Hans' POV
"What do you mean she's gone?! Again?! How could you be so careless?!"-inis kong sermon sa kanya. Iyak sya ng iyak habang hawak ang letter daw na iniwan ni Francinne.
Napapahagulgul lang sya habang nakaupo sa carpet ng apartment nya.
She's gone for almost two days now.
Kakabalik ko lang rin from Australia kase binisita ko ang Lola at lolo ko.
Nakakaawa syang tignan. Grabe. Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng yakap.
"Its OK, man. I'll help you find her."-tumangon-tango naman sya.
"Ayusin mo sarili mo. May pupuntahan tayo."-napabuntong-hininga sya bago sya kumilos.
Tinawagan ko naman si Joe, yung pinagbilhan ko ng necklace. Sumagot naman sya after how many rings.
"Yeah?"-bungad nya saken.
"Turn on the device right now. Call me when you locate where it was."-I told him.
"Copy."-sagot nya then inend-call ko na.
-----------------
France's POV
Nanginginig ako pero sinubukan ko paring magmasid sa paligid. Sinubukan ko ulit na hilain ang mga kamay ko mula sa pagkakatali sa lubid pero wala parin.
Sobrang pawis na pawis na ako at nangangawit na ang legs ko.
Nanghihina parin ako dahil sa tinurok saken na pampatulog.
Napatigil ako sa paggalaw when I heard the door opened. Nanlaki naman ang mata ko the moment I saw Garry na gulat rin upon seeing me.
"Bat nakatali sya?! Get it off of her!"-singhal nya dun sa lalakeng mukhang goon na nagkanda-ugauga sa pagtanggal ng pagkakatali saken.
"Kumain ka na ba?"-tanong nya nung makalapit sya saken. Pinanliitan ko sya ng mata, pano nya nalaman na nandito ako? Isa ba sya sa nagpakidnap saken?
Nilingon nya ang mga alalay nya.
"Get her something to eat."-he commanded, nagsitanguan naman ang mga ito at umalis na.
"Why am I here?"-I finally asked him.
Mataman syang tumitig saken bago umupo sa gilid ng kama na malapit sa kinauupuan kong chair.
Naninibago ako sa aura nya ngayon. Yung tipong magiging clueless ka talaga pag nakipagtitigan ka sa kanya.
"Bat mo ako dinala dito, Garry? What do you want?"-I asked him. Nawiweirdohan narin ako sa sarili ko kase hindi man lang ako kinakabahan. Pero gulat parin ako upon knowing that its him and not Henzo.
"I'm going to be the father of your child."-bigla nyang sabe na ikinawindang ko. Kung hindi ko lang alam na pinakidnap nya ako matatawa na talaga ako.
"What do you mean?"-naguguluhan kong tanong. Napayakap naman ako sa tyan ko.
"I want you to marry me so that you and that child will be mine."-seryoso nyang sabe.
Hindi ko naman madigest-digest ang point nya. I mean, why? Why me?
"You must be very confused right now. But come to think of it. You're an Odalle, who turned out to be the only rightful successor of Jonathan Gil Odalle. You're smoking rich, Francinne! Don't you know that?!"-para syang timang na nakangiti sa kawalan.
Dun na ako natawa, nawala naman ang ngiti nya at napalingon saken.
"I'm not rich, Garry. I'm actually nothing. So stop this nonsense at pakawalan mo na ako. I'm sure Gion will kill you kapag nalaman nyang ikaw ang nagpadukot saken."-sabe ko, napansin ko naman ang pagkataranta nya upon hearing Gion's name.
"I'm not just after your wealth, Francinne. I'm after you. I've been showing you how much I like you for years now pero deadma ka lang. You're too stupid not to notice that. At nagpabuntis ka pa! Stupid. Stupid!"-hindi nya mapalagay na sabe, nginangatngat nya ang kuku nya habang pabalik-balik sa naglakad sa harap ko.
"Have you lost your mind, Garry? It wasn't my fault kung iba ang iniexpect mo sa trato ko sayo. Iuwi mo na ako, hindi na nakakatuwa."-seryoso kong sabe. May mental issues din ba sya? Huminto sya sa harap ko at hinawakan nya ang magkabilaang armrest ng kinauupuan kong chair.
"Its your fault! You made me expect things! And don't you dare tell me to stop! I want to see Gion beg! I want to see him on his knees! I want to know how it feels like to be on top! To be greater than him!"-he yelled at me.
He glared at me. Kinabahan na ako kase alam ko anytime pwede nya akong saktan. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa baby ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa tyan ko at inobserbahan ang bawat kilos nya.
"Sir, the food's here."-his goon interrupted us.
"Leave it there."-utos nya sa goon nya. Sinunod naman nito ang utos ni Garry at nilagay ito sa bedside table, lumingon sya saken pagkalabas ng Goon.
"Eat or starve."-sabe nya bago nya ako iniwan sa kwarto.
I need to think of an escape plan. Kinuha ko ang dinalang food para saken. Mabuti na 'to. Hindi kase ako nakakapag-isip ng maayos kapag walang laman ang tyan ko.
BINABASA MO ANG
☂
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...