Chapter 18
Jannah
"Kumain ka ng marami ha? Pasensya kana talaga hindi kita masundo" si leandro na nasa kabilang linya.
"Ok lang kaya ko naman " lumingon ako sa likod ko napansin ko na wala na si Ronnie.
"Papahatid kita Kay Joshua"
"Wag na ok lang ako ingat kana lang dyan "
"Ok sige ikaw I love you"
"I love you more" pagkatapos ng pag uusap namin lumakad na ako palabas ng gate hinanap ko pa saglit si ronnie pero diko sya makita hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya nong dinala nya ako sa hospital mukhang nakauwi na sya si phia naman hindi daw pumasok ganun din si charlyn nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa gate.Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may huminto sa gilid ko hindi ko na sana papansinin ng magsalita ang nagmamaneho.
"Pwede ba tayong mag usap?" Nilingon ko kung sino bigla akong nakaramdam ng galit ng makita sya.
"Wag kang mag alala saglit naman" natigilan ako ano na naman ba kailangan nito?.
"Anong ho bang sasabihin nyo senyora" kahit galit ako sa kanya sumama parin ako.
"Hiwalayan mo ang anak ko" napatingin ako sa kanya seryoso ang mukha nya.
"Bata pa si leandro bata pa kayo masisira lang ang buhay nyo kung ipagpapatuloy nyo ang relasyon nyo"
"Ayoko ho saka hindi ho masisira ang buhay namin kung walang naninira" pagdidiin ko hindi nagbago ang expression ng mukha nya.
"Jannah please nag iba na si leandro mula ng makilala ka hindi na sya nagpopokos sa kompanya lagi nalang syang nakadikit sayo ni hindi na nga namin sya nakakasama" may hinanakit sa boses nya pero hindi ko pinansin.
"Pagsasabihan ko nalang ho sya pasensya na din ho kayo kung pati ang atensyon nya sa inyo naagaw ko"
"No.Gusto ko hiwalayin mo sya please ipapadala ko sya sa America para maipokos nya ang sarili nya sa pag aaral at paghawak ng kompanya tumatanda na kami at hindi namin kayang iwanan si leandro na walang Alam sa buhay" sumikip na ang dibdib ko.Si leandro hihiwalayan ko? Sa isiping yun parang hindi ko na kaya.
"Hindi kita gusto Oo pero itong hinihingi ko sayo jannah ay isang pabor please" lahat ng ina gagawin ang lahat para sa kapakanan ng anak pero bakit kailangan pa humantong na hihiwalayan ko sya? Hindi ba pwedeng hayaan nalang kami?
"Nakikiusap ako sayo jannah kung gusto mo bibigyan kita ng pera lumayo kalang sa anak ko" napatayo na ako sa sinabe nya.
"Hindi ho ako mukhang pera pasensya na pero hindi ko iiwan si leandro" kasabay non tumalikod na ako.
*
Jannah
"Sya nga pala OK na yung ticket natin papuntang cebu"napatingin ako Kay leandro kasalukuyan kaming nakaupo sa terrace ng condo nya habang nagmemeryenda katatapos lang ng klase namin.Pinagmasdan ko sya ng maigi."Gusto kong hiwalayan mo sya " hanggang ngayon nag eeko parin sa utak ko ang sinabe ng nanay nya pano ko sya hihiwalayan ehh mahal na mahal ko sya naagaw ko ang atensyon nya para sa mga magulang nya siguro kailangan ko din syang sabihan kahit galit ako Kay senyora hindi ko naman maatim na ipagdamot ang atensyon ni leandro.
"Hey may problema ba?" Natauhan ako ngumiti ako saka umiling.
"Kanina kapa tulala dyan ehh hindi mo ata narinig ang sinabe ko"
"So-sorry ano ba yun?"
"Sabe na ehh tell me may problema ba?" Lumipat sya ng upuan tumabi sya sakin hinawakan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
☂
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...