Chapter 13

3 0 0
                                    

Chapter 13

Jannah

"Kinakabahan ako" sambit ko kay leandro nasa tapat na kami ng mansyon nila hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

"Andito lang ako ok?" Tumango nalang ako kahit grave na ang kaba na nararamdaman ko ngayon na kase namin sasabihin sa magulang ang kalagayan ko.

"Let's go" bumaba kami ng sasakyan makalipas ang dalawang buwan nakatungtong ulit ako dito kumapit ako sa braso nya pagpasok ng pinto dumiretso kami sa sala.Natanaw ko mula sa malayo na printeng nakaupo ang mag asawang Rodriguez mukhang hinihintay nila kami.

"Hi mom dad" bati ni leandro ng makalapit kami napahigpit ang kapit ko sa braso nya nanginginig ang kamay ko masama ang tingin sakin ni senyora samantalang ngumiti naman ang senyor.

"Ano ba ang sasabihin mo iho?" Simula ni senyor.

"Dad mom jannah is pregnant" deretso nya.

"What!" Sambit ng senyora na nagulat wala namang reaksyon ang asawa nito mukhang hindi pa nakabawi sa pagkakabigla.

"John leandro what did you say?" Si senyora.

"Buntis si jannah mom at ako ang ama"

"Are you kidding!? Ang babata nyo pa!" Napalakas na ang boses nya hindi ko kayang magsalita parang nakaungot ang dila ko.

"Mom! Wag kayong sumigaw alam kong nagulat kayo pero totoo ang lahat she's 2 weeks pregnant at pananagutan ko sya" tumingin sya sakin saka ngumiti.

"Nakakasiguro ka bang sayo ang batang yan?"

"Anong klaseng tanong yan honey malamang kay leandro yan wala ng ibang gusto ang batang yan kundi si jannah" napahagikgik pa ang senyor tila may naalala napatingin ako kay leandro.

"Of course mom sakin ang dinadala nya wala namang iba si jannah kundi ako lang" tumingin ulit sya sakin.

"Naninigurado lang ako,so ano ngayon ang balak nyo?" Tila kumalma na ang senyora.

"Dito na sya titira mom dad para maalagaan at matingnan ko sya palagi maselan pa naman ang paglilihi nya" natawa pa sya sa huling sinabe nya.

"Ok" tanging sagot nya nagtaka ako ni hindi man lang sya kumuntra.

"Talaga? Ano na naman ang pinaglilihi mo iha?" Bumaling ang tingin nya sakin.

"Ubas po" sagot ko natawa sya sa sinabe ko samantalang walang reaksyon ang asawa nito nanibago naman ako.

"Sige na mom dad aalis na kami ni jannah malalate na kami sa klase namin" paalam ni leandro tumayo ang senyor lumapit samin.

"Sige mag iingat kayo lalo kana ihaj"

"Opo" tumalikod na kami ni leandro nakahinga ako ng maluwag.Parang wala lang nangyare parang normal lang ang lahat pero dapat akong maghanda dahil simula sa araw na ito nasa poder na nila ako.

*

Pagkatapos maghapunan umakyat na ako pumasok ako sa kwarto ni leandro samantalang sya nag paiwan sa sala may pag uusapan daw silang mag ama.Naninibago ako ngayon masyadong tahimik si senyora ang asawa naman nito walang sawang makipag usap sakin.Inayos ko ang higaan namin saka ako naglinis ng katawan.

Natapos na ako hindi pa din pumasok si leandro napatingin ako sa mini ref nya humakbang ako papunta ron binuksan ko ito nagulat ako sa laman punong puno ng pagkain at prutas napangiti ako ng makita ang ubas kinuha ko ang mga ito saka inilagay sa plato na nasa ibabaw. Kakain ko palang pero natatakam na naman ako kumuha din ako ng strawberry agad akong sumalampak sa sahig kaharap ng t.v saka nilantakan ang ubas at strawberry. Ang sarap!.

☂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon