The Expert

76 3 0
                                    

~~AYUMI'S POV~~

Sunday ngayon at ang sakit sakit ng ulo ko. Yung tipong gusto ko mamapak ng tao. -______-" Ewan ko ba pero badtrip ako e. :(

*You can count on me like one two three,

I'll be there.....*

Hindi ko na pinatagal pa at sinagot ko na agad.

"Hello?"

(Yumi, pwede ba tayo mag-usap?)

Wait? Parang may iba kay Biancs ngayon a? Bakit kaya? Para syang may problema.

"Biancs, may problema ka ba?"

(Basta Yumi, meet me at Starbucks, sa mall nyo, yung pinakamalapit? 1:30 p.m. Bye!)

"W--!" di na natuloy yung sinabi ko, bigla nya ng binaba e. Hayyy. Problema kaya nun? Ba yannn! Bakit kaya nya ako pinapapunta dun? Ang sakit na nga ng ulo ko e. Tinatamad pa akong kumilos. Kamusta naman yun? -_____-" Tinignan ko ang orasan, 11:30 pa lang. Kailangan ko ng bumaba at kumain ng lunch.

"YUMIIIIII!" sigaw ni Dad

"Pababa na pooo!" sagot ko

Bumaba na ako at pumunta sa Dining Room, tulad ng inaasahan ko, pag-andyan si Dad, maraming pagkain! *____*

"Pa, ba't andito ka? Wala kang pasok?" tanong ko

"Wala, pero may meeting ako ngayong 12:30" sagot ni Dad

"Di mo kasama si Mommy?"

"No."

"Why?"

"May meeting syang kailangan attendan ngayon."

"Ahh. Si Kuya? Asan?"

"Nasa kwarto nanunod."

"Oww."

Nag-start na kaming kumain.

"Dad, pwede ba akong umalis mamayang 1:30?"

"Sore wa kotonarimasu" <It Depends>

"Si Bianca kasi nagpapasama sa starbucks, may pag-uusapan ata kami, ewan ko dun eh. May problema ata. Babalik naman po ako agad."

"6:00 kailangan andito ka na sa bahay."

"Roger!" nagsalute pa ako. Minsan lang ako payagan ni Daddy noh!

Pagtapos ko kumain umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na. Nag-ready na ako habang maaga pa. Pagtapos ko, tumingin ako sa orasan at nakitang 12:30 na. Aalis na si Dad. Pumunta ako sa baba, at nagbbye kay daddy. Pagtapos nun, umakyat na ulit ako sa kwarto at tinawagan si Jam.

"Jam, tinawagan ka rin ba ni Bianca?"

(Hindi, why?)

"Ah, sige. Wala wala."

(Okay. Bye.)

"Bye"

Siguro, importante talaga toh, di nya tinawagan sila Jam e. Bakit kaya?

*After 30 minutes*

Pumunta na ako sa Starbucks, ayoko kasing malete noh! Naabutan ko naman si Bianca na nakaupo na at meron syang dalawang frappe.

"Kanina ka pag nag-iintay?" tanong ko

"Di naman" tas ngumiti sya yung pilit lang.

"Bakit mo ako pinapunta dito? May problema ka ba?" nung tinanong ko yun, nag iba yung facial expression nya, parang naguguluhan sya.

Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now