Super friends along the way!

25 0 0
                                    

~~~ RISHA's POV ~~~


Tulala sa kawalan. Andito ako ngayon sa kwarto, nakatambay. Isang linggo na ang lumipas simula nung 'date' kuno namin nung unggoy na yun. Isang linggo ako di pumasok. Bakit? Dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit ko din nagawa yun at hindi ko din alam kung ano yung minumokmok ko dito.


Arrrgghh! Napasabunot ako sa inis. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Naawa tuloy ako kay Kath, ano kayang sinabi nya sa kuya nya nung naabutan nyang wala ako? Ganito kasi yun...


FLASHBACK


"You didn't tell me, you're also a possessive one, babe. It's really cute. You should do that more often because I think I'm falling in love with you more."


Napalunok ako. Oww-emm-gee. What the eff did I just do?


Nakita ko yung ngisi ni Kevin, ngising nang-aasar. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Siguradong pulang pula na ito ngayon. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at ginawa ko yun?! Duuh? Hindi ko naman siya real boyfriend tapos kung maka-asta ako kanina, dinaig ko pa ang asawa. Jusko!


Napayuko ako pero ramdam ko pa din ang titig ni Kevin. Nakakahiya. Baka mamaya sabihin nya feelingera ako. Baka mamaya sabihin niya ang lakas ng loob kong ipahiya sa harapan nya yung ex nya. Eh ex nya lang naman yun eh! Di ko lang talaga alam kung bakit nag-init ang ulo ko!


Dumating na yung order namin. Wth? Anong gagawin ko? Hindi ako makakaayos ng kain dahil titig na titig sakin si Kevin, jusko.


Sa di malamang gagawin, kinuha ko na lang agad yung bag ko at dali-daling umalis. Tumakbo ako ng mabilis agad pero ramdam ko na sumusunod si Kevin.


"Risha! Risha, sandali!" naririnig kong sigaw nya pero di ko pinansin.


Lumabas ako ng mall at nagpara ng taxi, sumakay agad ako, pero naabutan ako ni Kevin, kumakatok sya sa bintana. Di ko nalang sya pinansin at sinabi kay Manong ang address ng bahay namin para makauwi agad.


——


Isang linggo ako di nagpakita, ni text o tawag man lang, wala kong sinasagot. Hindi din ako pumasok ng school dahil di ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko sa unggoy na yun. Sinabi ko na nga lang kila daddy at mommy na masama ang pakiramdam ko kaya di muna ako papasok.


END OF FLASHBACK


At heto ako ngayon, nakahiga sa kama ko at nakatitig sa kisame. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pumupunta nga lagi dito si Jam at Bianca para tanungin kung bakit daw masama pakiramdam ko eh. Hindi nila kasama si Ayumi dahil madaming ginagawa sa school. Tuwing lumalabas sila ng kwarto ko lagi silang may 'huling sulyap', ibig sabihin lang nun na hindi sila naniniwala sa mga rason ko pero sinasakyan nalang nila. Oh well, I'm really blessed to have those understanding kind of friends.


Mabuti nalang talaga at wala dito si Ayu—


Hate Turns to LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang