I like you.

26 2 0
                                    

~~~Risha's POV~~~


It's already monday. Pagtapak na pagtapak ng paa ko sa WOC, ramdam ko na yung kaba. But anyway, I need to go on. Ayoko ng magpadala sa kaba at sa takot. Nakakasawa rin minsan.

And now, andito na ako sa tapat ng pinto ng classroom. Hahawakan ko palang sana yung doorknob pero bigla itong bumukas at niluwa ang unggoy na halatang nagulat na makita ako.

"Uhm..h-hi, kev--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nya akong niyakap.

"God, how I miss you, Rish." bulong niya. Bwisit tong lalaking to. Ang aga aga eh. Pero hayaan mo na, atleast naamoy ko siya. Ang bango niya kasi, y'know?

"RISHAAAAAAAA!" sigaw ng buong barkada except lang kay Rence at ayun tinulak nila si Kevin at niyakap ako.

"Uy, guys. Easy lang. Hindi ako makahinga." unti-unti naman sila kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Alam ko namang miss nyo na yung kagandahan ko kaya napilitan tuloy akong pumas--OUCH!" bwisit na Jam to. Binatukan ako.

"Ang mahalaga, andito ka na." sabi ni Jared. Ngumiti nalang ako. Umupo na kaming lahat sa pwesto namin at nagkwentuhan. Maya-maya, dumating na rin si Mr. Llana at nag-start ng mag-discuss.

Recess na so bumaba na kami pero sa garden ang diretso namin. Pinabili nalang namin si Jared at Drake ng pagkain sa canteen. Andito kami ngayon sa damuhan at nakaupo. Si Rence at Ayumi, may sariling mundo dahil nag-aaway nanaman. Si Bianca at Jam naman nag-uusap. At eto ako, kasama yung unggoy na ito. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita nung una pero binasag niya na rin ang katahimikan between sa amin nang magsalita siya.

"I miss you, babe." Oh, gosh. I miss that.

"I miss you too." ngumiti ako pero sya diretso lang syang nakatingin sa akin. "Sorry nga pala kung--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil nilagay nya yung ulo nya sa balikat ko. Magkaharap kasi kami nang bigla syang umusog paharap at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Stop saying sorry. The important thing is that you're here. Just promise me, you won't hide again from me because I tell you, it's driving me crazy." napaluha naman ako dahil naiimagine ko palang na nasasaktan ko sya, ang sakit na dito sa dibdib ko. Bigla naman siyang umayos ulit ng upo at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay nya.

"Shh, don't cry. I hate seeing you like that." ngumiti ako at pinunasan ko yung mukha ko.

"Ang bilis ng panahon. Parang dati lang, naasar pa ako sayo. Parang nung unang araw, crush palang kita. Tapos ngayon, ganito na tayo." Nakita ko naman na bigla syang nagulat.

"Crush mo ko?" tanong niya hanggang unti-unting nag-curve ang mga labi niya. Umiwas ako ng tingin.

"Wag ka nga. Noon lang naman yun." sabi ko. Tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?" kaasaar tong lalaking to.

"You're cute." tapos ngayon naman nakakakilig. Ano ba talaga, kevs?

"Whatever. Basta ang alam ko--" bigla nanaman syang nagsalita.

"Basta ang alam ko, mahal ko si Risha Garcia. Hindi to biro at lalong hindi ito kunwarian lang dahil may 'fake' relationship na namamagitan sa atin. Mahal kita, Rish. At ngayon, napagpasyahan ko na ligawan ka na ng totoo dahil ayokong fake lang." napanganga ako. Literal. Badtrip tong lalaking to, hilig magpadalos dalos eh. Gusto kong maiyak, hindi dahil nasasaktan or nalulungkot ako, but for the first time in my life, naiiyak ako kasi natutuwa ako. Ganito pala yung feeling.

"Risha Garcia, can I have your permission to court you?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Nakita ko naman ang saya sa mga mata niya. Hanggang sa nakita kong naluluha na rin siya tapos bigla niya akong niyakap. Niyakap ko naman sya pabalik.

"Kevin, okay ka lang?"

"I'm just happy, Rish. So damn happy. I can finally court you." napangiti ako.

"Mahihirapan ka." sabi ko at kumalas siya sa pagkakayakap.

"You're testing me, eh? It's Kevin Salazar we're talking here. Kaya niyang gawin ang lahat para sa babaeng mahal niya." napangiti nanaman ako at ako naman ang yumakap sa kanya. Ramdam ko naman na nagulat din siya.

"I like you, Kevin." bulong ko at tinignan ko siya. Gulat pa rin siya hanggang sa maya maya, tumalon talon siya.

"YES YES YES YES YES YES!!!!"

"Uy, Kevin, wag kang maingay." sabi ko.

"Anong problema mo, pre?" tanong ni Drake. Nakabalik na pala sila ni Jared.

"RISHA LIKES ME, GUYS! SHE REALLY DO!!! OH, SHIT! I CAN'T BELIEVE THIS!!!" tapos sumigaw sigaw siya. Tumatawa lang sila habang ako nakatingin lang kay Kevin. Unggoy talaga, tsk.

"KEVIN, SHUT UP!" sigaw ko at sumunod naman siya agad. Umupo ulit siya sa harap ko at nakangiti na parang aso.

"Para kang ewan. Ugh." inirapan ko siya.

"I'm sorry." sabi niya at yumuko.

"I won't buy that, Kevs." sabi ko at tumango ulit siya at ngumiti.

"Bastedin mo na, Rish."

"Lul, pre. Bianca, yang bestfriend mo ah. Di ako natutuwa." sabi ni Kevin at dumila pa kay Drake.

"You really are a monkey." sabi ko at tumingin ulit siya sa akin.

"Your monkey." Ugggh. This guy is driving me crazy!!!

"Whatever." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Nako, Risha. Wala yang gagawin si Kevin kundi ang inisin ka, bastedin mo na yan." sabi ni Jared.

"Nako, Jam. Wala yang gagawin si Jared kundi ang bwisitin ka, bastedin mo na yan." ganti naman ni Kevin.

"Inuutusan mo ako?" sabay irap ni Jam. Nagtawanan kami.

"Rence, oh! Inaaway nila ako!" sumbong naman ni Kevin kay Rence. Pero tumingin lang sya at walang sinabi. Mas lalo kaming natawa.

"Hahahha! Kawawa ka naman, Kevin!" tawa ni Ayumi.

"Babe, inaaway nila ako." sabi niya at nag-pout sa harap ko. Ang cute lang haha.

"Mukha kang aso." sabi ko at tumawa nanaman sila tapos siya, tumalikod sa amin.

Nako po, nagtampo ang unggoy. Tsk tsk.

Nilapitan ko siya at niyakap. Halata namang nagulat siya. "Joke lang. Hayaan mo na sila. Para kang bata eh." sabi ko at humarap siya sakin.

"Kung ganyan lang din naman pala ang gagawin mo, edi okay lang pala sakin na awayin at awayin nila ako, may yakap naman ako sayo." sabi niya at nagtaas-baba ng kilay habang nakangiti. Ngumiti rin ako pero tinulak ko na siya.

Nagkwentuhan pa kami hanggang napansin namin na konting oras na lang, time na. Kaya umakyat na kami at ayun, nagstart nanaman ang boring na lessons.

(A/N: Sabaw ba? Sorry na HAHAHHAHAHHAHA XD SORRY DAHIL SOBRANG TAGAL KONG DI NAG-UPDATE HAHAHAHH)


Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 19, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Hate Turns to LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora