Chapter 9

6 0 0
                                    

Francine's POV

I woke up with a headache. Napahaplos naman ako sa braso ko nung naramdaman kong nilalamig ako. Napabalikwas ako ng upo nung napansin kong nakaundies lang ako, dahilan para umikot ang paningin ko kaya bumagsak ako pahiga ulit.

Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko. Wala namang ibang masakit maliban sa ulo at waist ko which has grip marks on it.

Nothing happened. Napabuntong-hininga naman ako. God! What did I do this time.

Sinuot ko ang shirt nya na nakapatong sa unan nya. Sobrang laki ng shirt nya, it ended just inches above my knees.

Inayos ko naman ang buhok ko into a messy bun, inayos ko muna ang kama nya bago ako lumabas.

"The first game will be next wee---"-napahinto si Fred sa pagsasalita at lahat ng mga kasama nya sa sala ay napalingon saken.

Lahat sila nanlaki ang mga mata.

Napabalik ako agad sa kwarto ni Gion.

God! Napasabunot ako sa buhok ko.

Napaupo nalang ako sa gilid ng pintuan.

Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila!!!

Makaraan ang ilang minuto, kumatok sya sa pinto.

"You can come out now, but wear something descent."-rinig kong sabi nya.

"Nanjan pa ba sila?"-tanong ko.

"Wala na. Pinaalis ko na. Lumabas ka na para makapaglunch ka na."-sabe nya.

Lunch? Anong oras na ba?

"OK."-I said then nagbihis na ako after kong maligo.

Anghapdi talaga nung grip marks sa waist ko. Tiniis ko nalang.

Pagkalabas ko ng room nya, pumunta agad ako sa kitchen and looked for him.

Naabutan ko syang nilalabas ang pizza sa oven.

Napalingon naman sya nung napansin nya ako. Nakaboxers at white shirt lang sya.

Sya yung lalaking nakakainsecure tignan. Sobrang tangos ng ilong nya, his lips are thin and reddish, may kakapalan din ang kilay nya na sobrang nakakagwapo tignan kase maputi sya, his eyes are brown na sobrang nakakaattract lalo na ang long eyelashes nya, sobrang kinis din ng face nya, masmakinis pa ata sa aken. He has a midium body built, very tall and masculine.

A perfect guy, they say. A guy with a green mind, I may add.

"Are you done checking me out?"-napabalik naman ako sa reyalidad.

And he's so mahangin, of course.

Napatawa nalang ako.

Naupo naman ako sa dining table and he served me two slices of pizza. Naupo sya in front of me at kumain narin.

"About what happened awhile ago, sinabe ko na I'm sharing my apartment with you. And sinabihan ko narin sila na hindi ito pwedeng ipagsabe. Don't worry about them, they know when to shut their mouths."-sabe nya sabay subo ng pizza na hawak nya.

Tinanguan ko naman sya.

God, I can't look at him straight in his eyes.

Tumikhim ako bago ako magsalita habang nakatingin sa plate ko.

"Ahhhm... About what happened last night, ---"-napatigil ako when he cut me off.

"Yeah, about that. You have to take responsibility of what you did. Ayokong lumaki ng walang ina 'tong baby sa tyan ko."-seryoso nyang sabe.

Napatawa naman ako ng sobrang lakas dahil sa sinabi nya.

Nahimasmasan na ako't lahat, straight faced parin sya.

"Don't make fun of what I've said. Tatawanan mo lang ako pagkatapos mo akong halayin?!"-he said with his exaggerated girly gestures. Napatawa ako ulit.

"Gion, haha. Stop it. Seryoso, about last night. I'm sorry, and thank you narin kase, you know, nagawa mo paring magpigil."-sabe ko.

Ngumiti naman sya at tumikhim.

"Ayoko namang mangyare yun tapos wala kang maalala. And I don't want you to regret it after. I want you to be happy and willing when, if ever, that will happen."-sabe nya sabay wink. What a charmer.

Pinuno ko naman ng pizza ang bibig ko at napatango nalang, nginitian nya naman ako.

To be honest, naalala ko lahat ng nangyare last night. Hindi ko nga lang napigilan ang sarili ko dahil sa kalasingan.

Sa tuwing naaalala ko yun, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

Kinikilig ako sa sinabi nya... And I dont know why.

☂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon