Chapter 11 pt. 1
Jannah.
"Ito oh tikman mo"sinubo ko ang isang barbeque sa kanya agad naman nyang kinagat at humalik pa sa labi ko.
"Masarap diba? "
"Yeah" niyakap nya ang bewang ko habang nakatayo ako sa harap nya.
"Wait lang baka masusunog na yung iba" kinalas ko ang braso nya sa bewang.Andito parin kami sa esperanza resort dalawang araw na,tinanggal ko ang mga barbeque saka nilagay sa baunan.Lumapit ako sa kanya na nakahiga na sa upuan na kahoy.
"Inaantok kaba?" Nakapikit kase sya nabigla ako ng bigla syang tumayo.
"Nope Let's go" hinawakan nya ang kamay ko saka lumabas kami ng cottage.
"San tayo pupunta?"
"Ililibot kita sa boung Esperanza" kumindat pa sya napangiti nalang ako tutuparin nya nga ang sinabe nya.
*
"Hey!" Napalingon ako Kay leandro natawa ako sa sayaw nya. Binitawan ko ang hawak ko na sumbrero lumapit ako sa kanya.Nasa may plaza kami tamang tama ang pamamasyal namin may fiestahan.Hinawakan nya ang kamay ko.
"Marunong kang sumayaw?" Tanong nya umiling naman ako hinawakan ng isa nyang kamay ang bewang ko habang magkahawak ang isang kamay namin agad na gumalaw ang katawan ko at ginaya ang galaw nya.Titig na titig kami sa isat isa habang nakangiti tamang tama naman ang malakas na tugtug sa steps namin.
"Ang ganda mo" biglang nag init ang pisngi ko sa sinabe nya hindi nawala ang ngiti nya.
"Namumula kana hahaha!"
"Ikaw kase ehhh!" Hinampas ko ang balikat nya.
"Pero totoo yun ang ganda mo" lalong lumapad ang ngiti nya hindi ko alam pero bigla ko nalang syang hinalikan halatang nagulat sya saktong paghiwalay ng labi namin tumigil ang tutug.Napatingin kami sa paligid nakapaikot sa amin ang mga Tao na nakangiti halatang pinapanoud kami nagpalakpakan pa sila nagkatinginan kami ni leandro at sabay na natawa.
"Whooooaaa! Ang lamig!" Sambit ko ng lumusong sa tubig dagat umulit pa ako sa paglangoy hanggang sa makarating sa malalim.
"Leandro!" Tawag ko asan na naman ba yun? Nakasunod lang yun kanina ahh? Nagtungo ako sa dalampasigan.
"Leandro?" Walang sumagot asan na yun?
"Hey!" Natanaw ko syang may dala dala tela lumapit sya sakin inakbayan nya ako.
"Naligo kana agad?" Pinagmasdan nya pa ako.
"Ang tagal mo kase"
"Dito tayo" nilatag nya ang dala nyang tela sa malapad na bato napatingala ako sa bilog at maliwanag na buwan pagkatapos ay sa malawak na dagat.Ang ganda!.
*
Hinawakan nya ang kamay ko saka pinaupo nilabas nya ang cellphone nya tinutok nya ito sakin.
"Hoy ano kaba!" Saway ko ngumiti lang sya umupo sya sa may likod ko.
"Hawakan mo magselfie tayo" kinuha ko ang cellphone nya niyakap nya ako patalikod hinanda ko ang camera.
"1,2,3 smile" sunod ang pagkuha ko ng litrato natatawa nalang kami pagkatapos.Niyakap nya ako ng boung higpit.
"Ambilis ng panahon noh? Happy first monthsarry" bulong nya.nanlaki ang mata ko sa sinabe nya monthsarry pala namin ngayon? Hindi ko naalala.
"So-sorry hindi ko naalala"pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
☂
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...