Chapter 23

3 0 0
                                    

Chapter 23

Jannah

"Kainis!" Sambit ko pinatay ko ang laptop na nasa harap ko hindi ako maka pag concentrate sa ginagawa ko kailangan ko pa naman tong tapusin niligpit ko ang mga papel na nagkalat sa mesa ko kailangan ko sigurong umalis ng opisina ilang linggo na akong nakakulong nalang palage dito simula ng bumalik kami.Tumingin ako sa salamin nagpahid ako ng kaunting lipstick bago lumabas mamasyal na muna siguro ako baka mabawasan ang mga bagay bagay na naiisip ko.

"Aalis na muna ako kayo na bahala dito" bilin ko sa dalawa kong tauhan.

"Sige po ate" paglabas ko ng flower shop ko agad na akong sumakay sa kotse dinial ko ang number ni miya pero nakasarado eto yayain ko sana syang maglibot sa mall pero mukhang busy ata ako nalang muna siguro.

Nakaupo sa isang bench nakatitig lang ako sa fountain kanina pa ako dito hapon na at kailangan ko ng umuwi pero parang ayoko pa parang gusto ko nalang panourin magdamag ang fountain napabuntunghininga ako,wala man lang akong makausap at makasama naisip ko bigla si leandro para tuloy nakaramdam ako ng kahungkagan simula ng bumalik kami hindi ko na sya nakita,naalala ko bigla kung gaano sya nasaktan sa ginawa ko gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero paano? Baka hindi na ulit kami magkita sa isiping yun parang may mumuting karayom ang tumutusok sa dibdib ko.Hindi ko pinansin ang taong tumabi sa kinauupuan ko nanatili parin akong nakatitig sa fountain.

"Hi" napatingin ako sa Taong nakatingin sakin nanlaki ang mata ko ng makilala sya kanina lang iniisip ko na baka hindi ko na sya makita pero ngayon nasa harap ko na sya nakangiti na nakatingin sakin.

"L-leandro" sambit ko sinalakay na ako ng kaba tumingin sya sa fountain

"Mag isa ka lang ba? Yayain sana kitang kumain" nanibago ako bigla sa kanya wala akong madamang galit na mula sa kanya mahinahon ang pananalita nya pati ang pag ngiti nya napakaaliwalas.

"Ha? Aah-"

"Ok lang kung tatanggihan mo"

"No. I mean ako lang talaga Mag isa" sagot ko ngumiti sya saka tumayo nagkamot ito ng batok parang nahihiya.

"Tara kanina pa kase ako nagugutom" tumayo ako saka sabay kaming naglakad papasok sa isang malapit na restaurant tiningnan ko sya sa gilid ng mata ko nakapulsa ang dalawa nyang kamay habang nakatutok sa dinadaanan namin ang mata, bat parang ang bait nya ngayon? Si leandro ba talaga to?

*

Halos araw araw ko na syang nakakasama minsan naman pumupunta sya sa flower shop ko nagdadala ng pagkain,hatid sundo nya pa ako minsan sa apartment hanggang ngayon naninibago ako sa kinikilos nya hindi ko alam kung ano ang nasa isip wala naman syang sinasabe o binabanggit man lang.Narinig ko ang pagbusina ng kotse sa labas ng apartment ko nakabihis na ako at hinihintay nag aya na naman kase syang mamasyal kahit na ayaw ko pumayag parin ang gulo ko! Dapat umiwas ako sa kanya pero hindi ko magawa,narinig ko ang pagkatok nya sa pinto huminga ako ng malalim saka sya pinagbuksan bumungad agad ang napakagwapo nyang mukha bumilis bigla tibok ng puso ko.

"Hi good morning ready?" Ngumiti ako saka tumango sinara ko ang pinto inalalayan nya akong maglakad ramdam ko ang init ng kamay na nakahawak sa siko ko,binuksan nya ang kotse hinintay na makapasok ako saka sya nagtungo sa kabila at sumakay na rin feeling ko isa akong mamahaling dyamante nya na takot magasgasan o di kaya ay mabasag nilingon ko sya nakangiti sya habang nagmamaneho.Ano ba talaga ang nasa isip nya? Bat nya to ginagawa?hindi ba dapat galit sya sakin dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya?Napaigtad ako ng magring ang cellphone ko tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag kinabahan ako si Joseph tumingin ako sa kanya nakatingin sya sa cellphone ko.

"Ok lang sagutin mo" nawala ang ngiti nya saka seryosong nakatingin sa kalsada sinagot ko ang tawag.

"Hello babe!" Masiglang bati ni Joseph naiilang ako para tuloy gusto kong patayin ang tawag.

☂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon