9

123 4 0
                                    

Chapter 9: Resembles









"Ladies and gentlemen, JAL JAPAN AIR welcomes you to Tokyo, Japan. The local time is 7:32 PM."





Ininat ko ang aking mga siko nang marinig ang anunsyo mula sa speakers. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. Grabe, nanakit ang likod ko. Gusto ko nang humiga sa kompurtableng kama. Hindi ko akalaing aabot ng apat na oras ang flight patungong Japan.




Humikab ako, pilit na nilalabanan ang antok.




Lumipas ang sampung minuto bago kami nakababa ng eroplano ni Mommy. Nanuyo ang lalamunan ko kung kaya't nanghingi ako ng pera sa aking Ina upang makabili sana ng maiinom pero sa kasamaang palad, hindi pa nagpapa-exchange curency si Mommy ng Peso bill to Yen which is perang ginagamit dito sa Japan. Napailing ako.





"Si Mommy hindi girl scout," bulong ko.




"Mamaya na lang, hija. Roon na lang sa bahay na tutuluyan natin, I'm sure maraming tubig na maiinom doon." ani Mommy at hinila na ako palabas ng Airport.




"May sundo po ba tayo?" tanong ko.




Ang bigat ng talukap ko, parang anytime bibigay na ang katawan ko. Dumagdag pa 'tong dalawang bagahe na aking dala.




"Yes, we have——oh! There he is!"




Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking tinakbuhan ni Mommy. Napa face palm ako mentally nang mahigpit niyang itong niyakap. Pilit namang kumakawala ang lalaki at mukhang uncomfortable sa biglaang paggapos ni Mommy sa kanya.




If I'm not mistaken, this guy seems to be a few years younger than me. He has a clean cut kind-of-hair, perfect jawline, tall, paper white skin and I won't deny that he's also good-looking. I think he's a Japanese boy.




Siya ba ang sundo namin?




I approach them as  I quickly ran my fingers through my hair trying to make myself look a little more presentable. I hope he doesn't notice how tired I am.




"Mommy, sino siya?"




Kumalas si Mommy sa pagkakayakap sa lalaki subalit kumapit ito sa bisig niya. Naiilang na yumuko ang lalaki sa akin at pilit na ngumiti.




"Dinnese, meet the youngest son of my business partner, Koby."




Muling nagbigay galang si Koby sa akin.




"Koby, this is Dinnese, my one and only daughter," pakilala ni Mommy.




Nagtagal ang nakakailang na hangin sa pagitan namin. Habang nanatiling nakadikit si Mommy na parang linta kay Koby, pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata.




Mommy, what are you doing?!




"Uhm, Koby, are you here to fetch us?" I asked.




"Y-Yeah... they are already w-waiting for you," nahimigan ko ang hiya sa boses niya.




Tinitigan ko si Koby. May naalala akong kamukha niya pero agad ko namang iniling. It's not the right time to think of him. Bakit ba ako nababagabag sa kanya? I'm on vacation. I should distract myself from thinking of that guy who stole my concentration this past few days.





Sa byahe, nakaupo ako sa back seat, habang si Mommy ay sa shotgun seat katabi ang nagmamanehong si Koby. Pinili kong manahimik at hindi pinakinggan ang mga walang kwentang pinagsasabi ni Mommy. Kahit walang katuturan ang kwento niya, ayaw niya pa ring manahimik.




Querencia (Takeo Brothers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon