16

108 4 0
                                    

Chapter 16: Love








Patuloy akong kinaladkad ni Austin ngunit sa kabila ng panlalambot, patuloy rin akong nagsusumikap na makawala sa panghihigit niya. Napuno ng hiyawan at sigawan namin ang tahimik na car park. Ang nakakapagtaka lang... bakit walang nakakarinig sa akin mula sa labas ng gusali. Kulang na lamang mapigtas ang litil ng aking bunganga sa paghingi ng tulong.





I tried to kick Austin but I couldn't reach him because he was pulling my hair. Naubos ko na ring sugatan ang mga braso niya gamit ng aking mga kuko. But fuck this asshole, hindi siya naaapektuhan.





"Bitawan mo ako, gago!" I screamed at the top of my lungs.





"Your wish is my command, bitch!"




He pushed me with all his might causing myself to fall on the floor and hit my head on the cement wall. Agad kong naramdaman ang mainit na likidong dumaloy pababa mula sa aking noo. Nang hawakan ko ang mahapding parte ng aking ulo, halos mahimatay ako sa dugong nakapa ko.





Nag-angat ako ng tingin kay Austin, nanginginig ang buong katawan at hindi makahinga nang maayos. Nanlalabo na ang aking paningin subalit hindi iyon naging dahilan para hindi ko makita ang madilim na mukha ni Austin.





As he walked towards me, he pulled out his handgun that was tucked at the back of his pants. Dumoble pa ang pangamba na kumakalat sa aking damdamin at hindi ko alam kung paano pa mabubuhay nang matagal gayong kaharap ko na mismo ang taong tatapos ng buhay ko.





I tightly close my eyes when Austin kneels in front of me.




"Mahal kita, Dinnese..." he whispered.




He grabbed my face, grimly squeezing it. I gasped and opened my eyes when I felt the cold muzzle of the gun on my temple. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Austin. He glared at me when he notice how frightened I am.




"Mahal na mahal kita, Dinnese. I will do everything to have you no matter what. Papakasalan kita, magiging asawa kita balang-araw..." pinadausdos niya ang nguso ng kanyang baril sa aking pisngi.




"You s-sound like an obsessed jerk." namamaos kong wika.




"Obsessed? Yes, I am. But I'm more than a jerk, sweetie." dumakwang siya palapit sa akin at hahalikan sana ang aking panga ngunit napahinto siya nang magsalita ako.




"H-Hinding hindi kita papakasalan pero ipapakulong, oo."





"Oh, Dinnese. You will never throw me in jail. Don't you remember? Isang dakilang lawyer ang ama ko at kahit anong kaso malulusutan niya. Kapag nauwi tayo sa korte, siya ang magiging attorney ko. He'll save me, reverse the card... at ikaw mismo ang makukulong. Interesting, isn't it?"




Binitawan niya ang mukha ko at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin pero hindi pa rin ako makahinga ng maayos.




"Wala ka nang takas sa akin, Dinnese. Akin at akin ka lang."




Muli niyang nilagay ang kanyang baril sa sa likod nito.




"You only have two choices: magpapakasal tayo o makukulong ka..." he smirked.




Magpapakamatay na lang ako kaysa maikasal sa isang hibang.




"Babalikan kita sa sa susunod na linggo. Magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan pati sa ina mong walang kwenta dahil kukunin kita at ibabahay. Bumili ka rin ng damit na susuotin mo sa araw ng ating kasal. See you, sweetheart." bilin niya pa bago umalis, iniwan akong lupaypay at tulala.





Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon