25

105 3 0
                                    

Chapter 25: Lunch










Hinatid ko si Marietta sa coffee shop kagaya ng bilin ni Jiro. Pinag-usap ko sila at naghintay ako sa labas upang tawagan si Ruby through the phone. Apparently, they are waiting in a restaurant near the company building.





Nilingon ko ang coffee shop sa aking likod. Hindi pa nagsasampung minuto simula no'ng iniwan ko si Jiro at Marietta sa loob. Sana maayos nila ang gusot na gumagapos sa kanila. Nasasaktan na nila ang isa't isa nang hindi nila nalalaman. And I'm rooting for the positive outcome after this.




Tumunog ang ring tone ng cellphone ko. May tumatawag. Sinagot ko iyon nang mabasa ang pangalan ni Riyuu sa caller ID. Guilt thundered inside my chest as I bit my lower lip.




"Hello?" bati ko ngunit biglang may bumunggo mula sa aking likod at nabitawan ko ang aking cellphone.




"Sorry, Miss..." sabi ng lalaking naka-hoodie sabay pinulot ang phone ko na tumilapon sa magaspang na kalsada.




Nakayuko niyang inabot sa akin ang cellphone ko. Tahimik akong napasinghap nang masaksihan ang gumapang na bitak sa screen. Sinubukan kong buksan ang power pero hindi na ito gumagana. Napalakas yata ang pagbagsak ng kawawa kong cellphone.





Humingi ulit ng paumanhin ang lalaking nakabunggo sa akin bago siya sumibat. Nawalan ako ng pagkakataon upang silipin ang mukha niya sa ilalim ng kanyang hoodie dahil mabilis itong tumalikod.




"Dinnese!" a high pitched voice approached me owned by Yuahn.




Ngumiti ako sa kanya at kumaway. We kissed each others cheeks when he noticed my phone.





"Omo? Ano bang kinagagalit mo at sa cellphone mo binuntong? At bakit ka nag-turtleneck? Ang init init..." tanong niya, natawa sa itsura ng screen ng cellphone ko at sa aking suot.





I shrugged my shoulders and rolled my eyes. Napakamapag-usisa talaga niya!




"Anyway, kumain ka na? Kamusta ang pagiging asawa natin?"




"Kakain pa lang and I'm fine. How about you?"




"Same. Papunta na 'ko sa lunch meeting with my client but I saw you here." nagtaas baba ang kilay niya sa akin. "Ang alam ko top 3 board passer si Engineer Takeo. So, ano? Pangilang top ang haba ng alaga niya?" malisosyo niyang bulong.




Nanlaki ang mata ko sa kanya at nasapo ang bibig ko. "Yuahn!"




"Aysus, ilang araw na kayong mag-asawa na nakatira sa iisang bubong. Imposibleng wala pang nangyayari sa inyo,"




"Hindi sa gano'n-"




Tumili siya. "Meron ngang nangyari?! Hala!"




Umiling ako sa kanya. "Yuahn,"



"Ano? Pangilang top?"




Nagmasid ako sa paligid bago ngumuso sa aking kaibigan. "Top 1?" bulong ko.




Namilog ang porma ng bibig niya habang mahinang tinutulak ang balikat ko. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa tumitirik na mata ni Yuahn dahil sa kilig.




"Naiimagine ko si Engineer na hubad sa harap ko! Ang matcho!"




"Yuahn, calm down," I whispered.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon