Chapter 16
Jannah
"Dali na leandro please!" Pakiusap ko sa kanya nasa condo nya kami kasalukuyan syang nakahiga sa sofa at nanounoud.
"Uutusan ko nalang si manang" umupo ako sa tabi nya .
"Ayoko gusto ko tayo!" Pagpupumilit ko kanina ko pa sya niyaya na pumunta ng palengke gusto kase kumain ng mangga ehh naubos na din yung binili nya nong isang araw.
"Ok sige" umupo sya sa tabi ko pinanoud ko sya habang inaayos ang buhok nya tumingin sya sakin.
"Bakit?" Nakagat ko ang labi ko.
"Wala tara na!" Nauna na akong lumabas ang gwapo nya kase habang inaayos ang buhok nya.
"Yoooohoooo!bakasyon na!" Sigaw ni Joshua nasa music room ulit kami ang tambayan natapos na din ang lahat ng exam at sa kabutihang palad nakapasa kami.
"San kayo magbabakasyon guys?" Si charlyn.
"Sa bahay lang ako" si phia.
"Mag ba Baguio kami" si arvin.
"Kay charlyn lang ako boung bakasyon" si Joshua natawa kami.
"Kayo? For sure di kayo maghihiwalay boung bakasyon" napatingin sila samin ni leandro na tahimik lang.
"Ewan ko sa kanya" inakbayan nya ako.
"Sa amin nalang yun guys kung saan kami magbabakasyon"
"Aaayiiiee ang sweet!"
"Mapaglihim kana pare!" Si arvin. Tumawa lang sya.Inubos namin ang oras sa pagkukwentuhan sa kanila matagal tagal din bago ulit kami magkita kita.
"Deretso na tayo sa bahay" si Leandro habang nagmamaneho pauwi.
"Ayoko" tumingin say sakin pero agad ding binalik ang tingin sa kalsada.
"Bakit?"
"Ayoko na don kina nanay mo ako ihatid" Simula ng magkasagutan kami ni senyora Dina ulit ako pumunta ng mansyon.
"Sige" tinuon ko ang paningin sa labas. Baka pagbalik ko don mas lalong madadagdagan ang galit ko sa nanay nya ayoko na ulit mangyare ang pag aaway namin.
*
Ako na mag aayos nito magpahinga kana" katatapos lang namin kumain andito kami ngayon sa condo nya.
"Pero busog pa ako tutulungan na kita" akmang hahawakan ko na ang pimggan ng hawakan nya ang kamay ko.
"Ako na ok? Wag matigas ang ulo" hinalikan ko sya sa pisngi saka ngumiti.
"Opo" nagtungo ako sa sala binuksan ko ang t.v manonoud na muna ako habang hinihintay sya.
Nakadama ako ng pagkauhaw kaya bumalik ako sa kusina pero napahinto ako ng makita ko syang may kausap sa cellphone.
"Hindi pwede mom wala syang kasama" rinig kong sabe nya ang nanay pala nya ang kausap nya,nanatili lang ako sa pinto habang sya naman nakatalikod.
"No!ayoko!" Tila may sinabe ang nanay nito na di maganda.
"I'm sorry mom" pagkababa nya ng cp lumingon sya sakin ngumiti.
"Tara na sa kwarto para makapagpahinga kana" inakbayan nya ako saka kami pumasok sa kwarto.
"Baka kailangan ka ng mommy mo" tumingin sya sakin.
"Wala yun "
"Puntahan mo na" tinitigan nya ako saka hinaplos ang mukha ko.
"Hindi pwede wala kang kasama dito saka ok lang daw sabi nya" hinawakan ko ang kamay nya sigurado akong galit na naman yun dahil hindi nya mapakiusapan si leandro dahil sakin.
BINABASA MO ANG
☂
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...