~~Ayumi's POV~~
Ba't ang bilis ng araw? Tss. -___-" Friday na agad? Well, at least walang pasok bukas. :D
(A/N: Fast forward na naten guyss.xD)
Voting ng officers ngayon. Hayyy, ba't ang boring?
"Who's running for president?" tanong ni Sir Llana.
"Sr.! I nominate Ayumi Lazaro as our class president." sabi ni Bianca
Napatingin ako kay Bianca at nag-peace sign sya. Ano ba naman yan! Ako nanaman?! Tsk. Ako na nga last year eh. Kapagod din kaya maging class pres!
Sinulat na ni sir yung pangalan ko sa board.
"Sino pa?"- Sr. Llaña
"Sir! I nominate Lawrence Fortalejo as our class president." - Drake
"What?!"- Rence
Sinulat na rin ni sir yung pangalan ni Rence sa board. Wala na rin namang nagnominate pa. Kaming dalawa nalang ni Rence ang magkalaban. Tapos yun! Nanalo sya. Ano ba yan!! Bago lang sya dito tas sya yung nanalo? Tsk.
"Okay, Mr. Fortalejo would be our new President and Ms. Lazaro would be our new Vice President. Can you stand here in front? Kayo na muna ang charge para isulat kung sino ang iba pang mananalo. Pupunta lang muna ako sa Principal's Office"- Sr. Llaña
"Sige sir." sabi ko
"Oy! May kasalanan ka pa sakin kaya ikaw na yung magsulat!" sabi ko kay Rence pag alis ni Sir Llaña.
"Oo na. Tss." sagot nya.
Kung di nyo alam yung kasalanan nya balikan nyo yung "At the Mall". Kasi naman e. Kung makaasta akala mo naman close kami.
Pagtapos ng lahat, eto ang lumabas:
President: Lawrence Fortalejo
V.Pres: Ayumi Lazaro
Secretary:Jamaica Mercado
Ass. Secretary: Jared Montenegro
Treasurer: Monique Alejandro
Naupo na kami at yung remaining time ay naging free time nalang para sa amin. Di pa kasi dumadating si Sir e. Nanahimik lang ako tas tumingin sa bintana. Naalala ko nung Monday, Bakit kaya, wala sya dito? Hindi kaya lumipat na sya ng ibang school? :(
-Recess-
Bumababa na kami sa Cafè. Inorder ko lahat ng Kitkat na available. Yehey! Chocolate!! Reliever. :">
Umupo na kami at tahimik kumakain.
"Pre! Alam mo ba? Pag kumain ka ng kumain ng chocolate, sasabog yang tyan mo?! WAHAHAHA ! xD"-Rence
Ayoko sa lahat yung inaasar ako kapag pagod, gutom, at bored ako. Kasi bigla na lang akong......
......IIYAK. Sensitive pa man din ako, oo na! Ako na! Over sa pagkasensitive, eh sa ganon ako eh! Pero pagtapos kong makarecover, I can stand on my own ulit. Kaya nga para akong maldita dito sa school eh.
Tumakbo na ako palayo sa kanila. Pagod ako e. Alam nyo kung bakit? Niloko ako ni Kuya kagabi, sabi nya linisin ko daw yung kwarto nya tapos bibigyan nya ako ng chocolate. Ayaw nya kasi palinis yung kwarto nya sa iba maliban lang sa akin tsaka sa kanya. Kaya ayun! Napagod ako, hindi niya naman kasi binigay yung pinangako nyang chocolate ko, stress reliever ko kasi yun. Tapos dagdagan mo pa yung kanina sa room. Napakaboring.
Takbo lang ako ng takbo. Napahinto ako at napaupo sa bench. Dun ako nagstay. Wala namang tao eh.
"Ayumiiiiiii!!!" narinig kong sigaw ni Jam.
Pagdating nya, niyakap nya agad ako at umupo sa tabi ko. Dumating na rin yung dalawa. Dala ni Bianca yung mga Kitkat na binili ko. Dito nalang kami kumain at nagkwentuhan.
