NEVER

36 1 0
                                    

~~~Bianca'sPOV~~~

Simula nung araw na pumunta kami ng barkada sa bahay nila Jam, hindi na ako nakakuha ng update about kay Drake. Last time nga din, pumunta kami sa bahay namin pero hindi pa din namin sya macontact para sana ayain.

Eto pasukan nanaman pero ang ipinagtaka ko lang, sabay sabay na pumasok sila Rence pero di pa din nila kasama si Drake.

"Jared, asan si Drake?" tanong ko ng makaupo sila sa sari-sarili nilang upuan.

"Hindi ko din alam eh. Simula nung nanuod tayo sa bahay nila Jam, 'di ko na sya nakita or nakausap."

"Ah, ganon ba? Sgesge."

Lahat ng tao sa classroom ay busy dahil may quiz kami sa first sub which is Chemistry. Nagbabasa rin ako, even though di ko naman talaga naiintindihan kung ano ang binabasa ko, gulo ko noh? Buti nalang talaga nakapagreview ako ng maayos kagabi kahit na every minute pumapasok sa isip ko si Drake.

"Yow! GOODMORNING GUYS!" masayang bati nung lalaking ilang araw ko ng hinahanap.

"Buhay ka pa pala, 'pre?" Kevin
"Bakit ka biglang nawala? Tch. Di mo man lang sinabi samin." Jared
"Shut up, I'm reviewing." Rence

"Yow yow! Easy guys." sabi ni Drake at tumingin sakin.

"Good morning to you my dearest best friend!" I roll my eyes at him.

"Letche ka! Anong good morning, good morning?! Hindi ka marunong magreply sa mga texts ko sayo! Psh. Badtrip ka." sigaw ko sa kanya.

"PWEDE BA?! PUNYETA DUN KAYO MAGSIGAWAN SA LABAS! Nakakaistorbo kayo dito! Can't you see? Nabubulabog nyo kami! We're reviewing for Pete's sake! Labas!" sigaw ni Ayumi. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong nakatingin na yung mga kaklase namin sa amin.

I grab my bag at umalis na sa room, napansin ko na may sumusunod sakin, kilala ko naman kung sino yun kaya di na ako lumingon.

"Best!" tawag nya sakin pero tuloy lang ako sa paglalakad.

Sinabayan nya ako ng paglalakad pero di ko pa din sya pinapansin. "Best naman!" tawag nya at bigla nya akong hinawakan sa braso.

"Ano ba?!"

"Best naman kasi, bakit ka ba nagagalit?" naasar na ako dito sa hinayupak na Drake na ito.

"Seriously? Hindi mo alam kung bakit?! Tang*na lang, Drake! Ni hindi mo man lang kami ininform kung nasaan ka at ang masaklap, di mo sinasagot ang mga tawag at texts ko!! Ano bang problema mo, Manansala? HA?!" ayan na. Sumabog na ako. Tsk.

"Best naman! 'Wag ka na magalit. Sorry na."

"Punyeta, Drake. Hindi ako magagalit ng ganito kung sana ni isang text or tawag man lang sinagot mo. Ano ba kasi ang rason mo ha?!"

"Sorry na, best. Naging busy lang ako nung last three days. Sa condo ko kasi ako nagstay eh. Akala ko nawawala yung cellphone ko, only to find out na nasa bahay pala. Tapos pagtingin ko, lowbatt naman, kaya di ko nakita." pageexplain nya.

"Hayy. Oo na. Ano pa bang magagawa ko? Tsk. Sa susunod lang, pwede? Matuto ka namang magsabi kasi kahit papaano nag-aalala din ako sa'yo." then he smile at me.

"Bati na tayo, best?"

"Oo na. Wag mo nalang uulitin, best, ah? Sasapakin na talaga kita sa susunod." tumawa lang sya at ginulo ang buhok ko.

"Opo. Tara na, balik na tayo. Di na tayo nakaattend ng flag ceremony oh!" sabi nya at hinila na ako pabalik sa room. Sakto naman na papasok pa lang din ang first teacher namin.

Hate Turns to LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя