PALAWAN PART 2

37 2 0
                                    

~~Ayumi's POV~~

Pagkakita ko ng status ni Kyle, tumayo agad ako at nag-ayos para lumabas at hanapin si Trina.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin ang nakabusangot na mukha ng bestfriend ko.

"Oh, Risha? Nalugi na ba business nyo?" tumingin sya sakin ng nakakatakot. Ang creepy ng babaeng 'to. Ngayon ko lang sya nakita ulit na magkaganito.

"Hindi. Psh." ay, baka may red flag?

"Fine. Whatever. Dito ka muna, lalabas lang ako." binigay ko naman sa kanya yung susi para kung aalis ulit sya, malolock nya.

"Ge." tumango lang sya sabay padabog na pumasok sa room namin. Seriously? Anong problema nito? Bahala na nga muna sya dyan. Mamaya ko nalang kakausapin ulit.

Malapit na ako sa room nila Trina, alam ko kasi room 405 sila.

Room 405

Eto na ata? Kumatok ako ng tatlong beses hanggang sa bumungad sa akin ang babaeng nakapajama.

"Hoy Arcie, asan si Trina?"

"Andito, wait." pinasok nya ulit ang ulo nya para tawagin si Trina.

"Hoy, babae, anong trip mo at nakapajama ka?" tanong ko kay Arcie. Arciena (Pronounce as: Arsina) Delos Reyes. Isa sa mga bestfriend ni Trina ngayon. Sya ang stock holder ng The Roley Watch. Magbusiness partner yung parents nya at parents ni Trina.

"Wala trip ko. Lamig sa loob eh. Matutulog ako."sabi nya at pumasok na at sya namang labas ni Trina.

"Oh, Ayumi, ba't andito ka?"

"May sasabihin ako sa'yo."

"Ano?"

"Si K--"

"TRINA!" di ko natuloy sinasabi ko kasi biglang tinawag ni Paul si Trina. Lumapit sya samin.

"Oh? Ayumi? Musta?"

"Ays lang." sabi ko at bineso sya.

"Ano ba yung sasabihin mo Ayumi?" tanong ulit sa akin ni Trina.

"W-wala." ayoko na sabihin. Nakakahiya naman andito si Paul eh. Maintriga pa 'tong baklang 'to.

"Ano ngaa?" pangungulit ni Trina.

"Ano, uhm, ano, k-kung gusto mo kumain or maglakad sa baba?" palusot ko.

"Sus, yun lang pala. Sorry, di kita masasamahan, pupunta kami ni Paul sa bar malapit dito eh."

"Ah, sgesge. Okay lang."

"Sure ka? Gusto mo sama ka nalang samin?" tanong ni Paul sakin.

"Hindi sige. Okay lang. Babye!" sabi ko at tumakbo na. Maya maya may nabunggo ako.

*Boogsh!*

"Ang bulag mo naman."

"Che. Wala ka talagang magawa monster? Ipatapon kita sa pluto eh."

"Para namang kaya mo. Psh." di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa pagtakbo. Nakakahingal itong araw na ito.

~~Jamaica's POV~~

*toot toot*

From: Jared Riding Hood

Jam! Labas ka. Laro tayo.

-end-

Si Bianca nasa labas kasama si Drake.Kanina ko pa katext itong lalaking ito eh. Parang baliw kasi.Kanina kung anu-anong pinag-uusapan namin pero ngayon papapuntahin nya ako sa labas?

Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now