami ng almusal. Who the hell would cry while eating? I'm too embarrassing!
Nang makarating kami sa kumpanya, ako ang unang pumasok sa loob ng gusali dahil ayaw ko siyang makasabay at ayaw ko ring makahalata ang ibang impleyado na may namamagitan sa amin ni Riyuu.
My colleagues under my department was amaze when they saw me. Binati nila ako at niyakap ako ni Ruby.
"Dinnese! Isang linggo kang nawala! Saan ka nanggaling?" bati na tanong ni Giselle.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong ipapalusot ko sa kanila. Paano ko sasabihin na binugbog ako ng gunggong na lalaki at nagpakasal sa CEO namin? It will blow their heads away.
"U-Uh..." how can I get through this?
Habang tumutuka ng kasinungalingang itatapon sa kanila, napatingin ako kila Jiro, Ruby at Giselle. Nagkukumpulan sila sa aking gilid na tila mga reporters na hinihintay ang aking sumbong. Except for Henry and Marietta who's sitting in their cubicle but secretly waiting for my answer.
"Paupuin niyo kaya muna si Miss Zelestaire?" mungkahi ni Henry.
"Ayy! Oo nga! Upo ka muna, Dinnese!" maligayang sabi ni Ruby.
Umupo ako sa aking lamesa ngunit nanatili ang mata nila sa akin. Nakakailang. Don’t they sense that I'm uncomfortable with their intrigue?
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...