Revin and Jamed Moments. <3

46 1 0
                                    

~~Risha's POV~~

Balak namin sanang sundan si Ayumi pero inunahan kami ni Rence.

"Hayaan nyo na muna silang dalawa."sabi ni Jam kaya tumango nalang kami.

Lumabas na kami ng audi at bumalik na sa classroom. Choosing of clubs na pala. Sus naman, nakakatamad. -.-

"Guys! Magbibihis na ako, alam nyo naman, manghihikayat pa ako ng mga ibang volleyball players para makasali sa varsity." paalam ni Jam. Paalis na sana sya ng tawagin sya ni Jared.

"Oh?"

"Sasali sana ako sa varsity ng basketball, pwede mo ba akong samahan kung saan?"

"Ah, sgesge. Kaso, ngayon din ang try-outs. May dala ka bang jersey at shorts?"

"Oo meron."

"Good. Magbihis ka na rin." umalis na silang dalawa para magbihis.

"Ikaw best? Anong club kukunin mo?" tanong ni Drake kay Bianca.

"Arts Club. Mahilig akong magdrawing, lalong lalo na ng anime."

"Ah, sge, dun nalang din ako. Mas hilig ko rin naman ang drawing eh."

"Sige. Halika na."

"Oh pano? Pre! Risha! Una na kami." paalam samin ni Drake at tuluyan na rin silang umalis.

"Ikaw babe? San kang club?" linapit ni Kevin ang mukha nya sakin at nilayo ko naman ito gamit ang kamay ko, bale parang kaharap nya ang kamay ko ngayon. Haha.

"Tigilan mo nga ako dyan sa 'babe babe' mo. Nakakairita." sabi ko at yumuko sa upuan ko. Matutulog nalang ako.

"Di ka pipili ng club, babe? Sige dito nalang din ako." naramdaman ko naman ang pag-upo nya sa tabi ko.

~~~~~~~~~~~~

Paggising ko, wala na sa tabi ko si Kevin, asan na kaya yun? o_O Nilibot ko ang tingin ko and tenen! Spotted! Nakikipaglandian sya! Whoot! -.- Take note, lower grade pa ata ito? Junior siguro? -.-

Since wala naman akong pakielam sa playboy na ito, aalis nalang ako. Tss. Maghahanap nalang ako ng club na papasukan ko.

Habang naglalakad ako, may nabunggo ako at parang may nabasag na hawak nya.

"Uhm, s-sorry po." sabi ko.

"Okay lang. Mapapalitan pa naman yan. Teka, parang kilala kita?" Huh? Sino ba ito? FC? -.-

"Ikaw ang anak ng may-ari ng TRCBD diba?" sabi ng lalaki habang nakatingin sakin.

"Uh, oo. Ako nga, bakit? Tsaka pano mo nalaman?"

"Kilalang kilala ang company nyo, how come I would not know that?" Oo nga naman. May pagkatanga rin ako. -.- "Besides, kayo ang number one example ng malagong company ng mga alak. So, lagi naming nadidiscuss yun sa club namin. I'd like to invite you, if you don't mind." nagulat ako sa sinabi ni Kuya, teka? Merong club na ganoon dito? Ba't ngayon ko lang nalaman? Sa tinagal tagal ko dito sa school na ito? Psh.

"Talaga? Anyway, bakit parang ngayon ko lang narinig na may club na ganon. Anong club ba yan?"

"The Classical Night Club. Ngayon rin lang kasi naging active ang club namin kaya onti lang ang students na nakakaalam nito." sabi nya. ah, kaya naman pala.

"Sige, dito na lang ako. Wala pa rin naman akong club eh." mukha namang lumiwanag ang mata ni kuya.

"Talaga po? Sge po! Fill-upan nyo na lang po ito." Kinuha ko naman yung papel na iniaabot nya.

Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now