TRUTH OR DARE?

38 4 4
                                    

~~~JAM's POV~~~

It's been a week since nung sinabi sakin ng parents ko na i-aaranged marriage daw ako. I sigh. Nakakaasar talaga sila. Never pa naman nila akong pinakielaman, ngayon lang at putres lang kasi future ko pa ang pinaguusapan dito. Sinong hindi mababagot nun, diba?

Friday ngayon at Homeroom period namin. Since wala naman si Sir Llana, edi free time namin ngayon. Nakatambay kami dito sa garden, kompleto kaming barkada. Naglalaro sila ng Truth or Dare samantalang ako, nakatulala dito.

"Hoy Jamaica! Tama na ang pag-senti. Sumali ka na dito." Aya sakin ni Bianca at nagsitawanan sila. I rolled my eyes at them pero sa huli napapayag din nila akong sumali. Naka-circle form sila at may space sa tabi ni Jared kaya dun ako umupo.

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jared.

I just smiled at him and nodded. "Ayos lang ako."

"Okay." ngumiti din siya at pinaikot na ang bote. Sakto namang tumama ito kay Bianca.

"TRUTH OR DARE?!" tanong namin sa kanya.

"Hmm, truth!" sagot niya. Since si Jared ang nagpaikot ng bote, siya ang magtatanong kay Bianca.

"Uhmm, answer me honestly, inlove ka ba?" halata kay Bianca na nagulat siya sa tanong.

"H-huh? A-anong klaseng tanong naman iyan?" bigla namang napatingin si Bianca kay Drake na ngayon ay nakatitig din sa kanya.

"A simple question. It's either yes or no."

"Oo nga naman, best. Inlove ka nga ba?" ayan na. Patay. Nagkatinginan kami nina Risha at Yumi samantalang si Bianca nakatingin lang kay Drake ng diretso. Lahat kami naghihintay sa isasagot niya.

"O-oo." Sagot ni Bianca sabay yuko. Halos lahat sila nagulat.

"WHOOOOO! SINO YAN?! Ikaw ah!" asar ni Kevin.

"Shut up, Kevs." Saway ni Risha.

"I-inlove ka pala, best? Ba't di mo sinabi? Samantalang ako, lahat sinasabi ko sa'yo. Akala ko ba bestfriends tayo?" naka-pout na sabi ni Drake.

"Tumigil ka nga Best. Tsk. Para kang bata." Iiling-iling na sabi ni Bianca.

"Ihh, ako sinabi ko sa'yo na inlove ako dun sa babaeng nakita ko. Ikaw, inlove ka na pala, di mo pa sinasabi sakin. Teka nga, kanino ka nga pala, inlove?" nakita naming lumaki ang mata ni Bianca sa tanong ni Drake.

"H-huh?" umiwas siya ng tingin.

"Kanino? Kay Darren ba?" bigla namang napatingin si Bianca kay Drake.

"Hindi ah!"

"Uuuy, defensive si Bianca." Asar ulit ni Kevin.

"Tumigil ka na nga." Saway ni Jared sa kanya.

"Tama na iyan, i-spin niyo nalang ulit yung bote." Sabi ni Ayumi.

Inispin na ni Bianca yung bote at tumapat naman ito kay Risha.

"What the hell?"

"Truth or Dare?" tanong ni Bianca.

"Dare, syempre."

"Kiss Kevin."

"WHAT?!"

"Joke lang. Hmm, wala akong maisip eh. Pwede ko bang ipasa yung magdadare sa'yo?" nagkibit-balikat lang si Risha bilang sagot.

"Okay, Kevin, ikaw na magdare sa kanya."

"ANO?! Bakit siya?"

"Eh wala akong maisip eh."

Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now