Chapter 14

4 0 0
                                    

Chapter 14

Jannah

"Leandro ang sarap sarap naman ng mga to" kumagat ako ng mangga sa sinawsaw sa bagoong ang dami nyang dala ngayon karadating lang nya hindi ko alam kung saan sya galing maaga syang umalis kanina.

"Akin ba lahat ng to?ang dami nitong mangga ang lalaki pa!" Bulaslas ko tumingin ako sa kanya napakunot ang noo ko nakangiti lang sya habang nakatingin sakin sumandig pa sya sa upuan at nagcross arm.

"Bakit?"

"Wala hahaha oo sayo lahat ng yan" ngumiti ako at nilantakan ang mangga na nasa harap ko lage nalang akong kumakain para akong walang kabusugan ganito ba talaga pag buntis?.

"Ang dami din ng ubas mukhang fresh pa!" Kumuha ako ng isa ang tamis.Nagpatuloy ako sa pagkain habang sya pinapanoud lang ako.

Hindi lahat ng araw laging masaya kapag wala si leandro bumubwelta si senyora kung ano ano ang inuutos sinusunod dahil ayoko ko syang makasagutan.Katulad ngayon inutusan nya akong kuhaan sya ng juice kanina pa sya utos ng utos medyo napapagod na din ako si leandro naman kasama ulit ang daddy nya nagtratraining na pala sya kompanya nila.Nasa may hagdan na ako nang maramdaman ko ang pananakit ng tyan ko.

"Baby masakit" kausap ko hinawakan ko ang tyan.

"Baby nasasaktan na si mommy" nabitawan ko ang baso nagkalat ito sa sahig napatingin ako sa lumabas sa pinto si senyora galit na galit nang makita ang nagkalat na basag na baso.

"Ano bang katangahan yan jannah! Binabasag mo ang gamit ko! " sigaw nya ininda ko ang sakit ng tyan ko.

"Pa-pasensya na po"

"Ikaw na babae ka! Nakikitira kana nga lang sa pamamahay ko naninira kapa!" Napapikit na ako sa sakit kumapit ako sa sofa.

"Senyora liligpitin ko na lang ho" si manang minda na agad na lumapit samin tumingin sya sakin.

"Manang" sambit ko.

"Jannah iha namumutla ka?" Hindi na ako makasagot sa sobrang sakit at panghihina.

"Diyos ko jannah!" Sigaw bago ako tuluyang nahimatay.

*

I told you na wag mong hayaang magtrabaho si jannah!" Minulat ko ang mata nakita ko si leandro na mukhang pinapagalitan si manang.

"Pasensya na po sir"

"You're fired"

"Leandro no" pareho silang napatingin sakin agad syang lumapit.

"Jannah hon are you ok? May masakit ba sayo o nahihilo ka? Tatawag ako ng doktor" hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya umupo ako sa kama.

"Walang kasalanan si manang wag mo syang tanggalin" tumingin sya sakin hinaplos ang buhok ko.

"Pero-"

"Nagkusa ako kaya wala syang kasalanan"tumingin ako kay manang saka tumango ayokong sabihin ang totoo at baka may away pa silang mag ina dahil sakin.

"OK manang pwedeng ka nang umuwi ako na magbabantay sa kanya"

"Salamat ho aalis na ako" pagkasara ng pinto niyakap nya ako ng mahigpit.

"Tinakot mo ko akala ko kung ano na nangyare" tahimik lang ako nahimas ko ang maliit ko pang tyan.

"Wag kang masyadong magpagod hon medyo mahina daw ang kapit ni baby" tumango lang ako hindi naman talaga ako nagpapagod ang nanay mo lang talaga mahilig mang utos.Naramdaman ko ang halik nya sa noo ko.

"Dumalaw sila nanay Linda kanina habang tulog kapa pero agad naman silang umalis wala daw magbabantay kay tatay" nanatili lang akong tahimik na napansin naman nya.

☂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon