~~~RISHA'S POV~~~
"Risha! Bilisan mo na nga! Ang kupad mo talaga kumilos." kuya ko lang naman ang nagsasalita. Punyemas eh noh? Parang hindi kapatid, more like nanay. -___-
"Saglit lang naman Kuya! Mas atat ka pa sakin eh!" sigaw ko. Andito kasi ako ngayon sa loob ng kwarto at nag-aayos ng sarili. Tapos katok ng katok si kuya sa labas.
"Baliw ka ba? Kita mong kanina pa naghihintay yung ugok na yun sa baba eh. Bilisan mo na! Nakakahiya" Wow ah! Siya pa talaga may ganang manermon sa akin tungkol sa hiya hiya. Eh siya nga itong kung makasigaw, akala mo wala yung tinatawag nyang 'ugok' sa baba eh.
"Oo na! Oo na! Tsk." sabi ko at lumabas na. Tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa.
"Ano? Nagagandahan ka nanaman sakin?"
"Pwede na." sabi nya at tumatango-tango pa.
"Pwede na?" ulit ko. Finally! Inamin din ang katotohanan na maganda ako. Hah!
"Pwede ka ng maging maganda," biglang akong napangiti. "...kung hindi ka lang talaga naging pangit. Hala, sige. Bumaba ka na." Ang sama talaga neto.
Bumaba na ako at naabutan ko yung unggoy na nilalaro yung kapatid nya. Bigla namang tumakbo yung bata papunta sakin.
"ATE RISHAAAA!" ay jusme! Ang ingay ng batang ito. Mana sa kapatid.
"Hi Baby Kath! Miss me?" tanong ko at lumuhod para mapantayan ko sya.
"Yes, ate! I mish you!" sabi nya at biglang yumakap sakin. Nakita ko na nakatingin lang samin yung unggoy. Tumayo na ako.
"Sabi ko date. Romantic Date nga daw eh. Hindi family date. Kung gusto mo ng family date, pwede naman tayong gumawa ng baby par- ARAY!!" ayun. Sinuntok ko. Kung ano ano kasi pinagsasabi eh.
"Manahimik ka nga." sabi ko at dinala na si Baby Kath papunta sa kotse nung unggoy. Umupo kaming dalawa ni baby kath sa likod. Syempre! Di naman ako papayag na magkatabi kami nung unggoy na yan noh!
Nagdrive na si unggoy, ang daya nga eh, may lisensya na agad. Ako kaya? Kelan magkakaron? Tsk. Habang on the way kami sa mall, na pagmamay-ari nila Ayumi, kumakanta si baby Kath ng bahay kubo. Ang cute nga eh.
Napatingin ako sa bintana. It's been a week since nung naglaro kami nung truth or dare na yun, so meaning, one week na din 'kami' nung unggoy at ngayon, yung dare nila kay Kevin ay makipag-date sakin. Romantic date echos daw. Tsk. Kung hindi lang talaga dahil sa pagkain, di talaga ako papayag eh.
Hindi naman sa patay gutom ako or what, may rason lang talaga ako, and that reason? Tsaka nyo pa malalaman. Psh. Si author kasi eh.
Napatingin ako kay Kevin habang nagdridrive. Yung mall na may malaking playground kasi ang pupuntahan namin, kaya medyo malayo. Halos kasing laki kasi yun ng park eh. Kaya dun namin dadalhin si Baby Kath.
Habang nakatingin ako kay Kevin, nagflashback lahat ng nangyari sa amin. Sa aming dalawa at sa buong barkada. Kung titignan, masungit ako at maypagka-sadista (not like Ayumi ah, mas sobra yun eh.) pero I wonder kung bakit ako nagustuhan nitong unggoy na ito. Ay ewan, maganda kasi ako kaya ganon.Di ako nagbubuhat ng sariling bangko dahil yun talaga ang totoo.
YOU ARE READING
Hate Turns to Love
RomanceShe's rich, beautiful, and smart. She have bestfriends that means a lot to her. She's a good person BUT don't even dare to mess with her and her friends. She is already happy and contented on what she has. Until one day, there are four boys who will...