Hayyy. Kaya mahal ko tong mga toh e.
Umakyat na kami pabalik sa room nung malapit ng mag-time.
~~JARED'S POV~~
Tae. Bago palang ako dito. Paano ako naging officer? Tss.
Pero okay lang naman, assistant naman ako ni Jamaica eh.
Pagtapos nun. Nagkaron kami ng free time, hindi na kasi bumalik si sir eh. Kaming tatlo, natulog lang. Si Rence naman nagbasa lang ng libro.
-Recess-
Bumaba na kami at pumunta na sa Cafè.
"Pre! Alam mo ba? Pagkumain ka ng kumain ng chocolate, sasabog yang tyan mo! WAHAHAHA! xD" nagpaparinig ata si Rence kay Yumi e? Parang baliw to, sa totoo lang hindi naman ganito si Rence kapapansin sa ibang babae, ngayon lang siya nagkaganyan. Ang corny pa, tss.
Pero ang ikinagulat ko ay nung umalis si Yumi at tumakbo.
Hahabulin sana sya ni Rence ng bigla syang pigilan ni Risha.
*Pakk!*
Bigla syang sinampal ni Jam. WOAH! O___O
"Sorry Rence pero pagdating sa kaibigan ko, overprotective ako. Ulitin mo pa yun, hindi lang yan matitikman mo." sabi ni Jam tas umalis na. Sinundan naman sya ni Risha. Seriously? In my whole entire life, di pa ako nakakakita ng sumampal kay Rence dahil lang sa kaibigan nya. Iba talaga si Jamaica. Kinuha na ni Bianca lahat ng Kitkat na binili ni Yumi. Aalis na rin sana sya ng pigilan sya ni Rence.
"B-bakit biglang tumakbo si Ayumi?" tanong ni Rence
"Ganon talaga sya, pagod sya at gutom. Pinagod sya ng kuya nya kagabi. Pinalinis ata yung kwarto. Kapag pagod si Yumi at gutom, wag mo syang aasarin. Sensitive sya pagganon. It's either magdilim ang paningin nya, or yun nga! Umiyak." tas nagmadali na si Bianca umalis.
Oww. Ganon pala si Ayumi. Pero, grabe! Di ako makapaniwala na nasampal ni Jamaica si Rence.
"Pre, okay lang yan. Magsorry ka nalang next time"- sabi ni Drake
"Oo nga dre."- Kevin
"Kalma na dre. Lika na! Kain na tayo!" sabi ko. Buti nalang at medyo gutom na rin si Rence, kundi, baka habulin nun si Yumi. Kilala ko pa naman ugali nito.
Pagtapos namin umorder, naupo na kami kung saan umupo kanina sila Risha.
"Pre! Grabe! Buti nalang wala gaanong tao, kundi, baka topic na kayo dito." sabi ni Kevin.
"Oo nga e. Di ako makapaniwala na nasampal ka ni Jam!" -Drake
"Iba kasi si Jam. Grabe! Ang tapang nya. Lahat ata ng hinahanap ko nasa kanya na e." sabi ko.
"Wushuuuuu! Ang sabihin mo, gusto mo lang si Jam!!" pang-aasar nung dalawa. Loko tong mga to.
"Tss. Hindi a! Ewan ko sainyo. Tumahimik na nga lang kayo." sabi ko.
Tumingin ako kay Rence. Pinaglalaruan nya yung pagkain at tahimik lang.
Pagtapos namin kumain, umakyat na din agad kami.
————*————-*—————-*————*——————-*————*———-*
(A/N: Guys! Sorry for short update.:) Anw, Vote & Comment guysss! Jared on the pic!)
KAMU SEDANG MEMBACA
Hate Turns to Love
RomansaShe's rich, beautiful, and smart. She have bestfriends that means a lot to her. She's a good person BUT don't even dare to mess with her and her friends. She is already happy and contented on what she has. Until one day, there are four boys who will...