Chapter 3: Crush
Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang awa ko kay Riyuu. Honestly, he looks lonely. Birthday niya then walang party? Walang cake? Walang party bags? Walang handa? Walang gifts? Kung ako ang may birthday, hindi talaga ako papayag na hindi i-celebrate ang kaarawan ko. Magtatampo ako kay Mommy at Daddy. Sino ba namang bata ang tatanggi sa birthday party? Syempre, none.
Maiba lang 'to si Riyuu. Siya 'yong tipong bata na ayaw i-acknowledge ang kaarawan niya. Parang normal lang sa kanya ang araw kung kailan siya pinanganak. Ayaw nga niyang ipagkalat na birthday niya ngayon. Ang boring naman. Hindi yata siya nausuhan ng birthday party?
Or maybe... hindi talaga sinicelebrate ng mga Japanese ang birthday nila? I don't know. He's weird. At least, binati ko siya kanina at binigyan pa ng regalo. Ang suwerte niya, 'di ba?
Siya ang kauna-unahang lalaki na binigyan ko ng gift. Kahit si Daddy nga, hindi ako nag e-effort na bilhan siya ng regalo kasi siya ang madalas na nagbibigay sa akin. Hindi rin naman nag dedemand ng gift si Daddy every birthday niya. Sapat na raw ako being her one and only daughter in the house.
Simula no'ng binati ko si Riyuu ng happy birthday, hindi na ako nagtangkang kausapin pa siya. Kahit sa campfire, napapansin ko ang pagsulyap niya sa akin. Nahihiya ako kaya't binabalewala ko na lang siya. Kuntento na akong makita na hindi niya tinatanggal ang regalo kong bracelet sa braso nito. Dapat lang, 'no.
"Dinnese, tabi tayo!" si Honey.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Wala ka bang dalang tent?" I asked.
Pumasok kami sa aking tent. It's our free time. Isang oras na lang ang natitita bago ideklara ang lights out. Tapos na akong maglinis ng katawan at nakapambihis na rin ng pajamas. Kagagaling lang namin sa quadrangle sapagkat doon kami kumain ng dinner kanina.
"I have one pero hindi ko na dinala. I want to share with you,"
Inayos ko ang manipis na bedsheet at nilatag sa sahig mg tent. Tinulungan ako ni Honey habang yakap ang kanyang unan at kumot.
"Matutulog ka na ba?"
"Oo..." sagot ko.
"Hindi ka ba sasama sa amin sa quadrangle? Manunuod kami ro'n ng zombie movie. Kasama ko ang iba pang boy scouts,"
"Hindi na. Kayo na lang," tanggi ko sabay humiga na.
Hindi ako magpupuyat para lang manuod ng pelikula tungkol sa zombies. Maaga kami gigisingin bukas.
"KJ mo, pero kung magbabago ang isip mo, hanapin mo lang ako." tugon niya.
"Okay,"
Nang makaalis siya, kalauna'y nakatulog na ako. Madali akong dapuan ng antok dahil palagi akong natutulog before 8 PM. Kinabukasan, I woke up with the shallow dark in my tent. Honey was beside me, quietly sleeping. Hindi ko siya naabutang bumalik kagabi. Tagal niya sigurong natulog.
I comb my hair using my fingers as I stepped outside the tent.
Tumingala ako sa kagandahan ng hating gabi at pinakiramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Breathes in, breathed out.
Malayang nakakapagbibigay ng ilaw ang full moon sa gitna ng mga bituing kumikislap sa kalangitan. Napanganga ako. I didn't experienced wake up this early and watch the awful midnight heavens above. Ang ganda pala! I thought walang makakapantay sa tanawin ng paglubog ng araw, but this scenery proves me wrong.
BINABASA MO ANG
Querencia (Takeo Brothers Series #1)
RomanceIt started in her elementary phase when she fell in love with a Japanese boy named Riyuji Takeo. Kagaya ng mga nakikita sa pelikula, naririnig sa radyo at nababasa sa isang nobela tungkol sa pag-ibig, minahal at hinangaan niya ito nang patago. She w...