Chapter 27: Club
"Wow, folding phone! Bagong bili?" si Yuahn, isang araw nang inimbita niya akong kumain sa condo namin... na condo na niya ngayon.
Pinaglaruan nito ang cellphone ko na padala rin ni Mommy no'ng nabalitaan niyang nasira ang akin. Riyuu called her last week, the reason why she bought me a silver coupe car and a folding phone. But because Riyuu dropped me here using his own car, hindi ko naipakita kay Yuahn ang bagong sasakyan ko.
"Yeah..."
"'Di ba opening din ng new branches ng resort niyo sa Cebu, Siargao, Palawan at Batanes? Kaya pala may sariling kotse ka na. Taray,"
Humilig ako sa sofa at tumango sa kanya.
"It is because of Mommy's hardwork and Riyuu's company. Simula kasi no'ng naging asawa ko si Riyuu, tumutulong din siya sa pagpapalawak ng resort namin,"
"Bongga ni Engineer! May kapatid ba siyang lalaki? Reto mo sa 'kin!"
"Meron... two years younger sa 'yo,"
"Ay! May Facebook ba?"
"'Di ko alam,"
"Gaga, paano natin malalaman kung single?"
"Hindi ka naman papatulan no'n..." I rolled my eyes as I opened a bag of potato chips.
Binalibag niya sa akin ang throw pillow sa sofa.
"Kill joy mo, ha. Porke't papakasalan ka ulit ng engineer mo sa Simbahan, nagmamaganda ka na?"
Ngumuso ako sa kanya at hindi siya inimik. Natawa siya.
Buong araw akong tumambay sa condo. Sumapit ang gabi, wala pa rin sana akong balak umuwi ngunit sinundo ako ni Riyuu sa kalagitnaan nang paghahapunan namin ni Yuahn. Sa huli, tumabi siya sa akin sa hapag at nakikain din.
"Engineer, kumakalat ang tsimis sa department namin na kayo raw ni Ms. Nandini. Syempre, hindi ako naniwala kasi kaibigan ko ang asawa mo pero totoo po ba?" pinanlakihan ko ng mata si Yuahn na nakaupo sa harap namin.
Pambihirang bakla 'to. Sa lahat ng pwedeng itanong, 'yon pa? Kumakain kami, e!
Umiling si Riyuu at naramdaman ko ang pagdapo ng palad niya sa hita ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang umiling ito.
"Ms. Nandini's dad was my father's friend. Walang namamagitan sa amin."
"Sorry, Engineer, sa tanong na 'yon. Naiintriga lang ako,"
Naiintriga o tsumitsimis?
"Scratch the honorifics in times like this. You can feel comfortable and call me by my name," ani Riyuu.
"Ay! Ayaw ko, Engineer! Ayaw kong tawagin sa pangalan niya ang taong nagpapasuweldo sa akin. Nakakahiya." arte ni Yuahn sabay wasiwas sa ere ang mga kamay.
"Your sallary is exchange for contributing services on my company. Kayo ang nagpapasuweldo sa sarili niyo, hindi ako,"
"Sige na nga, Engineer. Pinipilit mo 'ko! Ano... dahil ayaw kitang tawagin sa pangalan mo at ayaw mo ring tinatawag ka bilang Engineer. Mr. Takeo na lang ang itatawag ko sa 'yo mula ngayon." napangiti si Yuahn. "Isn't that semi-formal to you, Mr. Takeo? Hindi tunog bastos pero parang magkumpare,"
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...